SC: 3

2006 Words
Third person's POV Lingid sa kaalaman ng magkakaibigan na ang lugar at larong napasukan nila ay may koneksyon sa pagkawala ng kanilang kaibigan dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi nila alam na pinagpatuloy parin ng mga magulang ni Erika ang pag-iimbestiga at ng taong nasa likod ng lahat ang nagplano sa larong ito. Ang bumuo ng lahat ng kakaharapin nila sa loob ng abandonadong gusali na kinaroroonan nilang lahat ngayon kung saan magaganap ang lahat sa loob ng isang buwan. Hindi naman hinahanap ng kanilang pamilya ang magkakaibigan dahil pinaalam sila ng isang taong hindi nilinaasahan. Pinaalam sila na aalis muna ng bansa sa loob ng isang buwan dahil doon sila magtitraining or aattend ng workshop para sa final stage ng pagiging influencer nila, for them to be officially an artist sa isang entertainment agency. Buong akala naman ng mga magulang ng magkakaibigan ay totoo iyon kaya pumayag sila at pinirmahan ang parent's consent na dinala sa kanila. "I'm sure mom is now looking for me," sabi ni Jam dahil sa hindi ito nakauwi kagabi. Ang hindi nila alam ay ang mga magulang pa nila mismo ang nag-ayos at nagpadala ng mga gamit nila. "Ako rin dahil hindi ako nakapagpaalam at nakauwi kagabi at sigurado akong hindi rin nila ako macontact dahil wala saatin ang mga telepono natin," sabi naman ni Jol na nag-aalala din dahil walang kasama ang nanay niya ngayon na wala siya sa bahay nila. Bawat isa sa kanila ay nag-aalala sa kanya kanyang mga magulang dahil ngayon lang nangyari na hindi sila nakapagpaalam sa mga ito at bigla pa silang sabay sabay na nawala kaya walang paghahanapan ang mga ito sa kanila. Iyan ang buong akala ng magkakaibigan. Kahit ang agency na kinabibilangan nila ay nakausap narin ng taong kumausap sa mga magulang nila para maexcuse at mawala sila ng isang buwan. Pumayag naman iyon dahil sa malaking tao rin ang kumausap sakanila ta malaki ang utang na loob niya sa taong iyon at isa din sa magkakaibigan ang kasama nito ng kausapin ang manager ng agency. Hindi na masikmura ng isa sa magkakaibigan ang nangyayari at hindi narin ito mapakali sa dami ng nalalaman. Ayaw man niyang traidorin ang mga kasama ay ayaw rin naman niyang itolerate ang mga ginagawa nito dahil sumusobra na sila at alam niyang wala na sa katinuan ang ginagawa ng mga ito lalo na ng malaman ang tungkol sa insidenteng nangyari kay Erika. Hindi niya alam kung saan at kanino ibubuntong ang galit niya, hindi niya alam kung paano oang titignan ang mga kasama niya ng hindi iniisip ang ginawa nila. Mahal niya ang mga kaibigan pero hindi rin sapat ang salitang mahal lang niya ang mga ito para itolerate ang mga kahibangan nila lalo na't para na itong mga nawawala sa sarili para lang makamit at makuha ang gusto. Marami na silang pinagsamahang lahat, marami na silang nagawa ng magkakasama kaya hindi niya lubos na maisip kung paano at bakit nangyari ang lahat ng iyon. Sa tuwing naiisip niya ang lahat ng nangyari hindi lang sa dalagang Smith kung hindi sa iba pa niyang mga kaibigan ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng sama ng loob at hinanakit sa ilan sa mga kaibigan niya. Buong akala niya ay maayos at maganda ang pamilyang nabuo nila ng magkakaibigan iyon pala ay mas masahol pa sa hayop ang nangyayari sa likod ng bawat isa sa kanila. Hindi niya lubos na masikmura ang mga iyon. Kung titignan ay tila masaya at maganda ang pagkakaibigan na mayroon silang lahat kahit gaano sila karami ay may oras sila at kayang kausapin o kamustahin ang isa sa kanila ngunit hindi mo lubos na maiisipang may kakaiba na palang nangyayari sa likod ng bawat isa sa aknila na hindi sinasabi sa iba, na mas piniling itago dahil isa rin mismo sa kanila ang may kagagawan o may kasalanan. Lahat sila ay napamahal na sa pagkakaibigang nabuo nila kahit na hindi maganda ang turing ng iba sa ilan