Chapter 18 JHØNALYN PØV PUMUNTA AGAD AKO sa hospital, kung saan dinala ang bunso namin kapatid. Naabutan ko si Joel na natutulog at nakayupyop sa kama ng kapatid namin. Tulog rin ang pasyente. Nagpaalam ako sa tiyahin ko, at sinabi kung pupuntahan ko lang ang kapatid ko sa hospital at dadalawin ko. May puso parin naman siya kahit papaano, dahil pinayagan niya ako pumunta ng hospital. Hindi ko sinabing pinahiram ako ni kuya benjie. At baka tumutol na naman ang matanda na 'yun. " Joel." Yugyog ko sa balikat niya para gisingin ito. Nagising naman agad ang kapatid ko at pupungas-pungas na tumingin sakin. " Ate!" Gulat pa nitong sambit saka mabilis na yumakap siya sakin. " Kamusta?" Tanong ko sa kanya, sabay lingon sa bunso namin kapatid. " Okey na naman siya ate, sabi ng doktor, at bini

