Oh, To Be In Love

1171 Words
MAHILIG sa tula ang girlfriend kong si Isay pero wala akong talent sa pagsusulat ng mga 'yun, as in. Pero gusto ko pa ring subukan kasi para naman 'yun sa babaeng mahal ko. Kaya nga during our breaktime at work, abala ako sa pagsusulat ng kung ano-ano sa maliit kong notebook. "Teka, pa'no ba 'to? Tama ba pagkaka-rhyme ko? Hmmm..." Binasa ko ang unang taludtod ng tulang sinulat ko habang nakikipag-debate sa isip ko kung tama ba 'yun. Sa sobrang focus ko sa 'king ginagawa, hindi ko na namalayan ang pagdating ni Doc. "Mukhang seryoso ka d'yan, ah?" Anya kaya nagulat pa ako ng bahagya. Tapos nilingon ko s'ya saka binati ng magandang tanghali. Katatapos lang namin mag-surgery ng tatlong pusa kaya medyo pagod na kami kahit kalahating araw pa lang. Kaya nga nag-decide si Doc na mag-early lunch since wala pa namang next patient. "Ah, oo, Doc." Pag-amin ko. "If you don't mind, ano 'yan? Ah, huhulaan ko, para ba 'yan sa girlfriend mo?" Napangiti ako nang banggitin n'ya si Isay na walang iba kundi ang babaeng mahal ko. "Oo. Ginagawan ko kasi s'ya ng tula kaso na-realize ko wala talaga akong ka-talent-talent. Hindi ko alam kung maganda sa pandinig 'tong mga pinagsusulat ko. Minsan, satisfied ako, minsan ang cringey. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Natawa pa si Doc sa pagiging dramatic ko. "Wala ba kayong maipapayo d'yan, Doc? Di ba, mahilig din sa tula ang asawa n'yo? Hindi n'yo ba s'ya ginawan nu'ng nililigawan n'yo s'ya?" Nakita kong napaisip si Doc bago sumagot. "Ginawan pero kung ano-ano lang ang sinulat ko du'n. Katulad mo, hindi rin ako talentado sa larangang 'yun." Anya kaya nagkatawanan kami. "Aray ko naman po, Doc." "Ang maipapayo ko lang eh isulat mo kung ano'ng laman ng puso mo. I'm sure, magugustuhan naman 'yan ni Isay kasi ginawa mo 'yan para sa kan'ya. Saka sa pagsusulat naman ng tula, merong tinatawag na malayang taludturan. Kailangan mo lang maging creative sa pag-i-express." Kung makapagsalita s'ya akala mo bihasang-bihasa s'ya sa sinasabi n'ya. Kahit saan siguro ilagay 'tong si Doc, ang galing-galing n'ya! Kaya idol ko 'to, eh. Isa s'ya sa inspirasyon ko kung bakit lalo kong minamahal ang propesyon ko. Pa'no, napaka-dedicated n'yang tao sa ginagawa n'ya at nakakahawa 'yun! Anyway, balik na tayo sa problema ko. Dahil sa payo ni Doc, hindi na 'ko masyadong nagpaka-stress sa sinusulat ko para sa bebe ko. Basta, nagsulat na lang ako ng buong puso at pagmamahal para kay Isay. *** "WOW, may pa-ice cream! Ano'ng meron, Love?" Nakangising wika ni Isay sabay dila sa hawak n'yang ice cream. Kaso ang dupak kumain ng bebe ko kaya kinailangan ko pang punasan ng daliri ko ang gilid ng labi n'ya na may naiwanang kaunti sa kinakain n'ya. "Wala naman. Ay, meron pala." Nagsalubong ang mga kilay ni Isay dahil sa sinabi ko. Nandito nga pala kami ngayon sa park habang nakatambay. Sinundo ko s'ya sa school at medyo maaga pa naman kaya naisip kong dalhin muna s'ya rito para makapaglakad-lakad kami at makalanghap ng sariwang hangin. Mabuti na lang kaunti ang mga tao rito. Tapos nagturo s'ya ng ice cream nang may nakita s'yang stall. Kuwento kasi s'ya nang kuwento na na-stress s'ya ng husto sa mga exams nila kaya deserve n'ya ng ice cream. So, pagbigyan natin. Meron din pa lang lake rito sa park. At sa bangko na nasa tapat nito kami umupo. Kabadong-kabado ako habang nagtatalo sa isip kung kelan ko ilalabas ang papel na nasa bulsa ko na naglalaman ng "tula-tulaan" na sinulat ko para kay Isay. "Natulala ka na, Liway. Gising, uy!" Napakurap ako ng mata nang imuwestra n'ya sa 'kin ang kamay n'ya habang papitik-pitik pa ang mga daliri sa hangin. "Ah, ano. May ano." Shet, kailangan ko ba talagang mautal? "May ano, mahal?" Bumuntong hininga muna ako bago ko inilabas ang papel na nakatupi sa 'king bulsa. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Isay habang binubuklat ko 'yun. "Liway, ano 'yan?" "Tula? Pero parang hindi. Ewan, basta. Ang totoo, ilang araw ko na 'tong sinusulat para sa 'yo..." Humina 'yung pagkakasabi ko sa dulo kasi nahihiya ako. Pero nang tingnan ko si Isay ay mangiyak-ngiyak ang reaksyon n'ya. "Talaga? Thank you, Liway. Puede mo bang basahin para sa 'kin?" Napa-hala naman ako. Spoken poetry pala ito! Di ako nakapag-ready mga bhie! "Okay." Sagot ko kasi under ako. Understanding. 'Kala n'yo naman. Anyway, bumuntong hininga muna ulit ako bago ko tinutok sa 'king mukha ang naturang papel na naglalaman ng sinasabi kong tula na sinulat ko para sa kan'ya. "Isay, mahal ko, Laging ikaw ang laman ng puso ko Kahit minsan, sakit mo sa ulo..." "Love, naman eh!" Maktol n'ya kaya natawa ako. "Pero nang dumating ka, Ang laki ng pinagbago ko Marami rin akong natutuhan sa pagmamahal ko sa 'yo. Isa na du'n kung pa'nong maniwala na merong taong nakalaan para makasama ko. Oo, nu'ng una, aaminin ko, takot ako Sino ba namang hindi? Ang pag-ibig man ay matamis, may kaakibat ding sakit Ayokong maiwanan sa dulo at magsisi Pero sa huli, masarap magmahal, sabi ko sa 'king sarili. Isay, wala akong ibang hiling kundi ang pagtatagumpay mo sa buhay Kasi nakikita kong masikap ka't mapagpursige sa mga ginagawa mo Oo, hindi laging masaya ang nangyayari Pero nandito lang ako sa tabi mo Sa kalungkutan at bagabag na haharapin mo. Ewan ko, lagi ko namang sinasabi sa 'yo na mahal kita Pero pakiwari ko hindi 'yun sapat kaya balang-araw Pinapangako ko na papakasalan kita Kung makasarili mang naisin na makasama ka habambuhay Wala na akong pakialam Dahil para sa 'kin, ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko At hindi 'yun magbabago kahit tumanda na tayo Isay, Laging ikaw ang laman ng puso ko." "Okay lang ba?" Natatawa kong tanong sa kan'ya pero hindi na sumagot si Isay sa halip ay niyakap na lang n'ya ako ng mahigpit. Na-touch naman ang puso ko sa ginawa n'ya kaya alam kong satisfied s'ya kahit hindi man n'ya sabihin. "Liway, I love you. Ang ganda-ganda mo. Ang perfect-perfect mo." Umiling ako sa huling statement n'ya kasi hindi ako perpekto. Pero nagsisikap ako na maging mabuti at karapat-dapat na babae para sa kan'ya. "I love you more, Baby girl. Thank you kasi dumating ka sa buhay ko." Sabi ko. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Isay, agad n'ya akong siniil ng halik na ramdam kong punong-puno ng pag-ibig. Hiningal pa nga kami ng bahagya ng maghiwalay ang aming mga labi. Namumula na rin ang pisngi n'ya at alam kong ganu'n din ang sa 'kin. "Wow. Lasang chocolate ice cream." Sabi ko tapos hinampas ako ni Isay sa braso. Sorry, pero natawa talaga ako ng malakas. Sinimangutan naman n'ya ako habang naka-pout. Awww. "Sino kaya ang sakit sa 'tin sa ulo, 'no?" Anya. Nagkibit-balikat naman ako. "Basta, hindi ako." Sabi ko sabay yakap sa kan'ya. Hindi na s'ya pumalag at in-enjoy na lang namin ang bawat sandali bago kami nag-desisyong umuwi. Panahon man ay lumipas, ang tamis ng pag-ibigang wagas ay hinding-hindi kukupas. Mananatili. Palagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD