Nakahinga ng maluwag ang magkakaibigan ng malagpasan nila ang ikalawang pagsubok ng walang nababawas sa kanila. Hindi parin tuluyang nakukuha nila Sherwin at Cassandra ang nangyayari at kung bakit at paano sila napasok sa lugar na iyon. "Alam niyo bang wala na si Erika?" tanong ni Aira sa dalawa Nagkatinginan naman sila at tila nag-uusap gamit ang mga mata nila "Oo," si Cassandra na ang sumagot "Anong kinalaman niyo sa nangyari?" hindi napigilan na tanong ni Ramayda Hindi agad na nakasagot ang dalawa "Huli na ng malaman namin ang nangyari. Nagulat din kami ng marinig na wala na siya at wala kaming kinalaman sa kahit na anong nangyari sakanya," diretsang sagot ni Cassandra "Pinagbibintangan niyo ba kami?" seryosong tanong ni Sherwin Hindi naman siya sinagot ng mga kasama. "Wala k

