“Welcome to Terra Kingdom Hermes.” Mahinang sabi ko at tumitig sa kaniyang mga mata. Tumitig naman siya pabalik sa akin habang hindi pa rin makapaniwala na natawag ko siya gamit ang summoning spell. Maya maya lamang ay dali dali siyang tumayo at handa na sanang sapakin ako nang mabilis akong nakaiwas. Dali dali namang lumaki ang kaniyang mga mata at itinuro pa ako gamit ang kaniyang daliri. “You flew??” Nangunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi.
“No I did not. I just ran.”Casual na sabi ko at ipinagcross ang aking mga kamay sa aking dibdib. “You what? Just run? You literally flew Hunt.” Hindi makapaniwalang sabi niya kaya naman huminga ako nang malalim at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at tinitigan sa kaniyang mga mata. “I did not, Hermes. I can’t fly, I never tried. I just ran away to dodge your attack.” Kumurap kurap siya sa akin at inilibot niya ang kaniyang mga mata sa aking kabuohan. Ilang beses niya iyong ginawa kaya naman binitawan ko na siya at umupo sa aking kama.
“So that is a Fae sense. What the heck, you really are Fae, Hunt. I can’t believe it.” Bumuga ako nang hangin at nang mapatingin ako kay Hermes ay nakataas ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakalagay sa kaniyang waist. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong silid at halos mandiri siya sa kaniyang nakita kaya naman hindi ko maiwasan ang mapatawa. Hindi nga pala niya gusto ang mga ganitong lugar dahil masyado siyang sanay sa mga magagarang lugar. Magkakapatid nga sila nina Apollo at Aphrodite. “So why am I here? Don’t tell me I need to stay here for the mean time?” Hindi makapaniwalang sabi niya at para bang masusuka na ang kaniyang mukha.
Napangisi ako sa aking naisip na ideya at narinig ko naman ang pagtawa ni Silas sa aking isipan. “Well yes, you can’t go out of this room since Faes are roaming around the palace grounds. You will be easily spotted especially now that your aura is coming out, Hermes can’t you not hold your sparkle that much?”
“Shut up cousin, I just couldn’t believe what happened so my hand slipped. First, you summoned me unnoticed when I was getting ready for my trip to the human world. Second, I am here in this nasty old place where I do not deserve it. And now, you just showed me your Fae skills. I couldn’t believe a thing. Tell me I am dreaming.”
Wika niya at pumikit pa na parang natutulog. Lumapit ako sa kaniya at sinapak ang kaniyang noo kaya naman napasigaw siya mabuti na lamang at mabilis ang aking reflexes kaya naman dali dali kong natakpan ang kaniyang bunganga. “Shut up or we’ll both dead.” Mahinang bulong ko sa kaniyang tenga.
Nang kumalma na siya ay mabilis ko namang inalis ang aking mga kamay at bumuga nang hangin. Tama bang sinummon ko pa siya dito? Pakiramdam ko ay mas nastress ako nang dumating siya. Huminga ako nang malalim at hinintay na kumalma ang aking isipan dahil nagsisimula na namang lumitaw ang sangkatutak na tanong. Naging tahimik kami ng pareho at matapos ang ilang sandali ay ako na ang bumasag sa katahimikan. “Things are getting weirder each day Hermes.” Mahinang sabi ko.
Narinig ko naman ang kaniyang buntong hininga at umayos siya sa kaniyang upo. “Why don’t you just go back to the Underworld Hunt?” napatigil ako sa kaniyang sinabi. Can I really? Bakit pakiramdam ko ay itinapon ako nang aking ama dito sa fae world? Hindi ba’t nais niya akong patayin sa huling pagkikita namin? “I don’t know Hermes, father attacked me with his darkest power when I was about to cross the portal.” Katahimikan ang namayani kaya naman tumikhim ako at muli na sanang magsasalita nang nauna nang magsalita si Hermes sa akin.
“He what?”
Napatingin ako sa kaniya at halos hindi makapaniwalang tinignan siya. Hindi nila alam? Ibig sabihin ba noon ay hindi ito sinabi ni ama? Ano ba talaga ang plano ni ama? “He did what Hunt?”.
“He used his darkest power on me, that is why I could not contact you for how many weeks and that is how I lost my God connection. You didn’t know?” Umiling iling siya at hindi makapaniwalang napabuga ako nang hangin dahil sa aking nalaman. ”What the hell is happening with my father?”
“We did not know you went like that. Hades looks fine when he got out of the room minutes after you went, saying you already started your mission.”
“What do I even need to do here? I heard there are goblins in the outer villages of the kingdom” sabi ko habang nakatingin sa sahig at tinatapik tapik ang aking hita. “What the hell are goblins doing here?”
“Exactly my point. I didn’t even know it until I was here either. According to the Faes, more Underworld creatures are appearing everywhere that is why they are strengthening their military system.” Nang tumingin ako kay Hermes ay napansin kong seryoso na ang kaniyang mukha. Mukhang may mga bagay kaming kailangan malaman “Let’s go to Olympus Hunt, you are safer there.”
Huminga ako nang malalim at tumango. I think it is easier to know what my father is up to when I am in the God’s realm. Tumayo na ako at hinintay si Hermes na gawin ang portal papunta sa kaniyang tirahan. Sinubukan ko ding tawagan sina Aphrodite at Apollo upang ipaalam sa kanila ang balak namin ni Hermes. “Aphrodite go to Hermes’s home, like right now.”
“Hunt, omyyy i miss you, wait what? Why?...”Hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin at dali dali namang tinawagan si Apollo gamit ang mindlink. “Apollo, go to Hermes’s home.”
“Who is this I don’t want to, his house stinks.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa pangiinsulto niya o hindi. “This is Hunt Apollo, and this is urgent now go.”
Muli kong pinatay agad ang tawag at inayos ang mga gamit na kailangan kong dalhin lalong lalo na ang mga papel na pinagsulatan ko nang mga impormasyong nakalap ko habang nandito ako sa mundong ito. Nang maayos ko ay hinintay ko na lamang si Hermes na tapusin ang paggawa sa portal, mas matagal ito kaysa sa summoning spell dahil automatic na kukuhanin nang portal ang taong iyon papunta sa nagtatawag habang sa portal mismo ay kailangan mo pang gumawa nang bridge na magcoconnect from one place to another.
“Silas what happens to you when I am in the God’s realm?” mahinang wika ko kay Silas sa aking isipan, hindi ko alam kung nagpapahinga na ba siya o ano dahil sobrang tahimik niya mula pa kanina. “Nothing, I will always be inside you Hunt, unless you die in your animal form then I will disappear.” Napatahimik ako nang malaman kong may paraan pala kung papaano patayin ang mga animal spirit ngunit hindi ko maiwasan ang makaramdam nang kirot. Kahit papaano ay napalapit na ako kay Silas at parte na siya nang buhay ko.
Hindi ko man tanggap na isa akong half-Fae at half-God ay pakiramdam ko mas nagkaroon nang purpose ang aking buhay, mas naging buo ako. Dahil sa wakas ay nahanap ko na ang isang parte na magtutukoy sa akin kung sino ba ang aking ina. “Hunt, let us go.” Wika ni Hermes at napatingin naman ako sa kaniya at sa portal sa kanyang harapan. Tapos na ito at kamukha nito ang portal na nakita ko noong magpakita siya sa akin sa kagubatan malapit sa bahay ni Aling Maya. Tinanguhan ko siya at binuhat ang aking mga gamit bago naglakad palapit sa kaniyang pwesto.
Nasa ganoon kaming estado nang bigla na lamang bumukas ang pinto at doon ko narinig ang sigaw ni Silas sa aking isipan. Huli na ang lahat nang mapagtanto naming may pumasok sa kwarto kaya naman napatigil na lamang kami sa aming pwesto at tinignan ang lalaking iyon. Nagsalitan ang tingin niya sa aming dalawa ni Hermes at halos lumaki ang kaniyang mga mata nang makita ang diyos na kasama ko. “That is, that is… What the hell is happening in here Hunt?”
