Annoying GF

877 Words
ISA SA pinaka paborito kong gawin kapag vacant ang klase namin ay ang kulitin sa chat ang girlfriend kong si Liway. Alam kong busy s’ya sa work kaya mababasa na lang n’ya ang mensahe ko ‘pag lunch break nila. Pero iba ngayong araw dahil nasa seminar ang mahal ko. At s’ya ang unang nag-chat kasi nabuburyong na raw s’ya. Puro irrelevant ang discussion nila instead the main topic na ipinunta nila. Lovey: Hi, Baby. Love: hi, baby qou. miss you! Lovey: Miss you more, langga. Amboreng dito. Gusto ko na mag-teleport sa tabi mo! Napangiti ako sa reply n’ya kaya nag-isip ako ng isasagot. Love: tapos ano’ng gagawin mo ‘pag nasa tabi na kita? Kita kong nagta-type na s’ya ng reply pero inabot pa ‘yun ng ilang segundo bago n’ya nai-send. Lovey: Whatever you want. Love: really? paano kung gusto ko ng kiss? maraming-marami, bibigay mo? Lovey: Yun lang? Yakang-yaka! Yabang! Lovey: Isay, ba’t ka pala nagcha-chat? Wala ba kayong klase? Baka mahuli ka, ha? Love: chillax, mahal. vacant namin kaya free akong kulitin ka. Lovey: Ah, ok. Yay, ang tipid naman! Gan’to ba talaga ‘pag matatanda? Minsan kasi nahihirapan akong basahin si Liway through chats kaya bibihira lang namin ginagawa ‘yun. More on call, Facetime or personal kami para hindi namin kailangan manghula kung ano’ng ibig sabihin ng ganito gan’yan kapag chats lang. Wait, naisip kong magpabebe. Love: di mo na ‘ko love. Lovey: Huh? Ba’t mo naman nasabi ‘yan? Love: Kasi ang tipid ng reply mo kanina. Lovey: Hahaha Ano’ng ire-reply ko sa “Hahaha” aber? *** ANOTHER scenario is during our intrams. Medyo nabo-bore na ako kakapanuod sa mga player na hindi ko naman kilala kaya naisip kong dukutin ang phone ko sa bulsa para i-chat si Liway. No effect kasi ‘pag call, masyadong maingay ang paligid, baka hindi rin kami magkarinigan ng bebe ko. Love: imyyyyyy Hindi ko na inaasahang magre-reply si Liway kasi baka busy s’ya sa work pero nagulat ako nang mag-seen s’ya at mag-type ng response. Lovey: I miss you more! (kissing emoji) Napangiti ako sa kissing emoji kaya naisip kong magpabebe pa sa bebe ko. Love: ‘di kayo busy sa clinic? Lovey: Not really. Saka naka-break ako. Ikaw? Love: eto, in love sa ‘yo. Lovey: Hahaha, baliw. Bakit naman sinabihan n’ya ako ng baliw samantalang sinabi kong in love ako sa kan’ya? Ito talagang jowa ko parang ewan minsan. Love: tampo na q. Lovey: Bakit? Love: kse sinabihan mo q na baliw! ampppp. huehue. sadgirl era. Lovey: Hahaha, ambaliw mo talaga, love. Hahahaha, in sarcastic tone. Nakakabwiset ka, Liway! *** ETO naman nasa bahay na ako. Katatapos ko lang mag-review for our quiz tomorrow tapos naalala kong i-chat si Liway. Napangiti ako kasi may sinend na pala s’yang message sa ‘kin 30 minutes ago. Lovey: Isay, kaen ka na after mo mag-review. Mwaaa! Napangisi ako at nag-isip ng pilyang isasagot after ko pusuan ang chat n’ya. Love: pano kung ikaw gus2 ko kainin, oki lang? Excited ako na ma-seen ni Liway ang message ko sa kan’ya kasi napapaisip ako kung ano’ng ire-reply n’ya sa kapilyahan ko. At nang mag-seen na s’ya ay napatalon ako sa tuwa saka matiyagang inabangan ang isasagot n’ya. Lovey: Hahaha, gutom lang ‘yan, Sinta. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at hindi na ako nakapagpigil kaya tinawagan ko na s’ya. Mga ilang segundo rin ang lumipas bago n’ya sinagot ang call. “Hi, Love.” Anya sa kabilang linya na parang hindi ako binuysit. “Love mo mukha mo. Ganyan ka ba talaga ka-manhid pag nagcha-chat tayo? Wala man lang kalambing-lambing ang reply mo!” Sabi ko tapos napa-hala s’ya at natawa. Natawa rin ako kasi para talaga s’yang walang kamalay-malay. “Sorry naman. Gusto mo ulitin natin, sesendan kita ng maraming kissing emoji!” Sabi n’ya pero hindi na ako pumayag kasi kausap ko na s’ya tapos gusto n’ya mag-chat kami? Nasa’n ang logic du’n? “Para ka namang hindi nag-grade two, Bebu!” *** NAGISING ako sa sunod-sunod na incoming message tone sa phone ko kaya kinapa ko ang kinalalagyan nu’n. Tapos nang in-on ko ang messenger, laking gulat ko nang tumambad sa ‘kin ang mala-nobela sa habang chat ni Liway! Lovey: Hi, Langga! Alam kong tulog ka na. Sana lang napapanaginipan mo ‘ko. If hindi, sana maganda panaginip mo. Siguro nagtataka ka kung bakit ako nag-chat sa ‘yo dis oras ng gabi o madaling araw na yata pero ‘di kasi ako makatulog. Nami-miss na kita, Isay. Yung amoy mo. Yung init mo. Gusto na kitang makatabi para makatulog na ako ng mahimbing, mahal. I can’t wait na makita ka this weekend, naku, susulitin talaga kita! Di kita papakawalan sa higaan! Hahaha, kidding aside. Gusto ko lang mabasa mo ‘to pag gising mo at malaman mo na mahal kita araw-araw. Na ikaw pa rin lagi-lagi. I love you so so much, Isabella Malaya Agustin! Akin ka lang, Bebu. Mine, mine. Good night! Ngising aso ako bago bumalik sa pagtulog at matapos send-an ng sweet message as reply ang mahal kong girlfriend. Pero paano ba ulit bumalik sa pagtulog kung kinikilig ka? Hindi na tuloy ako makapaghintay na mag-weekend para ma-solo na namin ang isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD