NAPANGITI ako matapos kong ilagay sa passenger seat ang paper bag na binili ko sa isang jewelry shop sa mall. Dito ako dumiretso right after my shift.
Dumaan na rin ako sa paborito naming restaurant ni Isay para bumili ng takeout and also flowers. Anniversary kasi namin ngayon at napagkasunduan naming mag-date na lang sa bahay.
As usual, nagkatamarang lumabas kasi tambak na naman ng school works ang langga ko dahil sa mga upcoming exams nila. Deserve n’ya ng reward pagkatapos ng hell week kaya lingid sa kan’yang kaalaman ay nag-booked na ako ng private resort outside the city para naman makapag-relax kami for the next couple of days.
Pero saka na ‘yun dahil mas imporante ang sa ngayon.
“Hi, Love. Pauwi ka na?” Tanong ni Isay sa kabilang linya. Ikinabit ko naman ang seatbelt ko bago ko in-on ang makina ng kotse.
“Yes, mahal ko. Nasa school ka pa? Daanan kita.” Sabi ko sa kan’ya. Um-oo naman s’ya kaya agad na akong nagmaneho papunta sa university kung saan nag-aaral ang bebe ko.
Ilang minuto rin akong nagmaneho bago ako nakarating du’n. Pumarada ako hindi kalayuan sa main gate ng kan’yang school bago s’ya tinext na nandito na ako.
Ilang sandali ang nagdaan ay dumating na si Isay. Pero bago pa n’ya mabuksan ang pinto ng kotse ay napatingin ako sa paper bag na nasa upuan . Dali-dali ko ‘yung dinampot saka binalibag sa backseat.
Actually, nakita ni Isay ang lahat kaya natawa s’ya sa ‘kin and at the same time ay nagtatakang nagtanong.
“Ano ‘yun?” Anya.
“Ah, eh. Wala.” Natawa pa ako ng medyo awkward. Galing talaga, self.
“You sure? Para kasing binalibag mo na lang sa likod. Baka naman may nabasag du’n or what, ha?” Sabi n’ya. Sinubukan n’yang silipin ang paper bag pero pinigilan ko s’ya sa pamamagitan ng paghaplos sa kan’yang mukha at paghalik sa kan’yang labi para ma-distract s’ya.
Hehe, syempre, tinagalan ko ng ilang minuto ang halikan namin kasi na-miss ko ang langga ko!
“Whoa.” Sabi n’ya nang maghiwalay ang mga labi namin. Kitang-kita ko ang pamumula ng kan’yang pisngi pagkatapos.
“Happy anniversary, Isay. I love you so much.” Saad ko bago ako ngumiti ng pagkatamis-tamis. Isang ngiti rin ang isinagot sa ‘kin ni Isay bago hinigit ang leeg ko’t muli akong hinalikan.
***
BUSOG na busog na kami ni Isay dahil katatapos lang naming lantakan ang mga pagkain na binili ko sa mall kanina. Lahat paborito namin kaya nag-enjoy kami ng husto. Kami naman ay madaling pasayahin ng mahal ko. Bukod sa pagtulog, pagkain ang bonding session namin.
Ang sarap kayang kumain. Smirks.
Magkayakap kami ngayon habang nakasalampak sa sofa at nanunuod ng comedy show. Liwanag lang na nagmumula sa telebisyon ang nakabukas habang abala ang mundo sa labas, kontento naman ang puso ko na kasama ang babaeng mahal ko.
“Happy anniversary ulit, Liway. Thank you kasi nakilala kita. Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko.” Sinserong saad ni Isay dahilan para mapangiti ako. Bago sumagot ay hinalikan ko muna ang noo n’ya. Tapos bigla kong naalala ‘yung paper bag na binalibag ko sa back seat ng kotse ko.
Anak ng tinapa.
“Sa’n ka pupunta, mahal?” Maktol ni Isay nang tumayo ako.
“May kukunin lang ako, hehe.” Ngising-aso kong saad. Di ko na hinintay ang sagot n’ya bagkus ay nagmadali akong pumunta sa kotse ko.
Fast forward, kabado ako mga bente habang hawak ang paper bag na naglalaman ng maliit na kahon na binili ko bilang espesyal na regalo kay Isay para sa ‘ming anibersaryo.
Kasalukuyan akong nandito sa tapat ng pinto ng apartment ko at nakikipag-debate sa utak ko kung paano ko ibibigay kay Isa yang regalo ko hanggang sa nagulat na lang ako nang buksan ‘yun ni Isay.
“Langga, ano ba? Kanina ka pa ba d’yan?!” Bakas sa boses n’ya ang pagkainip sa ‘kin. Di ko s’ya masisisi, ilang minuto na ako rito sa labas. Pero bago pa ako makasagot ay dumako na ang tingin ni Isay sa paper bag na hawak ko.
“Ano ‘yan?” Tanong n’ya.
“Regalo ko.” Sagot ko bago ko s’ya inakay papasok sa loob ng aking apartment.
***
“LIWAY, ‘di ba, nag-usap tayo na walang magbibigay sa ‘tin ng regalo ngayon?” Maktol n’ya habang napapakamot ulo. Nasa kitchen kami ngayon, nasa lamesa ang naturang paper bag, nakatayo si Isay sa tapat nu’n habang ako ay nakaupo sa upuan.
“Oo pero hindi ko mapigilan, eh. Sorry na, mahal ko.” Ani ko. Hinila ko s’ya para umupo sa aking kandungan bago ko hinawi ang kan’yang buhok at hinalik-halikan ang kan’yang leeg. Narinig ko s’yang napa-ungol bago ako hinarap para kastiguhin.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ‘yan?” Taas pa isang kilay n’ya wala.
Ang cute!
“Regalo ko nga.” Sabi ko. Pero napikon na yata sa ‘kin ang bebe ko kaya kinurot na n’ya ang pisngi ko.
“Alam ko pero ano’ng klaseng regalo? Saka pa’no ‘yan, wala akong regalo sa ‘yo kasi akala ko…” Hindi ko na s’ya pinatapos sa daldal n’ya sa halip ay ninakawan ko na naman s’ya ng halik. Tameme na naman si Isay bago ako hinampas sa balikat.
“Aray naman!” Nakanguso kong saad.
“Sabitan ko kaya ng kaldero ‘yang nguso mo, ‘no?” Banta n’ya. Lalo kong hinabaan ang pagnguso ko kaya humalakhak s’ya.
“Kiss mo na lang para mawala.” Paglalambing ko. Of course, naka-score ulit ako.
Anyway, nagpatuloy na ako sa pagbubukas ng regalo ko para kay Isay. Nang ilabas ko ang maliit na kahon na laman ng paper bag ay ganu’n na lamang ang gulat ng mahal ko matapos mapagtanto kung ano ang posibleng laman nu’n. At hindi ako nagkamali, maluha-luha s’ya nang buksan ko na ang kahon at tumambad sa kan’ya ang dalawang pares ng singsing na binili ko para sa ‘ming dalawa.
“Liway, ang ganda.” Nakangiti n’yang saad matapos makita ang nakaukit na pangalan namin sa mga singsing. Pinasadya ko ‘yun para talaga sa espesyal na okasyon ngayon.
“Papakasalan mo na ba ako?” Tanong n’ya.
Natawa naman ako bago kinuha ang isang pares ng singsing. Tapos ay masuyo kong inabot ang kamay n’ya saka dinala ‘yun sa ‘king mga labi upang halikan.
“Papakasalan kita balang-araw. At ang singsing na ‘to ang magiging saksi ng pangakong ‘yun, Isay." Sabi ko bago ko isinuot sa kan’ya ang promise ring na tanda ng walang hanggang pag-ibig ko sa makulit na babae na ‘to.
“Thank you so much, mahal ko. Ang ganda-ganda nito. Kasing ganda mo.” Sabi n’ya. Tapos kinuha n’ya ang isa pang singsing at isinuot sa ‘kin.
“I love you, Liway. Mahal na mahal na mahal kita.” Sabi n’ya at kulang na lang ay matunaw sa labis na ligaya ang aking puso.
Sa totoo lang, kahit ilang beses nang sinabi sa ‘kin ni Isay na mahal n’ya ako, hindi pa rin nagmamaliw ‘yung sarap sa pakiramdam na dulot nito.
Ganu’n yata talaga ‘pag galing sa taong mahal mo.
“Imposible ‘yun kasi mas mahal na mahal na mahal kita, Isay.” Sagot ko bago ko s’ya niyakap ng mahigpit.
Ipinikit ko rin ang aking mga mata at nagpasalamat sa Diyos dahil ibinigay Niya ang pinaka magandang regalo sa buhay ko. At ‘yun ay sa katauhan ng girlfriend ko.
Hindi man ako perpekto ngunit pinapangako ko na aalagaan at pakamamahalin ko si Isay ng buong puso at kaluluwa, sa hirap at sa ginhawa, sa kasiyahan at sa kalungkutan, ngayon at magpakailanman.