Stage Wife

1171 Words
"Love, nai-stress ka na naman." Malumanay na sambit ni Liway habang minamasahe n'ya ang aking balikat. Bahagya naman akong nakaramdam ng kaginhawaan sa ginawa n'yang 'yun. "Sorry, hindi ko lang mapigilan. Ang dami pa naming gagawin tapos gahol na kami sa oras. Do you think makakapag-comply kami? Malapit na ang play namin, Love." Sabi ko sa kan'ya. Nandito ako ngyaon sa apartment ni Liway habang busy sa pagpatatahi ng costume na gagamitin namin para sa 'ming upcoming play next week. Sa katunayan, ilang araw na rin akong tinutulungan ni Liway. Ako ang naatasang maging leader ng activity naming 'to as part of our final exam sa isang major subject namin. Una ko nang trinabaho ang pagsusulat ng script at pag-e-edit, ganu'n din ang pagre-reading rehearsal with groupmates pero 'yung mga naka-toka sa paggawa ng costume ay medyo atrasado kaya tinulungan na rin namin. Kinuha ko lang ang kaya ko tapos nag-volunteer na rin ang girlfriend ko na tulungan ako. Problemado pa ako kasi hindi pa namin perfect at may ilan pa sa mga classmate ko ang hindi saulo ang mga script nila. Natatakot akong magkalat kami sa entablado dahil tiyak na apektado ang final grades namin. Ayokong bumagsak. "Kaya n'yo 'yan, mahal. May tiwala ako sa inyo at sa team mo." Napangiti ako dahil sa sinabi n'ya bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Love, pupunta ka ba sa play namin?" Maya-maya ay tanong ko. "Oo naman. Hindi ko palalagpasin na makita kang umarte sa stage, 'no?" Nang magtama ang paningin namin ni Liway ay kinindatan n'ya 'ko kaya natawa ako. Ang swerte ko na nagkaroon ako ng kasintahan na katulad n'ya kasi ramdam ko ang suporta n'ya sa 'kin at sa mga bagay na ginagawa ko. "Hindi naman ako kasama sa casting, Liway." Sabi ko kaya natawa s'ya. Tapos napabuntong-hininga naman ako. Kapag nakakaramdam ako ng frustrations, si Liway ang pumapanatag sa 'kin. Napakalaki ng utang na loob ko sa kan'ya dahil kung wala s'ya, baka nasiraan na ako ng ulo. Ang hirap maging estudyante. Tapos madalas pa akong nag-o-overthink tungkol sa future ko. Malaki kasi ang inaasahan sa 'kin ng pamilya ko bilang unang anak nila na magtatapos ng college. Kumbaga, walang puwang sa 'kin ang pagkakamali. Simula bata ako, lagi akong napapasama sa mga nabibigyan ng karangalan sa eskwelahan namin, lalo na sa larangan ng journalism, pagsusulat ng script at paggawa ng short film. Kaya nga nang tumuntong ako sa kolehiyo, kumuha ako ng kursong may kinalaman dito. Pero malaki ang industriyang pinasok ko. Malawak ang mundo sa labas ng unibersidad namin. Natatakot ako na baka kung kelan nakatapos na ako, mawalan ako ng direksyon sa buhay. Kumbaga, hindi ko na alam kung ano ang ipu-pursue ko. Ayokong mangyari 'yun. Ayokong magsawa sa buhay gayong alam ko na du'n pa lang magsisimula ang lahat. Sa totoo lang, naiinggit talaga ako sa mga tao na alam na agad nila ang gusto nilang gawin 'pag graduate nila. Kumbaga, may plano na sila samantalang ako meron naman pero natatakot pa ring mabigo. Ang totoo, ayokong sabihang failure ng pamilya ko. Gusto kong ipagmalaki nila ako, lalo na ng parents ko. Gusto kong tumayo sa sariling mga paa ko pero alam ko na hindi ko 'yun magagawa kung utak lang ang meron ako. Laging sinasabi sa 'kin ni Liway na importante ang pakikipag-kapwa tao 'pag nagtatrabaho na ako, lalo na sa industriya ng mass media. Sa kaso ko, hindi ko maiiwasang makisalamuha sa iba't ibang tao kaya dapat marunong akong makipag-communicate sa kanila. Kaya nga ngayon pa lang, inaaral ko nang mabuti ang aspetong 'yun na siguradong makatutulong sa 'kin sa hinaharap. "Isay, natutulala ka na naman. Ano'ng iniisip ng mahal ko?" Napakurap ako ng mga mata nang maramdaman kong hinihimas ni Liway ang hita ko. Tapos napangiti s'ya sa 'kin nang magsalubong ang aming mga mata. "Nag-aalala lang ako sa mga bagay-bagay, Love. Tapos dumagdag pa 'tong play namin. Pag hindi namin ito naipasa, malaking factor 'to sa grade namin. Ayokong magkamali" Hindi na sumagot si Liway sa halip ay umusog s'ya sa tabi ko tapos niyakap n'ya ako. Isinubsob ko naman ang aking mukha sa kan'yang balikat at sininghot ang leeg n'ya. Nang pumasok sa sistema ko ang mabangong amoy ng girlfriend ko ay agad akong nakaramdam ng kapanatagan. Minsan, langit lang ang makapagpapasya at hindi 'yun malulutas ng pag-aalala. Tulad ng minsan, yakap lang sapat na lalo 'pag galing sa taong mahal mo na walang maliw ang pagsuporta sa 'yo. *** ARAW ng play namin pero nagkaroon ng emergency ang isa naming classmate dahilan para mag-backout s'ya. Major role pa naman ang ginagampanan n'ya. So far, so good naman ang final practice namin last time pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ako ang pumalit sa pwesto n'ya. Ang orihinal kong trabaho ay stage manager, meaning ako ang bahala sa pagkakasunod-sunod ng mga eksena habang ginagabayan ang mga aktor sa backstage, lalo na sa pag-aayos ng props and costumes. Kaso hindi na 'yun nangyari, mabuti na lang kasama ko si Liway at s'ya ang pumalit sa puwesto ko. Malaki ang pasasalamat ko sa girlfriend ko dahil along the way, kasa-kasama ko s'ya simula sa pagsusulat ng script, pag-e-edit, finalize, even reading rehearsal with my team kapag sinusundo n'ya ako sa venue at hinihintay na matapos kami. Kaya masasabi ko na pamilyar s'ya. And ngayon nga na nagka-emergency kami, malaking tulong na nand'yan s'ya. "Kinakabahan ako, Liway." Pag-amin ko. Pero ningitian lang ako ng bebe ko habang hinahawi ang mga buhok na nakaharang sa mata ko. "Kaya mo 'yan. May tiwala ako sa 'yo." Sabi n'ya. Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko pero natatakot pa rin ako. Kahit paano, nandu'n pa rin 'yung doubt na magagawa ko ng maayos 'yung role at mabibigyang hustisya ang karakter. Bagaman ako ang nagsulat ng script at meron akong kaalaman sa lahat ng bahagi nito, tao pa rin ako na nag-o-overthink. "Basta nandito lang ako. Pag kinakabahan ka, dito mo lang ako hanapin. I-che-cheer kita, I swear!" Anya kaya kahit paano ay nawala ang takot ko. True to her words, hindi nawala si Liway sa lugar kung saan dapat ko s'yang makita sa tuwing nakakaramdam ako ng nerbyos. Lagi rin n'ya akong chini-cheer bago ako sumalang sa stage. Hindi lang 'yun, magkatulong din kami backstage at dahil dun ay hinangaan din ng mga kaklase ko ang teamwork namin ng girlfriend ko. Natapos ang play namin ng maayos at satisfied ang bawat isa. At hindi 'yun mangyayari kung wala ang suporta at tulong ni Liway. "Congratulations, my love. Ang galing-galing n'yong lahat. Nagbunga ang effort n'yo!" Masayang sabi ni Liway. "Kasama ka sa tagumpay namin kasi part ka ng team. Congrats sa 'tin, mahal ko." Ani ko sabay halik kay Liway. "Ang galing mong stage manager!" Papuri ko pa. "Pero mas magaling kang stage wife." Dugtong ko sabay kindat. Kita kong pinamulahan s'ya ng pisngi and at the same time ay kinilig. Gosh, ang cute n'ya! "I love you." Sabi ko. Buong-puso at kaluluwa bagay na sinuklian ni Liway ng malalim at mapagmahal na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD