bc

El Contreras 7: Billionaire's Indecent Love

book_age18+
17
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
badboy
powerful
heir/heiress
drama
bxg
scary
loser
campus
like
intro-logo
Blurb

"Kung ayaw mong tanggapin ang disente kong alok sa 'yo ay maging akin ka rin sa kahit na anong paraan... even in an indecent way, Alana."

Despite the fact that they both reside in the same world, but they are completely different from one another. Literal na anghel si Alana Angelique— sa anyo, pananalita, kilos, at sa ugali. Samantala demonyo naman ang tawag ng lahat kay Aaron Joachim Contreras— sa kaguwapuhan, sa kagaspangan ng ugali, at sa pagkababaero nito.

Pero sinisikap ni Joachim na pantayan ang mga katangiang iyon ng dalaga kahit pa na masakit iyon sa pride niya. But things aren't as easy as it seems, dahil kahit na anong lapit niya kay Alana ay pinipilit naman nitong ilayo ang sarili sa kanya para idiin na hindi siya nababagay sa mundo nito. Sinubukan din niya minsang umiwas sa dalaga at ilaan ang atensyon niya sa ibang babae, but he ended up comparing them to Alana.

Hindi lingid sa kanya na pangarap ni Alana ang pagmamadre, at noong dumating nga ang araw na 'yon ay hindi niya napigilan ang sariling gawin ang isang bagay na alam niyang ikagagalit sa kanya ni Alana. On her way to the convent, he kidnapped her... to make her feel that Mrs. Contreras was her rightful position and that she didn't deserve to be a nun!

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Kasabay ng pagdilat ni Alana ng mga mata niyang mahapdi ay ang pagbangon niya mula sa pagkakahiga niya sa kama. She groaned distressingly as she pulled her body back into the bed. Napangiwi siya nang iunat niya ang kanyang mga binti. She was like a dried and shriveled plant. Wala siyang lakas. Nauuhaw siya. And she was feeling sore... right between her legs. Inikot ng paningin niya ang silid na kinaroroonan niya, the room wasn't familiar to her. The dim light gives her a little bit of chill. Malaki ang silid and very masculine ang kulay grey na kulay nito, pati na ang kulay asul na kurtina sa bintana nito. Bumangon na ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Napayakap siya sa sarili niya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya at tuluyang nawala ang antok na nararamdaman niya nang malaman niyang wala siyang kahit na anong saplot sa ilalim ng kumot. Bits and pieces of memories suddenly collected in her mind. Kagabi... kagabi! My god, Alana, what have you done to yourself?! Natutop niya ang bibig niya nang unti-unting luminaw sa utak niya ang nangyari kagabi... "Bye, dad, mom!" Sa nakabukas na bintana ng sinasakyan niyang kotse ay kumaway siya sa ina niya at ama na nakatayo sa labas ng gate nila. "Parang uulan na, hindi ba puwedeng ipagpabukas mo na lamang ang pag-alis mo? Makakaintindi naman siguro ang Mother Superior kung bakit hindi ka nakarating sa araw na 'to, Alana," may pag-alala sa mukha ng Daddy niya habang tumitingin ito sa maulap ng langit. "It's okay, dad, bago siguro babagsak ang malakas na ulan ay nasa kumbento na rin naman kami. Kung sakaling malakas na ang ulan pagdating namin doon ay may mga hotel naman sigurong malapit doon na puwedeng pagpahingahan ni Manong Vic," tukoy niya sa kanilang driver. "Kayo na po ang bahala sa anak ko, Manong Vic," bilin ng ama niya sa matanda. "Huwag po kayong mag-alala, makakarating pong ligtas si Alana." Nakangiti itong tumingin sa kanya. Matagal na itong naninilbihan sa kanila, hindi pa nga siya naipanganak kaya parang pamilya na rin nila ang matanda. "Call us when you get there, darling," ang ina niya na akala mo ay hindi na siya babalik pa sa bahay nila kung makapag-emote. "Mommy, every time I get a chance ay uuwi rin naman ako, eh." Nang umandar na ang makina ng sasakyan ay panay na ang kaway niya sa mga magulang niya. Actually, there was something in her that she wouldn't know how to figure out. Basta iyong feeling na masaya pero mabigat din sa dibdib niya at the same time. Ipinalagay na lamang niya na natural lang siguro ang ganoong damdamin. At least matutupad na niya ang pangarap niya noong bata siya na magmadre. She was so amazed to see the nun wearing a habit. At ngayon na graduate na siya ng college ay panahon na para ang pangarap na naman niyang ito ang umpisahan niyang tuparin. Nang mawala na sa paningin niya ang bahay nila ay umayos siya sa pagkakasandal niya. Habang tumatakbo ang sasakyan nila at napadaan sa tapat ng El Contreras university ay may kakaibang damdamin ang biglang umalipin sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata niya at biglang lumitaw sa balintataw niya ang nakangising si Aaron Joachim Contreras. Oh, god! Stop creating stains in my pure mind, please. Piping hiniling niya. Ewan ba niya kung bakit sa tuwing mapapapikit siya ay ang mukha ng lalaking 'yon ang pumapasok sa isip niya. Is it because she hated him that much? Posible siguro ang dahilan na 'yan. "Matulog ka lang, Alana, kung gusto mo. Gigisingin na lamang kita pagdating natin mamaya roon." Napatingin siya sa matanda at matamis itong nginitian. "Nakakaantok nga po ang ganitong panahon." "Siya nga. Saka malayo-layo pa rin naman ang ibabiyahe natin." "Okay po, Manong Vic, salamat po." Ipinikit na nga niya ang mga mata niya, hoping she can rest for at least about fifteen to twenty minutes. Dahil nga sa makulimlim at nakakaantok ang panahon ay hindi niya namalayan na nakaidlip siya. Kung gaano iyon katagal ay hindi niya alam. Hanggang sa magulat siya dahil may biglang pumutok. "Anong nangyari, Manong Vic?" papungas-pungas na tanong niya sa matanda. Napatingin siya sa paligid at medyo may kadiliman na rin dala ng maulap na panahon at maraming puno ang nasa paligid. "Hindi ko alam, Alana, bigla na lamang may pumutok at tumirik na ang kotse. Sa tingin ko ay ang huling gulong natin ang nagkaproblema. Teka at titingnan ko." Bahagya siyang nakaramdam ng takot nang mapatingin siya sa gilid ng kalsada na masukal at makapal ang puno. "D-Dalhin n'yo na po ito, Manong." Inabot niya sa matanda ang rechargeable flashlight na palaging nasa bag niya. Ilang minuto ang itinagal ng matanda sa ibaba bago ito bumalik. "Ano po ang nangyari?" nag-aalala at kinakabahan na tanong niya. "Hindi ko alam kung may bumaril ba sa gulong natin, Alana." "Ano po?! Paano na po 'yan ngayon? Saang lugar na po ba tayo?" Nagpalinga-linga siya sa daan, nagbabakasakali na may dadaan na kahit isang sasakyan, pero wala ni isa. Hindi na nagawang sumagot ng matanda dahil may biglang sumulpot na isang malaking bulto na nakasuot ng purong itim, pati ang mukha nito ay nakabalot at tanging ang mga mata lamang nito at ang butas ng ilong ang nakalabas. It was obviously a man based on his body build... matangkad at halatang matipuno ang pangangatawan. "Ano ho ba ang kailangan n'yo at-" Hindi natapos ni Manong Vic ang sinasabi nito dahil bigla na lamang itinakip ng lalaki sa ilong ng matanda ang isang puting tela. Mabilis na natumba ang matanda sa upuan ng sasakyan. Napasiksik siya sa gilid ng sasakyan nang matuon sa kanya ang paningin nito. There was a weird feeling inside her, kinakabahan siya na parang hindi niya maintindihan ang kanyang damdamin. "W-What do you want? If... if you want money, I-I can give you all the money that I have here. H-Here..." Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ang bag niya. "M-may mga alahas din ako rito, you can have it... but please don't hurt me, just let me go home after I give you these." She was trembling as her tears started falling. Hindi sumagot ang tao, sa tangkad nito ay napayuko ito at dumukwang sa kanya. Hinawakan nito ang isang braso niya, she felt something different in the man's touch, but she was scared to notice it. Hinila siya nito pero sa paraan na hindi naman siya nasaktan, napatayo siya at napasunod dito dahil sa takot niyang baka saktan siya nito. Lumakad sila habang hindi siya binibitiwan ng lalaki, hanggang sa marating nila ang isang kulay itim na kotse, tahimik na binuksan iyon ng lalaki at iminuwestra ang kamay nito sa loob ng sasakyan. "D-Don't worry, my dad will give you the amount that you will ask for in exchange of my safety." Parang mahihimatay na talaga siya sa takot pero pinipigilan niyang mangyari iyon dahil natatakot siyang baka ano ang gagawin ng taong ito kung mag-pass out siya. Sa driver's set ay may isa pang lalaki na nakaayos din kagaya ng ayos ng lalaking kumuha sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hindi nagsasalita ang dalawang ito. Basta na lamang tumakbo ang kotse nang sumenyas ang lalaking tumangay sa kanya sa driver na umalis na sila. Kinuha niya ang rosary na nasa bulsa niya habang mataimtim siyang nanalangin. Hindi nagtagal at tumigil ang sinasakyan nilang kotse. Napadilat ang mga mata niya. Ang weird ng mga nangyayaring ito. Hindi naman siya sinasaktan o kahit man lang iginagapos ng taong tumangay sa kanya. Bumaba na ang lalaki sa tabi niya, binuksan nito ang pinto sa tabi niya, at pagkatapos ay muli siya nitong hinawakan. "Bitiwan mo ako!" Doon na siya pumalag nang papasok na sila sa isang bahay. Sa tingin niya ay hindi naman abandonado ang bahay na ito dahil malinis at maayos naman ito. Humigpit ang hawak nito sa braso niya. She slapped the man, at hindi niya alam kung bakit tumawa sa likod nila ang lalaking nagda-drive kanina. "Mga alagad kayo ng demonyo! Masusunog ang kaluluwa n'yo sa impyerno sa hindi magandang ginagawa ninyo sa kapwa n'yo!" Pumalag siya at binalikan ang lalaking nasa likod at sinuntok ang mukha nito. Hindi na niya alam kung saan tumama ang suntok niyang 'yon. "Damn it! Hindi pa ako napupunta sa impyerno pero nagdusa na ako! s**t!" mura nito. Gusto niyang isipin na pamilyar sa kanya ang boses nito pero parang hindi naman siya sigurado dahil hindi ganoon ka-clear ang pagkakasalita nito dahil may nakatakip sa bibig nito. Nagpapalag pa siya nang akayin siya ng lalaki papasok sa bahay. Nang bigla siyang buhatin ng lalaki ay napasigaw siya. Hanggang sa ipasok siya nito sa loob ng isang silid at ibinagsak siya sa malambot na kama. Kaagad din itong umalis at in-lock ang pinto sa labas. Tiningnan niya ang bawat sulok ng silid at wala talaga siyang madadaanan dahil may grills ang lahat ng bintana. Napapaiyak na lamang siya nang maalala niyang nahulog sa kotse niya ang bag niya kung saan nandoon ang cellphone niya. Noong malalim na ang gabi ay pumasok ang driver at binigyan siya ng pagkain. "Kumain ka na, walang lason iyan." Nang lumapit ito sa tabi niya para maglagay ng pagkain ay malakas niyang sinipa ang lalaki. Natamaan niya ito sa may hita at malakas na napamura ang lalaki sa sakit. "Damn it! Nakadalawa ka na!" Napasiksik naman siya sa headboard ng kama sa pag-aakalang gaganti ang lalaki sa pananakit niya, pero sa gulat niya ay paika-ikang lumabas ang lalaki sa silid habang sunud-sunod na nagmumura. Napahigpit naman ang kapit niya sa rosary na hawak niya. Dala ng pagod noong maghating gabi na ay nakatulog siya kahit na anong laban niya sa antok niya. Ganoon pa rin ang nangyari kinabukasan, dinalhan siya ng driver ng pagkain. Dahil hindi siya kumain noong nagdaang gabi ay sobrang gutom na siya. Hindi niya napigilan ang sariling kumain nang makita niya ang masarap na pagkain sa tabi niya. At salamat dahil wala talagng lason iyon. Noong gabi ay may dalawang lalaking pumasok, hindi nakatakip ang mukha pero hindi niya kilala. Matatangkad at may mga hitsura pa. Napatayo siya at nag-iisip kung paano siyang makakatakas. Lumapit ang isang lalaki sa kanya at halos mangisay siya sa takot. Lumapit din ang isa. Ang rosary na naman ang naging sandalan niya sa kagipitan na 'yon ng buhay niya. "A-Ano bang kailangan n'yo sa 'kin?" Nagkatinginan lang ang dalawa at kumilos ang isa para hablutin siya. Napatakbo siya sa isang sulok ng silid at malakas na napasigaw. Nang may biglang bumukas sa pinto at pumasok ang isang tao na palaging nang-iistorbo pati sa isip niya. Si Joachim! "Alana!" tawag sa kanya ni Joachim. Napatakbo siya palapit dito at napayakap. Naiyak siya sa relief na nararamdaman niya nang makita niya ang napakaguwapong binata. "Joachim... I-I'm scared and..." "Shhh, nandito na ako para ipagtanggol ka. Did they hurt you?" masuyong tanong nito. "Almost... almost." Basta ang sumunod na nangyari ay nagkakagulo na at hindi siya makapaniwala na naitumba ni Joachim ang dalawang lalaki na halos kasing tangkad at laki lang din nito. Biglang nagbago ang pagtingin niya sa binata nang mga sandaling 'yon. He became a hero to her. Ang dalawang lalaki ay pinakuha ni Joachim sa mga pinsan nito para maipakulong, ang alam niyang rason kung bakit siya in-kidnap ay dahil sa pera. Siya naman ay dinala ni Joachim sa isang condo unit, kung pagmamay-ari nito iyon ay hindi niya alam. Hindi na niya alam ang gagawin niya, kaya nagdedepende na lamang siya rito. Noong medyo kumalma na ang pakiramdam niya ay binigyan siya ni Joachim ng extra nitong t-shirt para makapaligo siya bago magpahinga. "Dear heaven!" bulalas ni Alana nang maalala ang tagpo kagabi nang maligo siya sa banyo. "This can't be! This can't be!" Naalala niya na nasa gitna siya ng paliligo niya nang iabot sa kanya ni Joachim ang tuwalya... "And oh! Inakit niya ako at bumigay naman ako!" Napabalikwas siya sa higaan at nakapa niya ang hubad na katawan sa tabi niya. It must be him. "Hmmm, let's go back to sleep, my honey bee. Madilim pa sa labas," he murmured. Dumantay rin sa baywang niya ang matipuno at mainit na braso nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.6M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
485.9K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
539.1K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
625.0K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
480.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook