Third person's POV Hindi kayang lingunin ng magkakaibigan ang monitor na nakakonekta sa kwarto kung nasaan ang hologram ni Erika kasama ang isa sa mga kaibigan nilang hindi nagtagumpay na makaalis sa laro. Isa lang ang rule ng laro at iyon ang makatakasa at makalabas sa illusion na kinaroroonan nila at kung sino man ang huling makaalis doon ang siyang matatanggal sa laro. Nakatitig lang si Ramayda sa monitor habang tumutulo ang luha at hindi na alam kung ano pa ang gagawin at iisipin dahil sa puntong ito ay alam niyang may mawawala nanaman sa kanila. Lumapit siya sa monitor at hinihimas ang mukha nila Erika at Alyssa. Alyssa is seating there with Erika's hologram while crying and apologizing for everything. "I'm sorry Rika, patawarin mo ako dahil sa kuduwagan ko. Patawarin mo ako d