Wala akong nakuhang sagot at pakiramdam ko ay nawalan ako nang dugo dahil sa taong nasa harapan namin ngayon. “What are you doing here Vaughn?” Mahinang sabi ko at napahakbang palapit sa kaniya kaya napako sa akin ang tingin ni Vaughn. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang isa akong diyos ngunit kailangan ko rin namang ipaalam ngayong nahuli na kaming dalawa ni Hermes. “What are You doing with this God?” diniinan niya ang pagkakasabi nang ‘you’ at hindi ko naman maiwasan ang mapabuga nang hangin.
Napatingin ako kay Hermes at napansin kong napakacalm niya lamang sa sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang iniisip kaya naman napabuga ako nang hangin. Nang tumingin akong muli kay Vaughn at masama na ang kaniyang tingin sa akin kaya naman mas naglakad pa ako palapit sa kaniya at habang ginagawa ko iyon ay unti unti kong binitawan ang hawak ko sa aking sparkle. Narinig ko naman ang mura ni Hermes sa aking likuran ngunit hindi ko na ito pinansin. Inilabas ko rin si Silas upang maipakita sa kanilang dalawa ang aking true form, ang pinagsamang Fae at God form ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan dahan kong pinalabas ang aking pakpak. Narinig ko naman ang mura nina Hermes at Vaughn marahil ay dahil sa lumabas na nga ang tunay kong anyo. Huminga akonang mallaim at unti unting binuksan ang aking mga mata. Napatingin ako kay Vaughn na halos lumuwa ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Tumalikod ako upang tignan din ang reaksyon nang aking pinsan at napangisi naman ako nang makitang kapareho niya nang reaksyon si Vaughn.
Nagpalabas ako nang kapangyarihan at ginawa itong salamin at mula doon ay pinagmasdan ko ang aking sarili. Ito na ang pangalawag beses na makikita ko ang sarili ko sa ganitong anyo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil ibang iba ito sa naiimagine kong true form ko noong nasa Underworld pa ako. Itinaas ko ang aking mga kamay upang hawakan ang aking sungay.
Napangiti ako nang sa wakas ay naramdaman ko na ito. Habang binababa ko ang aking kamay ay dahan dahan ding nawawala ang salamin.
Tumahimik ang buong silid at alam kong damang dama nila ang lakas nang aking aura dahil walang kahit anong nagcoconceal dito kaya naman nang masiguro kong natitigan nila ako nang maayos ay dahan dahan ko na muling itinaas ang aking sparkle at ibinalik ang aking human form.
Huminga ako nang malalim nang makulong kong muli ang aking kapangyarihan at pakiramdaman ko ay sasabog na ako sa lakas nito. Matagal na katahimikan ang namayani sa aming tatlo at napapalit palit naman ang kanilang tingin sa akin at sa kanilang dalawa.
“I think both of you saw what I am. Yes, Vaughn, I am half-Fae and half-God. This is my cousin Hermes. Hermes, this is Vaughn, a Fae General for the Kingdom of Terra.” Huminga ako nang malalim at umupo sa aking kama. Nawala na rin ang portal na ginawa ni Hermes kaya naman alam kong hindi na kami makakabalik agad sa Olympus.
Hindi rin naming hahayaan si Vaughn na makalabas nang silid na ito dahil sigurado naman kaming ipapahuli niya kami.
Sinara ko nang maigi ang pintuan gamit ang aking kapangyarihan. Napaupo naman si Hermes sa sahig.” How is that even possible?” rinig kong bulong ni Vaughn kaya napatingin ako sa kaniya. “I actually do not know. My father threw me here and disrupted my god connection for three months.” Napatingin siya sa akin at nandoon na naman ang galit at pagkalito sa kaniyang mga mata. “Who is your father?”
Hindi ko maiwasan ang mapangisi sa kaniyang tanong. Mas mainam nang ibunyag ang lahat nang katotohanan ngayon nang malaman ko kung ano nga ba talaga ang plano niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya naging mabait sa akin lately ngunit natitiyak kong hindi siya tatahimik lamang kapag narinig niya kung sino at kung ano ba talaga ako. “My father is Hades, King of the Underworld.”
Napanood ko nang unti unting manlaki ang kaniyang mga mata at halos malaglag ang kaniyang bunganga dahil sa kaniyang narinig. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Hermes ngunit hindi ko na ito pinansin at nagpokus kay Vaughn na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.