Napansin kong wala masyadong tao sa palasyo nang Elfisc hindi katulad sa palasyo nang Terra sa Caldonia ay halos palagi tong puno sa dami nang bumibisita roon. Ang apat na guwardiya na sumundo sa amin sa borders nang Kronomiya at Elfisc ay nasa unahan habang may walo namang nakasunod sa amin mula sa likuran. Karamihan sa mga detalye nang palasyo ay may kinalaman sa dagat o di kaya sa tubig katulad na lamang nang nadaanan naming sculpture nang isang wave kanina. Mukha itong realistic na alon dahil kuhang kuha nang artist ang mga details nito, gawa iiyon sa glass na siyang mas nagpahanga sa akin. Ang isa naman ay litrato nang mga sirena na halos hindi na iwanan ni Aphrodite kaninang madaanan namin ito. Nakailang pasikot sikot pa kami bago kami napatigil sa isang malaking dalawang pintuan

