SC: 2

2125 Words
Ramayda Mullers POV Nagising ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Pagmulat ko naman ay sumalubong saakin ang puting tiles. Sa sahig pala ako nakahiga. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito at pilit ko ring inaalala ang nangyari kagabi. Nilibot ko ang paningin ko sa kinaroroonan ko ngayon at abot-abot ang kaba ko ng makita ang ilan sa mga kaibigan kong nakahiga sa malamig na sahig na ito. Agad ko silang nilapitan dahilan para mapansin kong may puting bracelet na nakalagay sa kamay naming lahat Ramayda Muller John Rie Salvatore Alfhar Abaza Mhel Collins Nakaukit dito ang buong pangalan namin. “Sh*t ang sakit ng head ko sis," napalingon ako kay Mhel ng magsalita siya. Gising na rin pala siya. “Nasaan tayo?" wala sa sariling tanong ko sakanya Wala akong ibang nakikita kung hindi kulay puti. Para kaming nasa loob ng isang kahon na walang kahit anong laman. Napansin ko ring kakaiba ang suot namin ngayon dahil hindi na kami nakasuot ng uniform namin kung hindi puting tshirt at puting pants na Shhhssss Nagulat ako ng tumunog ang parang speaker na nakakabit kung saan pero hindi namin iyon makita "Mommy ano yun!?" nakayakap na tanong saakin ni Mhel "Hindi ko alam, mabuti pa gisingin na natin sila Alfhar,” tumango naman siya atsaka ako tinulungang gising ang dalawa pa naming kasama. Nasaan kaya ang iba? Ang huli kong naalala ay may nalanghap akong kung ano sa loob ng room namin kahapon kasabay ng pagkarinig ko ng sabay sabay na pag-ubo ng mga kaibigan ko hanggang sa dumilim na ang paningin ko. "Nasaan tayo?" tanong ni Alfhar "T*ngina hindi magandang biro to!" inis na sabi naman ni John Rei. Ang init talaga ng ulo ng taong to "Kung sino man ang may pakana nito sinasabi ko sayo tumigil ka na at wag na wag kang magpapakita saakin, mapapatay kita!!" gigil na gigil na sigaw ni John Rei, pero unang nakaagaw ng atensyon ko ang huling sinabi niya. If I know kahit lamok hindi kayang patayin nito, hanggang salita lang lagi. "Pwede ba kumalma ka,” medyo naiinis na rin na sabi ko dahil hindi ako mapagfocus kakaisip ng maaring gawin "Sa tingin mo paano ako kakalma sa lagay na to ha!?" padabog na tanong niya atsaka sinuntok ang pader dahilan para umilaw ang isang parte ng dingding sa harapan namin kaya napaatras kami nila Mhel "When you don't have me, you feel like sharing me. But, if you do share me, you don't have me anymore," basa ko sa biglang lumitaw na nakasulat sa pader. "Is that some kind of a riddle?" kunot noong tanong ni Alfhar Tumango lang ako bilang sagot dahil sigurado akong riddle ito dahil mukhang familiar saakin. I love challenging myself with riddles and logic pero hindi ko matandaan ang sagot sa isang to "Press the red button behind you to speak, you only have 3 chances. It's either you'll solve it or die,” Kinilabutan ako sa boses na narinig namin kung saan. S-solve or die? Ano tong pinasok namin? Lord God tulungan niyo po kami. Hindi ko pinakita ang takot na nararamdaman ko atsaka binaling ulit ang atensyon sa nakasulat sa dingding, gusto kong tapusin na to, gusto ko ng umuwi. "I think it's password,” biglang sabi naman ni Mhel "Yun din ang hula ko" pagsang-ayon naman ni Alfhar samantalang si John Rei ay galit na nakatingin lang saamin habang nakatayo sa kabilang dulo. Lumapit ako sa pulang button at pinindot iyon "Password" nagulat ako ng biglang naging kulay pula ang buong kwarto Wrong answer Geez, we only have 2 more chances left, we need to be careful "Kung tinatarantado niyo lang kami, palabasin niyo na kami dito habang di pa nasasagad ang pasensya ko mga gago!" gusto kong magmura ng magmura ng umilaw ulit ang buong kwarto ng pula dahil sa ginawang pagpindot ni John Rei sa button Wrong answer "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!? Gago ka ba!? Kung gusto mong mamatay, mamatay kang mag-isa mo wag mo kaming dinadamay sa kabobohan mo!" galit na galit na sabi ni Alfhar habang kinukwelyuhan si John Rei "Bakit ha!? Tinagurian kayong mga sikat pero mga uto-uto rin naman! Talagang nagpapaniwala kayo sa nangyayari ngayon ha!? Sa sinasabi ng kung kaninong boses sa intercom na yan? Tangina naman!" napasabunot sa sariling buhok si John Rei dahil sa inis Clue: You all have it We all have it? But it isn't a password but maybe it's part of our passwords "What's your password?" biglang tanong ko sa kanila "At bakit ko naman sasabihin sayo? Sekreto 'yon Ram,” - pagsusungit ni John Rei Sekreto... Sek – "That's it!" lumapit ako ulit sa pulang button, God please "Secret,” sabi ko bago pumikit. Ilang Segundo ang lumipas ng maramdaman kong tila gumalaw ang kinaroroonan namin. OMG! Mali ba ang – Correct Napaluhod ako ng marinig ang sinabi ng boses na iyon atsaka wala sa sariling napatingin sa pagbukas ng isang parte ng dingding kung saan nakalagay ang sulat kanina "Ang galling mo girl!!" nakayakap na sabi saakin ni Mhel. Nginitian ko lang siya atsaka kami dahan dahan na pumasok sa pinto, napakunot ang noo ko ng makita ang kwartong kapareho lang din ng pinanggalingan namin kanina ang pinagkaiba lang ay may kahon sa gitna at sa kabilang dulo ng dingding ay may apat na kulay Red, Blue, Yellow and Green Hindi ko sinasadyang mahawakan ang balikat ni Alfhar ng biglang bumagsak ang pintong pinasukan namin. "Ano nanaman ba ito!?" nagpapadyak na tanong ni John Rei Pick one card inside the box Hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit sa kahon at kumuha ng isang card. Ang gusto ko nalang talaga ay ang matapos na ang kahibangan na ito, ang kung ano man itong napasok namin. Red ang card na napili ko Yellow kay Mhel Blue kay Alfhar At ang natitirang Green ang kay John Rei "Anong gagawin natin dito sis?" tanong ni Mhel habang sinusuri ang card Good job now swipe it to your designated color and let the game begin! Good luck players Isa isa naman naming sinunod iyon at bumulaga sa bawat isa saamin ang parang tunnel na kakulay ng card na hawak namin, ayaw ko man na mahiwalay sa kanila pero ng makaapak ako sa loob ng tunnel at agad na sumarado ang pinto at hindi ko na ito mabuksan pa. Kinakabahan man ay tinahak ko ang daan kung saan ako dadalhin ng tunnel na ito at dinala ulit ako nito sa isang puting kwarto na walang laman. Ilang minuto lang ay bumukas ang iba't ibang parte ng dingding at niluwal ang iba ko pang mga kaibigan. Third person's POV Gaya ng nangyari sa groupo nila Ramayda nahiwahiwalay din sa iba't ibang groupo ang mga kasama nila. Magkakasama sina: Farsha Bianchi, Arshad Regio, Jaffar Amari at Monjaheer McLauren Dixie Montefrio, Harris Von, Jol Baros at Nash Carson Aira Meyer, Jam Rossie, Alvee Vassilis, at Justin De Leon Alyssa Rockwell, Lady Rae at Dolax Yrgos Gaya nila Ramayda ay may riddles din na sinagutan ang bawat groupo (Farsha's Group) Nagising ang magkakaibigan dahil sa ingay ng nanggaling sa kwartong kinaroroonan nila Ramayda ng mamali ang unang sagot nila. Naalimpungatan sila ng dahil sa ilaw na nagmula sa isang tila projector na nasa dingding ng kwartong kinaroroonan nila. Gaya ng naunang groupo ay may riddle na lumitaw doon na kanya kanya naman nilang binasa. A man is cheating on another man's wife. The husband comes home to find the man he thinks is the cheater. So he knocks him unconscious and tosses him out the window. But because he's really angry he tosses the fridge on him as well. In heaven two men come up to god because they died. One is the man who was thrown out the window who is the second man and how did he die? "Anong kagagohan to?" tanong ni Jaffar Solve or Die Dahil sa takot at kaba ay walang nagawa ang magkakaibigan. Ilang minuto din silang nag-isip ng maisasagot "He is the husband and he died in the fridge,” pagsubok ni Monjaheer Wrong answer "He is the first man and he died in the fridge,” sagot naman ni Arshad Wrong answer Abot-abot ang kaba ng magkakaibigan dahil isang maling sagot nalang ay maaring may mangyari sa kanila gaya ng sabi ng kung sino man ang nasa likod ng intercom Kinakabahan man ay lumapit si Farsha sa button "He is the man cheating with the husband's wife. He died hiding in the fridge. The first man was a random person,” Correct Nabuhayan ng loob ang magkakaibigan atsaka nagmadaling pumasok sa bumukas na pinto at gaya ng naunang groupo ay pumili ang mga sila ng kanya kanyang card (Dixie's Group) Naunang nagising si Dixie dahil sa kanilang lahat ay siya ang masyadong sensitive sa paligid niya kahit na tulog kaya pagkarinig pa lang niya ng mga ingay na nagmumula sa iba't ibang kwarto ay nagising siya. Hindi niya alam kung nasaan siya. Hindi niya alam kung anong meron at kung ano ang nangyayari. Ngunit ng makita niya ang riddle na lumitaw sa ding ding ay agad niyang ginising ang mga kasama. "Gumising kayo! Harris, Jol, Nash!" isa isa nitong tawag sa mga kasama. Naunang nagising si Harris na agad siyang nilapitan para tignan kung maayos lang ba ang lagay niya at nakahinga ito ng maluwag ng masigurong ayos lang siya. Isa isa naman nilang ginising ang dalawa pang mga kasama saka nila binasa at inisip ang nasa ding ding I can't be bought, but I can be stolen with a glance. I'm worthless to one, but priceless to two. "I don't want to die yet," naiiyak na sabi ng dalaga "Walang mamamatay at hindi ka namin pababayaan dito. Mag-isip lang tayo. Wala naman akong nakikitang time limit kaya huwag tayong magmadali," pag-aalo sakanya ng kaibigan na si Harris. Nang makapagisip sila ay halos pare-pareho lang sila ng naisip kaya naman ay napagdesisyunan nilang sumagot ng sabay sabay. "Sabay sabay nating pindutin at sabay din tayong sasagot" sabi ni Nash na tinanguan naman ng mga kasama nito "Love!" Correct (Aira's Group) Kanina pa nag-iisip ang magkakaibigan at sa tuwing may naririnig silang ingay na kagaya ng ingay na nilikha ng speaker ng kwartong kinaroroonan nila ng magkamali sila ay kinabahan sila para sa mga kasama nila kaya mas lalo silang nawawala sa focus "Nasagot kaya ng iba?" wala sa sariling tanong ni Aira sa mga kasama na hindi rin alam kung ano ang isasagot sakanya. The more you take, the more you leave "Footsteps," sagot ni Aira Correct (Alyssa's Group) I am something used with a door but I'm not a Christmas wreath, instead I am kept on a ring. I get turned and I have teeth. Gaya ng ginawa ng groupo nila Dixie ay sabay sabay na sumagot ang magkakaibigan ng makuha nila kung ano ang ibig sabihin ng riddle. "KEY!!" Correct At kagaya ng naunang mga groupo ay dinala ang mga ito sa isang kwarto kung saan sila namili ng card at tinahak ang isang tunnel patungo sa panibago nanamang kwarto kung saan nila nakita ang iba pa nilang mga kasama. Mabilis na lumapit sa bawat isa ang magkakaibigan saka nagyakapan ang iba, ang iba naman ay inaalo ang kasama, samantalang ang iba ay nag-uusap at nag-iisip kung ano ang nangyayari sa kanila at kung nasaan sila. Ramayda Muller's POV Ito ang araw na tuluyang nawala saamin si Erika. Ang araw na hindi namin makakalimutan lahat. Ang araw na nagwasak saamin dahil sa isang balita na hindi namin lubos na inaasahan. Ano nanaman ba ito? Ano nanaman ang dadalhin ng araw na ito saamin? Dapat ay nasa puntod kami ni Erika ngayon, dapat ay naglilinis at inaayos namin ang puntod niya ngayon. Ngayon ang 2nd death anniversary niya pero wala kami para bisitahin siya dahil nasa lugar kami na ni walang sino man saamin ang nakakaalam. "Hindi na nakakatuwa to. Kung sino man ang nasa likod nito please tigilan niyo na," seryosong sabi ni Farsha na halatang hindi na natutuwa sa nangyayari "Hinihintay na tayo ni Erika oh," naluluha naman na sabi ni Dixie "Dapat ay masa kanya tayo ngayon, dapat at binibisita natin siya ngayon at kinukwento sa kanya ang mga nangyari saatin habang wala siya, at sinasabi ang lahat ng gusto nating sabihin sakanya," dagdag pa nito "Hindi pa natin nalilinis ang puntod niya, hindi pa tayo nakakabili ng mga kandila at bulaklak. Hindi pa tayo nakakapaghanda," sabi naman ni Aira "Please lang tigilan niyo na ang kahibangan na ito. Kung sino man kayo, kung prank into hindi nakakatuwa please," umiiyak na pakiusap ni Lady Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin at ang iisipin dahil hindi ko rin talaga alam ang nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD