Chapter 05
JHØNALYN PØV
PAGKATAPOS KUNG MAGLINIS sa kwarto ng mga amo ko, bumaba na ako sa kusina. Halos alas dose na pala. Madali lang naman mag-ayos sa taas, pero dahil ang dami kung nilisan na kuwarto, ngayon lang ako natapos.
Tahimik ang buong bahay. Ang tanging maririnig lang ay ‘yung tunog ng hangin na pumapasok sa bintana at kaluskos ng mga paa ko sa sahig. Habang nagsasandok ako ng kanin, bigla akong napahinto sa ginagawa ko. Parang may presensiya sa likod ko. Kaya napalingon ako at nakita ko si kuya Benjie.
“Ay pûke!” Sigaw ko nang makita ko siya. Nabitiwan ko tuloy ang hawak kung pinggan at kumalat sa sahig ang mga piraso no'n.
“Saan?” Malamig naman na tanong ni kuya Benjie.
Halos mapaatras pa ako, dahil sa presensya niya. Paanong nakapasok ‘to? Tanda ko, nilock ko ‘yung pinto kanina! Para lang hindi ko siya makita.
“B-bakit ka ba nanggugulat?” Halos utal kong tanong sa kanya. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa kanya.
Kasasabi ko lang sa sarili ko na ayoko siyang makita, pero heto siya ngayon, nakaharap sa akin. At ako? Nakabasag pa ng pinggan. Lagot ako kay Tiya Silvia nito mamaya. Ka-bago bago ko lang ay nakabasag agad ako. At baka ibawas agad sa sahod ko.
“Bakit kasi nilock mo ‘yung pinto? Hindi tuloy ako makapasok kanina. Gutom na gutom na ako,” Sabi niya, medyo inis pero hindi galit. Tumama ang mga mata niya sa akin, matalim, pero may kung anong lambing sa dulo.
“Nilock ko po?” Nauutal kong tanong habang yumuko para pulutin ang mga piraso ng pinggan sa sahig, dahil hindi ko kaya sundan ang mga tingin niya. “Hindi ko po alam, baka aksidente lang po.” Pagsisinungaling ko.
“Natatakot ka ba sa’kin?” Tanong niya. “Akala mo ba may masama akong gagawin sa’yo? Kung meron man akong balak, kanina ko pa sana ginawa.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makatingin.
“Hindi ko naman po sinabi ‘yon,” Mahina kong sagot, pilit pinipigilan ang pamumula ng mukha ko.
Tahimik akong nagligpit ng mga piraso ng pinggan. Nakatayo lang siya ro’n, nakamasid.
“Anong pagkain diyan? Gutom na ako,” Sabi niya maya-maya.
“Pasensya na po, hindi pa po ako nakapagluto. Kakatapos ko lang po kasi maglinis. Pero magluluto po ako—”
“‘Wag na." Pigil nito. " May tira naman diyan, ‘di ba? ‘Yun na lang kakainin ko.” Aniya at umupo siya sa hapagkainan, parang sanay na sanay.
Tumango naman ako at mabilis siyang inasikaso. Habang naglalagay ako ng ulam, napansin kong tahimik lang siya, nakamasid sa bawat galaw ko. Hindi ko alam kung napapraning lang ako, o sadyang mabigat lang talaga ‘yung tingin niya.
Pagkatapos kong ipaghanda siya, sarili ko naman ang inasikaso ko. Lalabas na sana ako para kumain sa labas, pero tinawag niya ako.
“Saan ka pupunta?”
“Sa labas po, kakain lang.”
“Dito ka na. Bakit lalabas ka pa? Gano’n ka ba katakot sa’kin?”
Diretso niya akong tinitigan.
“Hindi po. Kaso, amo ko po kayo. Hindi po dapat sumasabay ang katulong sa amo.” Halos pabulong kong wika.
Napangisi siya. “Hindi ako katulad ng tiyahin mo. Maupo ka na lang dito. Baka madumihan pa ‘yung labas, lilinisin mo pa.”
Natigilan ako. Tama rin naman siya. Dahan-dahan akong umupo, pero sa pinakadulong parte ng mesa.
Natawa siya, sabay iling.
“May sakit ba akong nakakahawa? Kung makaiwas ka, parang may nakakahawa akong sakit.”
“Hindi naman po. Hindi lang po ako sanay na may katabing lalaki.” Pangangatwiran ko.
“Wala ka pang boyfriend?” Tanong niya bigla.
Umiling ako, medyo nahihiya. “Wala po. Magagalit po kasi si Papa.”
Tumango siya, parang aliw na aliw. “So, wala ka pang karanasan?”
Napatingin ako sa kanya ng mabilis, tapos umiwas din agad. Bakit niya tinatanong ‘yon? Ramdam ko ang init ng pisngi ko. Hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.
“Sorry,” Sabi niya pagkatapos ng ilang segundo. “Hindi ko dapat tinanong ‘yon.”
Umiling ako. “Ayos lang po.” Pero hindi ko rin magawang tumingin sa kanya ng deretso. Lalo lang bumilis ang t***k ng puso ko. Sa kanya ko lang iyon naramdaman. Sa ibang lalake naman ay hindi.
Pagkatapos kong kumain, agad akong tumayo, dahilan para magtaka si kuya Benjie.
“May gagawin pa po ako. Paki-iwan na lang po ‘yung pinagkainan niyo, ako na lang po magliligpit mamaya. Sabi ko, halos hindi makatingin dito.
“Okay,” Simpleng tugon niya. Pero ramdam ko ang titig niya habang lumalabas ako ng kusina.
Pumunta ako sa kwarto, napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bilis bilis ng t***k no'n. Bakit ba ganito? Natatakot ako pero, parang hindi lang takot ‘yung nararamdaman ko.
Ilang minuto pa ang lumipas, lumabas ulit ako at nagtungo sa kusina. Akala ko wala na siya sa do'n, pero andoon pa rin si Kuya Benjie, umiinom ng kape.
“Bakit nandito pa siya?” Bulong ko.
Napalingon naman siya sakin, ngumiti. Dahilan para magtaka ako. “Oh, andiyan ka pala. Tara, kape?” Alok pa niya. Parang nag-iba ang ihip ng hangin.
Umiling ako, pilit na ngumiti. “Tapos na po kayo?” Tanong ko naman na lumapit sa mesa.
“Oo. Inaantay lang kita, bago ako umalis. Ikaw na bahala dito, ha?”
Tumango naman ako. Tumayo siya, bitbit ang tasa, at habang naglalakad palabas, sandaling tumama ulit ang mga mata namin dalawa. Saglit lang, pero parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. Anyare?
Paglabas niya, saka pa lang ako nakahinga nang maluwang.
“Bakit ba ganito?” Bulong ko sa sarili ko, habang nagtataka.
Siguro dahil dalawa lang kami sa bahay kaya ganito ang nararamdaman ko. O baka naman, dahil si Kuya Benjie ‘yon.
Ang gwapo niya pero natatakot ako sa kanya. May nakakatakot palang gwapo kesa sa mga aswang.