Dalawang laro na ang natapos magmula ng mapasok ang dalawa sa laro at nagtataka ang ilan sa mga kasama nila dahil sa nakikitang kalmado lang ang dalawa at tila alam na ang nangyayari o mangyayari sa susunod na laro. Kalmado at ang dali lang nilang nalalagpasan ang mga iyon at hindi pa mapaghiwalay. Kahit sa pagpili ng groupo ay tila alam nila kung ano ang pipiliin o pupulutin para sa groupings para mapunta sila sa iisang groupo. "Umamin nga kayong dalawa," lapit ni Arshad sa dalawa "Wala kaming dapat na aminin," simpleng sagot ni Sherwin. "Ano ang alam niyo sa mga nangyayari?" seryosong tanong nito sa kanila "Maliban sa kabilang sainyo ang mga taong pinaglaruan si Smith, wala na," kibit balikat na sabi ki Cassandra na kinapagtaka ng binata "MGA? Hindi lang isa ang pumatay kay Erika?"

