Ilang linggo na ang lumipas mula ng kumalat ang mga litrato na iyon at hanggang ngayon ay hindi parin alam kung saan nanggaling iyon, hindi parin nalalaman kung sino ang may pakana sa nangyari. Hindi ko alam pero may kutob ako na ayaw ko ring malaman kung sino ang may gawa, sa hindi malamang kadahilanan ay tila kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Sa unang linggo na kumalat iyon ay hindi muna ako pinapasok dahil kahit saan sa loob ng school ay kalat ang lahat ng nangyari, pinag-uusapan ako at pinagtitinginan ng karamihan. "How are you?" tanong ni Ramayda saakin Nasa bahay kami dahil may tatapusin kami na project para sa 2nd grading namin "To be honest hindi ko alam, hiyang hiya ako sa sarili ko dahil sa nangyari and for some reason may parte saakin na ayaw alamin kung sino ang may pak

