Sway With Me

872 Words
"LOVE, bakit wala kang prom picture?" Nagtatakang tanong ni Isay habang abala sa pagbuklat at pagtingin sa high school pictures ko sa album na nahalungkat n'ya noong tinutulungan n'ya akong mag-declutter. Nabanggit ko kasi sa kan'ya last time na gusto kong mag-donate ng mga gamit ko sa isang ampunan na malapit sa 'min. "Hmmmm..." Napaisip ako sa tanong n'ya. "Hindi kasi ako naka-attend ng JS prom namin kasi wala akong susuoting damit." Sabi ko tapos narinig kong napa-aww si Isay. Natawa na lang ako bago nagkibit-balikat. Bigla tuloy nagbalik sa alaala ko ang nakaraan tungkol sa gabi na nagmumukmok ako sa bahay namin kasi ako lang ang hindi makakapunta sa naturang event na 'yun noong high school. Mahal kasi mag-renta ng dress, wala kaming pambayad kaya hindi na lang ako pumunta. Nakuntento na lang ako sa kuwento ng mga kaklase ko nang sumunod na araw kung gaano kaganda at kasaya 'yung prom night na pinuntahan nila. Nitong tumanda na ako, 'pag napag-uusapan namin ng mga katrabaho ko ang tungkol sa JS prom namin, madalas ay nananahimik na lang ako. Wala kasi akong ma-contribute sa kuwentuhan kasi hindi ko naman naranasang um-attend du'n. Though sabi ko sa sarili ko, ayos lang naman, pero may part sa 'kin na hindi kompleto dahil 'di ko napagdaanan ang ganu'ng klase ng karanasan noong kabataan ko. "Okay, nakapag-decide na ako." Napatingin ako kay Isay nang magsalita s'ya. Nagtaka pa nga ako kasi ganadong-ganado ang tono n'ya at para bang may ningning ang kan'yang mga mata. "Ano 'yun, mahal ko?" "Magkakaroon tayo ng prom night dito sa apartment mo, Love. At isasayaw kita so mag-ready ka, ha?" Hindi na ako nakatanggi kasi agad na n'ya akong dinumog at niyapos dahilan para mapaupo ako sa sahig habang mahigpit ko s'yang yakap-yakap. Dahil sa nangyari ay nagkatawanan na lang kami bago namin pinagpatuloy ang pagliligpit at pag-aayos ng mga gamit na ido-donate ko. *** KANINA pa hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin. Suot ko ngayon ang isang simpleng white dress at katatapos ko lang din ayusin ang buhok ko. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng pagkatok ng pinto kaya napalingon ako rito. "Love, ready ka na ba? If yes, labas ka na." Sabi ni Isay dahilan para magsimula akong kabahan. Hindi ko kasi alam kung ano'ng mangyayari. Pero sabi naman ng girlfriend ko eh kumalma ako kasi s'ya raw ang bahala. Sa totoo lang, hindi naman kailangan gawin ni Isay ang bagay na 'to dahil matanda na ako. Kumbaga, lumipas na 'yun. Eh, ano kung hindi ako nakasama sa prom namin noon? Ano kung wala akong maiambag sa kuwentuhan namin ng mga katrabaho ko 'pag napag-uusapan ang tungkol sa high school life namin? Sa kabilang banda, sinabi ni Isay na kung magkakaroon daw ako ng alaala tungkol sa bagay na 'yun, gusto n'ya na itong gabing ito ang maisip ko kung saan ipaparanas n'ya sa 'kin kung gaano ako ka-espesyal. Du'n pa lang na-touch na ako at kulang na lang ay maghumiyaw sa labis na ligaya ang puso ko. When marimba rhythms start to play Dance with me, make me sway Like a lazy ocean hugs the shore Hold me close, sway me more "Puede ba kitang maisayaw, Binibini?" Inilahad ni Isay ang palad n'ya na masuyo ko namang hinawakan. Tapos inakay n'ya ako sa gitna ng aming sala kung saan isinayaw ako ng babaeng mahal ko saliw ang tugtuging "Sway" ni Michael Buble. Like a flower bending in the breeze Bend with me, sway with ease When we dance, you have a way with me Stay with me, sway with me "Masaya ka ba, darling?" Anya habang nakangiting nakatitig sa 'king mga mata. Pakiwari ko binabasa n'ya ang aking kaluluwa. "Sobra." Sagot ko. Nagulat pa ako nang higitin ako ni Liway sa bewang para lalong magdikit ang aming mga katawan. Inalalayan n'ya akong sumayaw sa ritmo ng mabagal na musika na para bang sa 'min lang umiikot ang mundo. Other dancers maybe on the floor Dear, but my eyes will see only you Only you have that magic technique When we sway, I go weak Maingat akong iniikot ni Isay saka muling kinabig sa bewang para mapalapit sa kan'ya. Tapos ay inilapat n'ya ang kanang palad n'ya sa 'king balikat papunta sa dibdib ko. Alam kong ramdam n'ya ang mabilis na pintig ng aking puso. I can hear the sound of violins Long before it begins Make me thrill as only you know how Sway me smooth, sway me now "Thank you." Sabi ko. Ningitian lang ako ni Isay nang pagkatamis-tamis bago n'ya inangkla sa 'king leeg ang mga braso n'ya. Pinagdikit namin ang aming mga noo at ipinikit ang mga mata. Dinama namin ang musika, marahang isinayaw ang aming katawan sa ritmo nito at hinayaang lumipas ang ilang minuto. Nang matapos ang tugtog ay hanggang tenga ang ngisi ko. "I love you so so much, Isay. Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag wala ka." Pag-amin ko sa kan'ya. "Pareho lang tayo kaya dapat walang mawawala sa 'tin, ha? Hindi man natin alam ang mangyayari sa hinaharap, pero mas magiging madali ang lahat 'pag magkasama tayo, mahal ko. I love you more, Liway. I love you my prom queen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD