Unwanted

1414 Words
DANEEN's POV : I AM seventeen years old, and even Achilles too. Nalalapit na ang eighteenth birthday ko, at excited ako dahil finally pagbibigyan na ako ni Daddy na magkaroon ng sarili kong sasakyan. At syempre magiging malaya na ako na pumasok sa isang relasyon. Iyon ang isa sa mga usapan namin ni Daddy, hindi ako magda- drive hangga't hindi pa ako tumutuntong sa tamang edad ko. At hindi ako magkaka- boyfriend hangga't wala pa ako sa tamang edad ko. But for now, I have a driver bodyguard with me wherever I go. Isang umaga naghahanda ako para pumunta sa boutique kung saan isusukat ko ang gowns na gagamitin ko debut party ko. Mommy Gabby offered herself. Gusto niya akong tulungan para sa preparations sa nalalapit kong birthday. Alam kong busy din ito sa pagpapatakbo ng Achilles Paradise kaya naman tinanggihan ko ang iniaalok nitong tulong sa akin. Nahihiya din ako, mabuti sana kung hindi ko alam na sobrang busy din niyang tao. "Hello Macey, girl can you come with me?" kausap ko mula sa kabilang linya ang bestfriend kong Macey. Sa kanya na lang ako magpapasama, tutal wala din naman kaming pasok ngayon. "Sige ba Daneen, so where's the meeting place?" kaagad ay tanong nito sa akin. "Sa boutique na lang tayo magkita girl, magsusukat kasi ako ng mga gowns ko ngayon. I would have liked Daddy to be with me, but he's so busy today." sabi ko pa dito, I was about to drop the call when I heard someone speak from the other line. "Gosh!" impit akong napatili. It was a male voice, and I was stunned when I recognized who's voice it was. It was Akihiro's voice, my ultimate crush. Yes— bata pa lang ako, gustong gusto ko na si Akihiro. He is Macey's first degree cousin. At ngayon nagpahayag na siya ng kanyang nararamdaman para sa akin. Masayang masaya ako dahil sa isiping pareho kami ng nararamdaman para sa isa't -isa. I want him to be my escort on my eighteenth birthday. Pero iba ang gusto ni Daddy— he wants Achilles to be my escort. Hindi ko malaman kay Daddy kung bakit gustong-gusto niya ang mayabang na Achilles na iyon. Ang Cervantes na iyon na wala ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. "Hello Daneen, are you still there? Pwede ba akong sumama sa inyo?" kaagad na wika ni Akihiro mula sa kabilang linya. My gosh, sino ba naman ako para tumanggi. "Ah-eh, sure." kinikilig kilig pa ako habang sinasabi ang katagang iyon. "Ahm, see you then Daneen." sabi nito bago ko ibinaba ang aking cellphone. Impit akong napapatili, pabagsak akong nahiga sa malambot na kama at doon ko ibinuhos ang lahat ng kilig na aking nararamdaman. Isinubsob ko ang aking mukha sa unan at doon ako nagtititili ng malakas. "Aggg.. Akihiro, kaunting tiis na lang, sasagutin na kita." kinikilig kilig na sabi ko. I made a promise to myself— I don't want to get into a relationship until I am at the right age. Nasa ganoong ayos ako, ng may marinig akong mahihinang katok mula sa aking pintuan. "Bukas 'yan, pasok." at pumasok nga ang isa sa aming mga kasambahay. "Ma'am Daneen, tumawag po ang Daddy ninyo. May ipapadala daw po siyang makakasama niyo sa paglabas." wika nito sa akin, napaisip pa ako. Sino kaya 'yon, samantalang nandito naman ang aking driver? "Sige Manang, kapag dumating 'yong tao na 'yon pakisabi maghintay na lang muna siya." sabi ko pa bago nagpaalam sa akin ang aming kasambahay. Naligo na ako, isang blue floral dress ang aking suot na hanggang tuhod ang haba at nagsuot lamang ako ng isang flat sandals para kumportable akong kumilos. I just applied some light make-up at kaunting pahid ng liptint para hindi ako magmukhang maputla. Makailang beses pa akong umikot sa salamin— "Perfect," sabi ko ng makita ko ang hitsura ko sa salamin. Kailangan kong magmukhang presentable lalo pa't makakasama ko ang aking ultimate crush na si Akihiro. I walked happily towards the door, I was wearing the sweetest smile on my face knowing that I would be with Akihiro my love . "Ayiiehh.." kinikilig-kilig ako habang pababa ng hagdan. I'm singing my favorite song while walking down the stairs. 🎵 🎵 🎵 When I think back on these time's And the dreams we left behind I'll be glad 'cause I was blessed to get to have you in my life ... When I look back on these days I look and see your face You were right there for me, In my dreams, I'll always see you soar above the sky, In my heart, there'll always be a place for you for all my life, I'll keep a part of you with me, And everywhere I am there you'll be... 🎵 🎵 🎵 "And everywhere I am there you'll be," gulat na gulat ako ng marinig ko ang boses na iyon na sumabay pa sa akin sa pagkanta. Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa hagdanan ng makita ko ang isang bulto na prenteng nakaupo sa sofa. Nakade- kwatro ang loko, habang todo kung makangiti ito sa akin. "Achilles?!" kunot-noong sabi ko ng maabutan ko ito sa sala. Tumayo ito saka niya ako sinalubong sa pagbaba. Aminin ko man o hindi, magaling talagang kumanta si Achilles. Nasa lahi na ng mga Cervantes ang pagiging isang magaling na mang-aawit. "You have the angelic voice my Daneen— kaya lalo akong nai-inlove sa'yo." bungad pa nito sa akin. I rolled my eyes on him. "You looked so beautiful my sunshine," sabi nito saka hinawakan ako sa kanang kamay ko at dinala iyon sa kanyang mga labi. Dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad. "Yuck! Pwede ba Achilles not now?" sabay hablot ko sa aking kanang kamay na hawak niya. Ang aga-aga nandito na naman siya para bwisitin ako. Ang ganda ng gising ko, ang ganda ng bungad sa akin ng umaga— ngunit ang makita ang mayabang na Achilles na ito sira na kaagad ang araw ko. "Ano na naman ba ang ginagawa mo dito? Kung nagpunta ka dito para asarin ako— please huwag mo ng ituloy at umalis kana!" galit na bulyaw ko pa sa kanya. Pero imbes na makinig, lalo nitong inilapit ang kanyang katawan sa akin. Iyong sobrang dikit na dikit na namin sa isa't -isa at 'yong tipong naririnig na namin ang t***k ng puso ng bawat isa. "My goodness Achilles, lumayo layo ka nga sa akin. Ewww.. Hindi kana ba nahihiya sa mga pinaggagagawa mo? Mahiya ka naman sa sarili mo," naiinis na wika ko. Hindi ko malaman kung saan niya nakukuha ang kakapalan ng kanyang pagmumukha. "Tito called me, kailangan mo daw ng makakasama. That's why I'm here," prenteng sagot nito. "No! Stay away Achilles — I don't need you, I have my own driver at lalong hindi ko kailangan ng bodyguard." 'yong tipong sasabog na ang dibdib ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya. "I will not let you go out alone. Si Tito mismo ang nagsabi na samahan kita. Kaya sa ayaw at sa gusto mo makakasama mo at makikita mo ang gwapong mukha na ito," nakangiti at proud pa niyang sabi. "Ang kapal!" dahil sa inis pabagsak akong naupo sa sofa. Parang ayaw ko ng lumabas— nawalan na ako ng gana. Sino ba naman ang masisiyahan kung makita mo ang taong halos araw-araw ay wala ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. "Are you just going to sit there? Come on— I will be your driver bodyguard for today. So you can be with me wether you like it or not. You have no choice my sunshine, let's go." he said boldly. I was sitting with my arms crossed. I don't want to go out with this arrogant young man. "Ayaw ko, umalis ka'ng mag-isa mo!" nakasimangot kong sabi, talagang ayaw ko siyang makasama. At hindi maaatim ng sikmura kong makasama ang mayabang na Achilles na ito. "You have no choice my Daneen. Just accept the fact that a handsome man like me, is ready to enslave you. Just be thankful because I am ready to give you everything. My heart and my soul— my life and even this yummy body of mine," sabay kindat nito sa akin. "Ahahah .. Ang yabang , bwisit! " Lihim akong natatawa dahil sa kayabangan nito. Sobrang bilib nito sa kanyang sarili — ngunit ni isang balahibo sa katawan ko hindi tumatayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD