Chapter 06
JHØNALYN PØV
PAGSAPIT NG HAPØN, nagulat ako nang biglang dumating ang anak ni Tiya Silvia. Hapon pala ang uwi niya, 'di ko alam dahil ni minsan, hindi man lang nabanggit ng tiyahin ko sakin.
Tahimik kong kinuha ang mga dala niyang paper bag na puro mamahalin ang brand, bago siya dumiretso papasok sa loob ng bahay. Wala siyang imik, dire-diretso lang paakyat. Sumunod naman ako, dahan-dahan lang, kasi baka isipin niya eepal ako.
Pagkapasok ko sa kuwarto niya, maayos kong tinanong kung saan ko ilalagay ang mga gamit. Ayokong maging pa-bibo at baka mapagalitan pa ako.
“Doon.” Wika nito sabay turo sa mesa, bago tuluyang pumasok sa banyo. May sarili kasing banyo ang kuwartong iyon.
Inilapag ko agad ang mga dala niya, saka ako mabilis na lumabas.
Nahihiya kasi ako sa anak ni Tiya Silvia, parang ang taray ng dating. Kaya hangga’t maaari, hindi ako nagtatagal sa paligid niya.
Pagbaba ko ng hagdan, sakto namang pumasok si Kuya Benjie sa bahay. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula tanghali. Hindi ko rin alam kung saan siya galing, pero halata sa mukha niya na galing sa labas, medyo pawis at nakaseryuso.
“Hi, Tito Benjie.”
Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang boses ng pinsan kong si Ria.
Nakabihis na siya, at ang ganda niya sa suot na white fitted shirt, at maiksing shorts na litaw ang makinis niyang hita. Para siyang modelo.
Napatingin ako sa sarili kong suot, kupas na t-shirt at tokong na luma. Napangiti na lang ako ng pilit. Ang layo ng suot niya sakin. Sa kanya, halatang mamahalin. Pero sakin, parang basahan. Napailing na ako ng lihim at umiwas na ng tingin
“Hello, dumating ka na pala,” Sabi ni Kuya Benjie, seryosong tono pa rin.
Pagkababa ko ng hagdan, di-diretso na sana ako sa kusina nang tawagin ako ni Ria.
“Jhona, timplahan mo nga ako ng juice. Dalhin mo sa garden,” Utos niya bago tuluyang lumabas patungo sa garden.
May Garden sa labas ng bahay nila tiya Silvia at may mga upuan pa, para pahingahan. Malawak kasi iyon, punô ng mga bulaklak na ako mismo ang nag-aalaga tuwing umaga. Pinagkatiwala na sakin, kapag namatay ang mga iyon, ibabawas sa sahod ko. Gano'n kalupit si tiya Silvia.
Pagpasok ko sa kusina, nagulat ako dahil sumunod pala si Kuya Benjie. Medyo nagulat ako, pero hindi ko ipinahalata. Hindi na ako gano’n katakot sa kanya ngayon. Sabi niya naman niya kanina, wala naman siyang masamang balak sakin. Pero siyempre, kailangan ko parin mag-ingat sa kanya. Lalake parin si kuya Benjie.
“Timpla mo rin ako ng juice, Jhona. Medyo napagod ako sa ginawa ko.” Utos niya sakin.
Medyo nagtaka ako sa sinabi niya. Ano bang ginawa niya, maghapon? Parang wala naman. Pero infairness, ang ganda ng katawan ni Kuya Benjie, kahit simpleng shirt lang suot niya, lutang ang muscles nito.
Hala! Anong sabi mo Jhona?
Tanong ng isip ko. Pero hindi kona lang pinansin.
Tahimik akong naghalo ng dalawang baso ng juice, isa para kay Ria, isa para kay Kuya Benjie. Ako naman, kape. Hindi ako nabubuhay nang walang kape. Mas sanay ako sa kape. Iyon na kasi ang nakasanayan ko.
Pagkatapos kong timplahan si Kuya Benjie, iniabot ko agad sa kanya ang baso. Tumango lang siya, kaya lumabas na ako para dalhin ‘yong kay Ria ang juice niya. Ayokong patagalin, baka pagalitan pa ako.
Pagdating sa garden, maingat kong inilapag ang juice sa mesa. May kausap pa siya sa phone, kaya hindi na ako nagsalita. Agad din akong bumalik sa kusina.
Nando’n pa rin si Kuya Benjie, ngayon ay nagme-meryenda na. Umupo ako sa malayong bahagi ng hapagkainan, tahimik na nagtitimpla ng kape. Ramdam ko ang mga tingin niya sa akin, ’yong parang sinusukat ako mula ulo hanggang paa. Pero hindi ko pinansin.
Nang matapos akong maghalo, uminom ako ng kape, pilit na ngumiti kahit kinakabahan. Tahimik lang kami pareho. Tanging maririnig lang ang paghinga namin at ang mabilis na tîbok ng puso ko.
Hanggang sa binasag niya ang katahimikan.
“Ilang taon ka na nga ulit, Jhona?”
Tumingin ako sa kanya, nagulat. “Bakit po?”
“Wala lang. Nagtatanong lang ako.”
Diretso pa rin ang tingin niya.
“Labing-walo po.” Mahina kong sagot, sabay higop ng kape.
“Hmm, bata pa. Nag-aaral ka pa ba?” Muli ay tanong niya sakin. Ngayun lang siya nagtanong sakin, kaya nagtataka ako.
Umiling ako. “Hindi na po. Iniwan na kami ni Mama, tapos si Papa naman, palaging lasing. Kaya tumigil na ako sa pag-aaral, nagtrabaho na lang dito.” Sagot ko sa kanya. Ayaw kung maging bastos sa kanya. Kahit kinakabahan ako sa kanya.
Tumahimik siya sandali, parang iniisip ang sinabi ko.
“Gano’n ba. Kawawa ka naman pala. Balita ko, marami daw kayong magkakapatid?” Parang tsismoso na tanong niya sakin.
“Opo. Ako po ang panganay.”
Tumango siya, saka uminom ng juice. “Ayusin mona lang ang trabaho mo rito, ha? Para tumagal ka. Kawawa naman ‘yong mga kapatid mo kung mawawalan ka ng trabaho.”
“’Yun nga po ang plano ko.” Pilit kong ngumiti.
Tinitigan niya ako ulit, bago muling nagsalita.
“Para makadagdag ka ng kita, labhan mo rin mga damit ko. Bibigyan kita ng extra.”
Napanganga ako. Hindi ko inaasahan ‘yon. Akala ko suplado si Kuya Benjie, pero mabait pala. Isang araw palang ako dito, pero tutulungan na niya agad ako.
“Talaga po? Salamat, Kuya. Malaking tulong po ‘yan.” Ngumiti ako ng totoo.
“Walang anuman. Kung kaya mo pa, pwede mo rin linisin ‘yong bahay ko. Pero mukhang marami ka na nang ginagawa dito.”
Napangiwi ako. Oo nga, halos walang pahinga, pero tatlong libo lang sahod ko. Hindi naman ako puwedeng magreklamo, baka pagalitan lang ako ni Tiya Silvia.
“Magkano po ba ibabayad niyo kung lalabhan ko damit niyo?” tanong ko, mahina ang boses dahil nahihiya ako.
“Dalawang libo, isang buwan.”
Napasinghap ako. Dalawang libo! Malaking tulong na ‘yon para sa amin. Pambayad na rin sa utang.
“Sige po, Kuya. Kahit araw-arawin ko pa!” Masaya kung sagot sa kanya.
Ngumiti siya. “Bukas ka na magsimula. Kaunti pa lang naman. Katatapos ko lang maglaba last week.”
Nahihiya akong ngumiti pabalik, sabay iwas ng tingin. Maya-maya, tumayo na siya at lumabas ng kusina.
Ilang minuto lang, pumasok naman si Ria.
“Jhona, luto ka na ng hapunan. Ito 'yung ulam na lulutuin mo ngayun gabi. Sarapan mo ah." Wika nito na inabot sakin ang papel.
Ngumiti lang ako at tumango. Pero paglabas niya, napahinga ako nang malalim.
“Kaloka. Ano bang akala nila sakin, magaling na Chief?" Bulong ko sa sarili habang nakatayo sa may pintuan ng kusina.
Bahala na si Batman. Kung anong lasa ng luto ko mamaya, sana magustuhan nila.