Abduction

1180 Words
Alyssa Rockwell's POV Magdadalawang taon na ang nakalipas mula ng mawala si Erika pero hanggang ngayon ay hindi parin mawala saamin ang pangungulila. Ang mas masakit pa ay hindi parin namin nakakamit ang hustisyang nararapat para sakanya. "Miss na miss ko na si Erika" malungkot na sabi ni Dixie "Lahat naman tayo" sabi naman ni Lady Ilang sandali lang ay nagkanya-kanya na kami ng upo dahil dumating na ang homeroom teacher namin. "Good morning Section Cameron" bati saamin ni Ma'am Amor "Good morning ma'am" sabay sabay naming bati pabalik sakanya "We all know that this will be your last school year being in a secondary level, have you decided already what course will you take?" tanong ni ma'am saamin "Yes" "No" "I don't know what to take yet" "My parents did" Nagkanya kanya na ng reaction ang buong klase. Binaling ko ang atensyon ko sa harapan at medyo nagtaka pa ng sa groupo naming nakatuon ang atensyon ni Ma'am Amor "How about our section's stars? Are you considering to be a full time influencer or you will continue your study?" nakangiti niyang tanong saamin Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko. Matagal na naming napagdesisyonan ang bagay na 'yan "Ang mga babae po saamin pati si Mhel ay sa Law School po mag tetake ng exam, samantalang ang mga lalake naman ay mag pu-police or detective po" si Ramayda na ang sumagot para saamin Tama kayo ng basa, dahil sa nangyari kay Erika ay napagdesisyonan namin kunin ang mga course na iyon para kami na mismo ang magtutulungan para makamit ang hustisyang nararapat para sa pumanaw naming kaibigan. Sa tuwing naaalala ko ang pagkamatay niya ay hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa kahayupang paraan ng pagpatay sakanya, masyadong hindi makatarungan at makatao kahit saang angulo man tignan. "2nd death anniversary na pala ni Rika bukas" biglang sabi ni Mhel. Si Mhel talaga ang mahilig kaming tawagin gamit ang mga pen names. Saktong dalawang taon na pala bukas mula ng nangyari ang insidenteng iyon. Paniguradong kanya-kanyang hagulgul nanaman ito bukas sa puntod niya. Habang buhay naming babauin ang sakit ng pagkawala niya. Ilang oras ang lumipas bago kami dinismiss ng huling subject teacher namin para saaraw na ito. Pinalabas na muna namin ang iba naming mga kaklase dahil napagdesisyonan naming magpaiwan para mag-usap usap sa kung anong magigingplano namin para bukas. "Kami na nila Jol ang dadaan ng mga kandila, kayong mga babae na bahala sa mga bulaklak" panimula ni Monjaheer "Sige ganon na lang" sang-ayon naman ni Farsha "Doon ba ulit tayo magpapalipas ng gabi?" tanong naman ni Alvee. Last year kasi ay doon kami nagpalipas ng gabi sa puntod ni Erika, pinaayos kasi naming lahat 'yon, pinagtulungan namin gamit ang perang nakukuha namin sa pagiging-influencer. Kung titignan sa labas ay para lang iyong malaking box pero sa loob ay sementado iyon at nakatiles, Malaki din ang space. Sapat na para magkasya kaming lahat kung sakaling magpapalipas kami ng gabi doon para samahan si Erika. "What the hell!?" biglang bulalas ni John Rei dahil biglang namatay ang ilaw sa room pero noong lumingon kami sa labas ay buong skwelahan pala ang nawalan ng ilaw. Akala ko tinopak nanaman 'tong mga kasama namin at nangtitrip nanaman. "Turn on your phones' flash lights, umalis na rin tayo dito baka makita pa tayo ng guard" sabi ni Aira. Gabi na kasi at bawal ng tumambay ang mga studyante dito ng ganitong oras. "Hindi ko mabuksan ang pinto" – Nash "Ano? Bakit? Ako nga" narinig ko namang sabi ni Arshad "Hindi ko rin kayang buksan" biglang sabi rin nito "That's not a good joke guys" maarteng sabi ni Jam "Open that door now bago pa tayo mahuli dito" dagdag pa nito "Hindi ko rin mabuksan itong pinto sa likod" nagsimula na akong kabahan ng marinig ko ang sinabi ni Harris Anong nangyayari? Gusto ko ng maiyak dahil sa kaba, hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa nangyayari ngayon. "Wag please maawa ka" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses na iyon Erika "Guys hindi nakakatuwa, please lang" naiiyak na rin na sabi ni Dixie "Ano ba? Kung sino man yan tigilan niyo na" naiinis na sabi naman ni Alfhar "H-hindi ako magsusumbong, parang-awa mo na, parang-awa niyo na" Nagsimula na akong makarinig ng mga hikbi sa paligid kaya pati ako ay hindi na napigilan ang sariling maluha. Bakit ganito? Ano itong nangyayari? Bakit namin naririnig ang boses ni Erika? "Kahit kailan ba hindi mo ako tinuring na kaibigan? Sa loob ng ilang taon?" Naguluhan ako sa sumunod na narinig, kaibigan? Sino ang kausap ni Erika? Erika is an introvert type of person bago pa namin siya nakilala kaya sigurado akong wala siyang ibang kaibigan kung hindi kami lang "Kung oo ay bakit mo nakakayang gawin saakin to? Please nagmamakaawa ako, tama na" Hindi ko na napigilan na mapahagulgol ng marinig ang pagmamakaawa niya. Sino ang walang pusong nasa likod nito? Kahit madilim ay sinubukan kong aninagin ang lahat ng kasama ko sa loob ng room na ito, ang mga taong tinuturing kong matatalik na kaibigan. "Mahal na mahal ko kayong lahat at pinapatawad na kita" Iyon ang mga huling salitang narinig namin bago narinig ang huling hiningang binitawan ni Erika Sino? Sino ang kasama ni Erika ng araw na iyon? Sino ang kausap niya? Totoo ba ang lahat ng narinig namin? "T*ng*na wag niyong sabihin saakin na isa saatin ang huling nakasama ni Erika noong araw na iyon!!!" galit na galit na sigaw ni Dolax Hindi ligid sa kaalaman namin na noon paman ay may gusto na si Dolax kay Erika kaya isa siya sa pinakanasaktan ng mawala ito. Kaya hindi ko rin siya masisisi sa galit na nararamdaman niya ngayon. "Please tell me it isn't one of us" nanghihina na sabi ni Ramayda "Is that real? I mean that voice record, you think it's real?" naguguluhan pero halatang umiiyak na tanong ni Jam Third person's POV Hindi parin tuluyang pumapasok sa isip ng magkakaibigan ang narinig nila. Ayaw nilang magsisihan pero alam din ng mga ito na walang ibang kaibigan si Erika maliban sa kanila, maliban nalang kung may tinatago ito sa kanila. Kahit na hindi nila gaanong naaaninag ang isa't isa ay nagkatinginan silang lahat. Puno ng pag-aalala, galit, pagkadismaya, kalungkutan at pagtataka ang mata ng mga ito. Alam nito sa sarili nilang hinding hindi nila mapapatawad ang gumawa nun kay Erika pero nagulo ang mga isip nila dahil sa narinig, paano kung isa sa kanila ang salarin? Makakaya ba nilang tanggapin at patawarin ang taong iyon? Sobrang daming tanong ang umiikot sa isip ng magkakaibigan kaya't hindi nila napansin ang pagbukas ng isa sa bintana ng room na kinaroroonan nila. Ilang minuto lang ang lumipas ay naubo ang mga ito dahil sa usok na kumalat sa buong room na dahilan ng pagkawala nila ng malay. "Kunin silang lahat" utos ng isang taong may pakana ng lahat ng nangyari sa gabing ito "Gawin niyo ng maayos ang pinapagawa ko sainyo, these students need to learn a lesson" huli nitong sinabi saka nilisan ang room ng Section Cameron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD