Nagtaka si Ramayda ng mapansin na tila wala lang reaksyon sina Cassandra at Sherwin sa pagkawala ng isa nanaman sa mga kaibigan nila. Parang nagdadalawang isip siyang paniwalaan na walang alam ang dalawang bagong pasok sa nangyayari sa kanila at nagtataka rin siya kung paanong napunta sila dito. Wala ni isa sa kanila ang nagpaliwanag ng lahat sa dalawa dahil halos lahat sila ay walang tiwala sa kanila pero tila nahahasa na agad ang dalawa sa mga gawain nila at tila alam na nila ang ginagawa nila, ang bawat laro at lagi silang di mapaghiwalay. Ramayda knew that Erika was once became close to these two kaya hindi niya maiwasang isipin na wala silang alam. "Do you know Andy?" tanong ni Cassandra sakanya noong nakaraan. Kunot noong nilingon naman niya ang dalaga dahil hindi niya kilala

