NAPANGITI ako nang maramdaman ko ang paghigit sa 'kin ni Liway para magdikit ang aming katawan. Kasalukuyan kaming nakahiga at ako ang little spoon.
"Good morning, sunshine." Anya sabay halik sa expose kong balat sa leeg. Napaungol naman ako kasi nakiliti ako but at the same time ay nasarapan.
"Morning, Liway." Inaantok ko pang saad. Hinawakan ko ang kamay ng girlfriend ko para mag-intertwine ang aming mga daliri. Tapos muli akong nilamon ng antok saka bumalik sa pagtulog.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog ulit pero paggising ko ay naramdaman kong hindi na ako niyayakap ni Liway. Kaya agad ko s'yang nilingon sa likod ko at natawa ako nang makita ko s'yang nakatagilid patalikod sa 'kin at mukhang tulog na tulog pa rin. Biglang may pumasok na idea sa isip ko kaya umurong ako palapit sa kan'ya bago ko s'ya niyakap.
This time, ako naman ang big spoon.
"Sleep tight, lovey." Sabi ko bago ako bumalik sa pagkakahimbing.
"Mahal, tulog ka pa rin?" Boses 'yun ni Liway na rumehistro sa 'king pandinig kaya napaigtad ako. Tapos nang idilat ko na ang aking mga mata, napangiti ako nang makita ko s'yang nasa ibabaw ko habang pinapanuod ang pagtulog ko.
"Hi, darling." Bati ko sa kan'ya bago ko hinaplos ang kan'yang mukha. Napangisi naman si Liway, hinalikan ang kamay ko bago umalis sa ibabaw ko para humiga sa 'king tabi.
"Good morning ulit." Sabi n'ya. Imbes na sumagot ay nagsumiksik ako sa leeg ni Liway bago s'ya niyakap. Amoy na amoy ko ang mabangong hand wash sa kan'yang balat. Narinig kong natawa si Liway bago ako niyakap pabalik.
"Ano'ng oras na, mahal ko?" Maya-maya ay tanong ko.
"Hmmm, I'm not sure, baka around 10am?" Sabi n'ya. Umungol ako bilang sagot. Hindi kami bothered kasi wala naman kaming pasok today and hindi halata na alas dies na ng umaga kasi malakas ang ulan sa labas.
Kaya nga ang sarap matulog habang may kayakap sa mga ganitong panahon at pagkakataon. At nagpapasalamat ako kay Bathala dahil kasama ko si Liway.
"Di ka pa gutom, Baby?" Tanong n'ya. Sasabihin ko sana na hindi kaso biglang kumalam ang aking sikmura dahilan para magtawanan kami.
"Wait..." Maktol ko nang maramdan kong kumakalas si Liway sa pagkakayakap sa 'kin.
"Sa'n ka punta?"
"To the moon." Sabi n'ya kaya hinampas ko s'ya. Nagkatawanan ulit kami.
"Wag ka alis. Dito ka lang." Opo, nag-baby talk na ako n'yan. Baka sakaling maawa sa 'kin ang girlfriend ko.
"Love, ang cute mo pero pareho na tayong nagugutom. Will cook our breakfast muna then balik ako para dito tayo sa kama kumain, okay ba 'yun?" Hindi na ako kumontra.
Breakfast in bed isn't a bad idea.
Kaya nga pinakawalan ko na rin si Liway pero bago s'ya tuluyang tumayo sa kama ay hinalikan muna n'ya ako sa noo. Ngising pusa ako habang pinagmamasdan ang pakembot-kembot na balakang ng babaeng mahal ko. At nang tuluyan na s'yang makalabas ng kuwarto ay napahikab ako saka muling nagpalamon sa antok at natulog.
"Isay, baby, wake up." Masuyong sabi ni Liway kaya nagising ako. At nang maamoy ko ang mabangong pagkain na dala-dala n'ya, agad na nanumbalik sa 'kin ang realidad na nagugutom na ako.
Kaya di na ako nagpatumpik-tumpik pa, umupo na ako sa kama saka sumandal sa headboard nito habang inaalalayan ang mini table na sinet-up ni Liway para kainan namin. Di nagtagal, magkatabi na kami sa higaan habang nag-aalmusal.
"Masarap?" Tanong n'ya. Tumango ako bago nilunok ang ningunguya kong pancake saka ko tinusok ng tinidor ang natitira sa plato ko.
"Pero mas masarap ka." Maharot kong sabi kaya nabilaukan si Liway ng kapeng iniinom n'ya.
Oops, not my fault.
"Let's go brush our teeth, sweet love." Sabi ng girlfriend ko 'pagkabalik galing kitchen. Nilagay n'ya kasi du'n ang mga pinagkainan namin.
"Ba't ang tagal mo?" Tanong ko.
"Naghugas pa ako ng mga pinggan, eh." Katwiran n'ya sabay pagpapa-cute para 'di na ako magmaktol. So, sino ako para hindi madala?
"Tara." Yaya ko. Inalalayan n'ya ako na makabangon sa kama bago kami magkahawak-kamay na pumunta sa banyo to brush our teeth. As usual, naglandian pa kami bago nagpaunahang bumalik sa kama.
"Yakap kita, mahal." Sabi ko sabay buka ng mga braso ko. Ngumisi naman si Liway bago yumakap sa 'kin. Nang maglapat ang mga katawan namin ay mahigpit kong niyakap ang girlfriend ko habang pa-sway-sway pa.
"Ang baby ko." Natawa ako nang tingalain ako ni Liway.
"Ano'ng baby? Ikaw kaya ang baby sa 'tin." Sabi n'ya pero umiling ako. Yakap-yakap ko pa rin s'ya habang nakasandal sa headboard ng kama at wala pa akong planong pakawalan s'ya anomang sandali.
"No. Ako kaya ang big spoon kanina kaya ikaw ang baby ko. Big baby nga lang." Sagot ko kaya natawa s'ya. Hindi na s'ya kumontra sa halip ay isinubsob na lang n'ya ang kan'yang mukha sa boobs ko.
"Love, ang lamig." Sabi n'ya. Magsasalita sana ako pero ginapangan na ako ng kilabot nang itaas n'ya ang damit ko't paglaruin sa 'king tiyan ang mga daliri n'ya.
"Liway, nakikilit ako." Reklamo ko. Pero hindi n'ya ako pinakinggan, sa halip, iniangat n'ya ang aking damit tapos ipinasok n'ya du'n ang kan'yang ulo! Mabuti na lang maluwag na white shirt ang suot ko kaya kasyang-kasya s'ya du'n.
"Bulaga." Sabi n'ya matapos ilabas sa collar ng dami ko.
"Puro ka talaga kalokohan." Sabi ko na lang bago ginulo ang buhok n'ya. Ningitian lang ako ni Liway bago n'ya ako hinalikan. Tapos inalis n'ya ang kan'yang ulo sa loob ng damit ko saka humiga sa kama at hinigit ako papalapit sa kan'ya.
Hindi na ako kumontra, agad kong pinulupot ang mga braso ko kay Liway habang hinahaplos n'ya ang aking buhok at paminsan-minsan ay pinaglalaro ang mga daliri n'ya rito.
Gosh, inaantok na naman ako!
"Tulog ka lang 'pag antok ka na." Sabi n'ya. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg n'ya saka hinalik-halikan 'yun. Ramdam kong lumalalim ang hininga ng girlfriend ko kaya natutuwa ako. Pero maya-maya lang ay humikab ako kaya pareho kaming natawa.
Ang lamig kasi tapos nakakatamad talagang kumilos ngayon!
"Kanta ka." Sabi ko kay Liway.
"Hmmmm..."
"Bakit uhaw sa 'yong sayaw? Bakit ikaw?"
OMG, paborito ko ang naturang kanta! At alam na alam 'yun ng mahal ko.
"Di bibitaw, sa 'yong sa 'yo, laging ikaw."
"Ako'y giniginaw, halika rito, dito ka lang sa tabi ko."
"Yakap mo 'ko." Natawa ako nang ibahin n'ya ang liriko.
"Love you, sweet girl." Sabi ni Liway. Bakas sa boses n'ya na inaantok na rin s'ya.
"Love you more, mi amore." Sabi ko. Tapos ayun, sabay ulit kaming natulog ng magkayakap.
Ughhh, I love her so so much.