Chapter 19 JHØNALYN PØV KATATAPOS KO LANG kausapin ang kapatid ko, nang tumabi sakin si kuya benjie sa upuan. Nasa labas ako ng bahay dahil mahina ang signal sa loob, kaya lumabas muna ako para kamustahin ang mga kapatid ko sa hospital. Tatlong araw na sila sa hospital, dahil ginagamot ang kapatid ko. Maayos naman daw sila, sabi ni Joel. Pero hinahanap ako ng bunso namin kapatid at gusto akong makita. Hindi ako makadalaw dahil ayaw akong paalisin ni tiya Silvia at marami daw gagawin sa bahay. Kaya hindi ako makaalis. Ang sama talaga ng ugali. Kinausap kona lang ang bunso namin, saka binola-bola para hindi na umiyak. Nahihirapan 'din ang kalooban ko kapag naririnig ko siyang umiiyak. Ang hirap talagang maging ate o panganay. Nasa akin ang lahat ng responsibilidad. " Sino kausap mo?" Ta