sa kanila ng patalikod ay nanghihinayang parin sila na mabuwag o mawala iyon dahil kahit papaano ay may mga pinagsamahan parin sila. May ilan na mga pangyayaring nalalman ang mga babae tungkol sa mga lalake at ganon din ang mga lalake sa mga babaeng kasama nila pero hindi nila iyon inintindi, hindi nila iyon pinaniwalaan dahil may tiwala sila sa isa't isa at para sa kanila ay mas kilala nila ang mga kaibigan nila. Ngunit sa likod ng bawat pagtitiwala, tawanan, masasayang pinagsamahan at iyakan ay mga sekreto at katotohanang sino man sa kanila ay mahirap na paniwalaan ang mga iyon dahil hindi kailan man na dumaan sa isipan nila na makakayang gawin ng isa sa kanila ang bagay na iyon kahit na minsan ay sila rin mismo ang nakakapagsabi ng hindi maganda sa bawat isa sa kanila, sila rin mismo ang nagkakasiraan pero hindi parin nila magawang tumiwalas ng tuluyan dahil kahit papaano ay may mga pinagsamahan parin sila na hindi mapapalitan ng kahit na sino man sa loob ng ilang taon. Hindi alam ng magkakaibigan na ang tiwala at ang pagkakaibigan nilang iyon ang masusubok sa lugar at larong napasukan nila, masusubok ang katatagan at tiwala nila hanggang sa huling laro. Masusubok ang sakripisyo at katatagan ng bawat isa sa kanila, ang pagiging totoo at kahalagahan ng bawat isa sa kanila sa lahat ng level ng larong magaganap. Farsha Bianchi's POV Pagdating ko sa dulo ng tunnel ay nakita ko sina Mhel, Nash at Aira na palabas din galing sa iba pang parte ng dingding Wear the color watch inside the bowl Agad naman kaming pumunta sa gitna at kinuha ang color watch na tinutukoy ng boses By the way I am Selena your game instructor. Since you've all successfully finished the first task you will be given a chance to ask 'only one question' per group. It will be on air so that the other groups could hear your question. "Anong katarantaduhan ba ito ha!?" narinig naming tanong ni Alvee You're inside an abandoned building that is being designed to be your playground. You are all players of this game and it's either you'll fight to survive or die while doing nothing. This game has different levels and what you did earlier is for your groupings for the first level of this game. Thank you for that question Alvee Vassilis of Green Team. Next? "Why do we need to play this game?" kalmadong tanong ni Justin For you to know the truth and to seek for justice. Thank you for that question Justin De Leon of Red Team "Justice for what?" napalingon kami kay Nash ng siya naman ang nagtanong For Erika Smith. Thank you for that question Nash Carson of Yellow Team. For the last question, let's hear it from Blue Team "Can you elaborate what you said?" narinig naming tanong ni Jam Some of you are suspects for Erika Smith's death, and also some of you are the reason. You are all here to play, play to live and play to seek justice, play until the veil of the suspects were being remove and to test all of you. If you don't believe me then let me play a video present for all of you. Good luck and enjoy! Pagkatapos magsalita ng Selena na iyon ay may biglang lumitaw na malaking screen sa itaas namin at gusto kong umiyak ng makita ang mukha ni Erika sa screen na iyon. Gisi-gisi na ang suot nito at halatang nahihirapan ng maglakad paatras, papalayo sa mga sumusunod sakanya na hindi namin makita kung sino-sino. "Simula mga bata tayo ay tinuring kitang matalik na kaibigan, tinuring ko kayong mga kaibigan ko kahit pa sobrang dami ko ng nalalaman ay wala kayong narinig mula saakin!!" hirap man ay sinikap niyang masabi parin ang lahat ng iyon "Akala ko kapag tumahimik lang ako kahit pa pagtataksil yun sa mga kasama natin ay lulubayan niyo ako pero nagkamali ako" Iyon lang ang huling narinig namin bago namatay ang screen at nawala. Wala sa sarili akong lumayo sa mga kasama ko at naluluhang tinignan sila isa isa. Hindi, hindi