Chapter 07 JHØNALYN PØV AFTER KONG KUMAIN ng tanghalian, dumiretso agad ako sa bahay ni Kuya Benjie, nasa likuran lang iyon ng bahay nila Tiya Silvia. Akala ko noon, bahay lang talaga nila Tiya Silvia ang nakatayo ro’n. Pero nagulat ako nang makita kong may tatlong bahay pa sa likod, at isa pala ro’n ang bahay ni Kuya Benjie. In fairness, malaki rin ang bahay niya. Hindi nga lang kasing engrande ng kina Tiya Silvia, pero halatang pinaghirapan niya. Kung sa tiyahin ko ay up and down, kay Kuya Benjie naman ay bungalow lang, simple pero maluwag at maaliwalas. Pagdating sa bahay ni kuya Benjie, kumatok ako sa pintuan habang sumisigaw ng kuya. Medyo kinakabahan ako, pero kailangan ko talaga ng pera. Kailangan kong may maiuwi sa pamilya ko. Kung aasa lang ako sa sahod ko kay Tiya Silvia, ku

