Lumabas kami sa Olympus, sa mismong bahay ni Hermes. Hawak-hawak ko si Vaughn sa kaniyang balikat nang mapansin kong nkahiga sa lumulutang na carpet sina Aphrodite at Apollo. May isang carpet na lumilipad ang lumapit sa akin kaya naman dahan dahan kong inilagay doon si Vaughn nang makapagpahinga siya. Nagtawag si Hermes nang kaniyang mga alagad na demigod na siyang nagalaga at nagpagaling sa tatlo habang kami naman ni Hermes ay pinapanood lamang ang nangyayari. Never in my entire existence na makikita ko ang dalawa kong pinsan na mapupunta sa lagay na ito. They look like they are about to die or they was beaten to death by a titan. Napabuga ako nang hangin at napaupo sa sofa sa aking harapan naramdaman ko namang sumunod sa aking tabi si Hermes na may dalang dalawang baso nang ambrosia at

