Chapter 17 JHONALYN PØV NAKATANGGAP NA NAMAN akong masamang balita mula kay Joel dahil na hospital na naman ang bunso naming kapatid. Palagi na lang nagkakasakit ang batang 'yun. Siguro mahina talaga ang imume system niya dahil hindi naman siya nakakain ng masustansya at sakto lang ang pera na binibigay ko sa kanila. Sapat para makakain sila sa araw-araw. Tapos may ubo at sipon pa ang bunso namin, sabi sakin ni Joel, kaya inatake na naman ng hika niya. Palagi na lang ganito at puro problema. Katatapos lang ng isa, may isa na naman. Hindi na natapos, kaya naman wala na akong ginawa kundi umiyak, kapag nahihirapan na. Hirap na hirap na ako, hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera. Pati naitatago ko ay nagagalaw kona para lang ipadala sa kanila. Ang tiyahin ko naman, napaka-damot.