totoo to. Hindi makakaya ng kahit sino man saamin na gawin iyon kay Erika. Hindi ako naniniwala "That video clip might be edited! Wag kayong basta maniniwala!!" sigaw ni Nash sa likod ko na tingin ko naman ay narinig ng iba naming mga kasama "That's true!! Guys whatever is happening right now, huwag na huwag kayong magpapadala sa hindi magandang emosyon!! Pinaglalaruan lang tayo!!" sigaw naman ni Jaffar "Let's just end this game!! Just follow whatever that Selena is saying!! Let's just cooperate and don't leave each other behind!! Friendship forever right!?" halata man sa boses niyang napapaos na siya pero sinigaw parin niya ang mga salitang iyon. It's Ramayda "Tama sila guys, walang mangyayari kung magsisisihan tayo lalo na't kailangan natin ang isa't isa ngayon!!" napalingon naman kami ng mga kagroupo ko kay Aira ng isigaw niya iyon. The four matured people in our group. Sila ang laging nagpapakalma at pagpapatuwid sa mga sumusobrang katarantaduhan naming magkakaibigan. Tama sila baka nga pinaglalaruan lang kami "Friendship forever!?" sigaw ni Monjaheer "FRIENDSHIP FOREVER!" sabay sabay naming sigaw, ang iba ay medyo natawa pa. Pampagaan ng kalooban. Ilang minuto lang ay narinig na ulit namin si Selena. The first level will begin in 3 seconds Bigla naming sabi ni Selena 3... 2... Pagka-countdown nito 1... Sakto naman na pagkasabi nito ng one ay biglang naging transparent ang dingding ng kwartong kinaroroonan namin dahilan para makita namin ang iba pa naming mga kaibigan. Nasa isang parang transparent na kahon sina Ramayda, Monjaheer, Dixie, Justin at Alyssa; sa taas ng kwarto na iyon ay may nakalagay na kulay Red. Magkakasama naman sina John Rei, Jaffar, Harris, Alvee, at Lady. Kulay Green ang nakalagay sa kanila Samantalang sina Alfhar, Arshad, Jol, Jam at Dolax naman ang nasa Blue team At kami ang Yellow team Hello players, for the first level we will have 3 set of games. On the first set, each group should answer a certain question. Two groups who'll get higher score will be the winner and the other two will automatically be the loser; On the second set, it would be a winner vs winner and loser vs loser game; And the third set is the final round wherein the winners of the second set are the opponents. The first set will consist 3 questions wherein you'll use the boards in front of you to right your answer and you only have 10 seconds each question. The second set will be true or false where your friendship will be tested with just two question, who'll got the higher score will be the winner. For the final round, it will be the easiest among the three sets because the winners are only being ask to pick a paper the choices that are written on the papers are rock, paper and scissors. I know that it's a hand game but to have more fun we decided to change it. Whoever will got the highest score will be given to pick a special gift and whoever will got the lowest score will automatically be the nominees for eviction and whoever will be evicted will got a punishment. As for the two groups in between just stay put. Your score will be shown on your color watch, you'll only get a point whenever your group wins. That's all players, the game will start in 1 minute. Nagkatinginan kaming lahat at halata sa mga mata ng lahat ng kaibigan ko ang pagiging balisa at kabado dahil sa nangyayari. Gusto kong maiyak, ano ba itong nangyayari saamin? Bakit kailangang mangyari saamin ito? "Naniniwala ba kayong nasa groupo natin ang gumawa nun kay Erika?" naghihinang tanong ko Kahit na hindi ko narin alam kung ano ang iisipin ay ayaw ko paring maniwala, ayaw kong ipasok sa isipan ko na posible o totoo dahil hindi ko kaya at hindi ko alam kung paanong tatanggapin ang lahat kapag nagkataon at alam kong ganon rin ang nararamdaman ng mga kaibigan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD