Nagising ako dahil sa ingay ng telepono ko. Sunod sunod ang dating ng mga text at tawag doon sa hindi malamang dahilan. Agad ko iyong kinuha at sasagutin na sana ang tawag ng biglang pumasok si Dolax sa kwarto ko at galit na galit na inagaw saakin ang telepono ko "Huwag ka munang lalabas ng bahay," kunot noong nakatingala lang ako sakanya halatang hindi alam ang nangyayari "Ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ko Imbis na sagutin ako ay pinatay muna niya ang phone ko saka ako tinabihan ng upo, napansin ko ang pagpapakalma niya sa sarili niya. Bakit tila galit na galit siya? "Ginagawan ko na ng paraan ang lahat kaya huwag ka munang lumabas," seryosong sabi niya "Pwede bang ipaliwanag mo muna saakin ano ba ang nangyayari?" hindi parin niya sinasagot ang tanong ko at tinitigan

