DANEEN'S POV:
"If you don't want to get up, I'll just pick you up to take you to the car." sabay sabi nito habang nakaupo ako. Hindi ako kumikibo, nagbingi-bingihan ako.
Sino ang tinakot niya? At sino siya para diktahan ako sa kung anong gagawin ko?
Hanggang sa—
"Awww.. Achilles ano ba," naiinis kong sabi ng bigla na lang niya akong buhatin at isinampa sa kanyang balikat na tila isang sako lang ng bigas.
Pilit akong nagpupumiglas, pinagsusuntok ko ang likuran nito habang sumisigaw ako.
"Ibaba mo nga ako! Achilles ano ba, tigilan mo na ang pambu- bwisit sa akin!" galit na galit na wika ko. Sira na nga ang araw ko, sira na pati ang hitsura ko.
Nag-effort pa naman akong magpaganda para kay Akihiro pero heto si Achilles sinira na ang lahat.
"Stop it, kapag hindi ka pa tumigil makakatikim kana talaga sa akin," sabay palo nito sa aking pwetan habang patuloy akong nagpupumiglas.
"Bastos! Kahit kailan bastos ka Achilles, huwag mong hawakan 'yan bastos!" nagngingitngit kong sabi. Nakakapanginig ng laman ang pinaggagagawa sa akin ng mayabang na ito.
"Ahahaha, ang laki pala pwet mo?" sabay tawa pa nito na lalong nagpadagdag sa inis ko sa kanya.
Maiiyak na ako, feeling ko nababastos na ang pagkatao ko dahil sa ginagawa sa akin ni Achilles.
Umikot siya papunta sa may sasakyan habang buhat-buhat parin niya ako. Binuksan niya ang passenger seat saka niya ako ipinasok sa loob.
Gulong-gulo na ang hitsura ko— hindi ako umiimik pero naluluha na ako.
"Hush my sunshine— you don't have to cry," sabay punas nito sa aking mukha gamit ang kanyang panyo. Nakaupo ako sa passengers seat habang hindi pa ito umaalis sa aking harapan.
"I'm just keeping you from any harm. You are like an egg that needs to be guarded. I love you that much my Daneen." masuyong sambit nito habang masuyo niyang hinaplos ang aking mukha.
"Kung talagang mahal mo ako, lalayuan mo ako. Hindi kita gusto, at kahit kailan hindi kita magugustuhan." mahinang sambit ko, sabay hugot ko ng isang malalim na hininga.
Nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha, he smiled bitterly as he walked through the driver's side.
Upon entering the car I heard him sighed.
"Hindi kaba napapagod na ginagawa mo sa akin Achilles?" seryosong tanong ko sa kanya.
"At bakit ako mapapagod?" walang kabuhay- buhay niyang sagot.
"If you really love me, then set me free. Let me do what I want. Achilles, I don't love you— nor will I ever love you." masakit, alam kong masakit ang mga sinasabi ko pero wala akong magagawa dahil iyon ang totoo.
"Even if you pushed me away again and again — I will not give up. I know the time will come, when you will learn to love me too." kahit anong gawin kong pagtataboy sa kanya para layuan ako— ganoon din siya kapursigido para ipakita sa akin na mahal niya ako.
I don't want to hurt him, and I don't want to give him hope for something that will never gonna be happen.
"Achilles why me? There's a lot of women out there tripping over you, bakit hindi mo subukang tumingin sa iba? You're too much focusing on me." mahinahon kong sabi. Kailangan kong maging kalmado sa pakikipag-usap sa kanya, baka sakaling makuha ko pa siya sa mabuting usapan.
I heard the grinding of his teeth, I know he was hurt by everything I said.
"Don't get mad of me Achilles, I'm just telling the truth. I know it really hurts, but I don't really love you— I'm sorry," nakayukong sabi ko, hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig ko ngayon pero iyon ang totoo. Iyon ang nilalaman ng puso ko.
Until I heard him speak badly —
"Dam it!" as he hit the steering wheel of the car. I was so surprised for what he did.
"And who do you want Daneen?" galit na tanong nito sa akin, napapitlag ako dahil sa pagtaas ng boses nito.
"Sagutin mo ako— who do you want? That jerk, that Akihiro?" nakita ko ang pag-igting ng kanyang mga panga habang sinasambit ang katagang iyon.
"I'm sorry, " tanging nasambit ko. Hindi na siya sumagot pa, bagkus ay binuhay ang makina ng sasakyan saka mabilis itong pinaharurot paalis ng aming bahay.
Mabilis ang pagpapatakbong ginawa nito, halos paliparin na niya ang sasakyan dahil sa matinding galit niya sa akin.
"Achilles ano ba, mababangga tayo!" sigaw ko pa dito ngunit tila wala siyang naririnig. Sinubukan ko itong awatin, gusto kong kabigin ang manibela ng sasakyan ngunit ayaw nitong magpaawat.
"Achilles ano ba! Kung gusto mong magpakamatay— magpakamatay kang mag-isa mo, huwag mo akong idadamay!" galit na bulyaw ko dito.
"I'd rather die now, because I know I'm with you. If I can't have you— it would be better for us to die now." walang kagatol-gatol na tinuran nito. Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa sobrang takot ko sa mga sinabi nito.
"Baliw ka na— matakot ka naman sa mga sinasabi mo Achilles. Parang awa mo na, itigil mo na ang sasakyan dahil ayaw ko pang mamatay. We're still young Achilles, at tulad mo madami pa akong pangarap sa buhay." nakikiusap kong sabi. Todo kapit ako sa aking upuan, pagewang- gewang na ang sasakyan, at diko na malaman kung saang direksyon ang aming pupuntahan.
"Mahal kita Daneen, wala akong ibang ninanais kundi ang mahalin mo rin ako. At kung ito lang ang paraan para makasama lang kita, mas gugustuhin ko ng mamatay ngayon kasama ka." nahihintakutan na talaga ako sa mga pinagsasasabi ni Achilles.
"Diyos ko ayaw ko pang mamatay. Ikaw na ang bahala sa amin. Enlighten his mind oh, Lord please,"
Taimtim akong nagdarasal, nag-uumpisa nang pumatak ang aking mga luha. Alam kong pansin niya iyon dahil nakita ko pang lumingon ito sa akin habang umiiyak ako.
Kasabay ng paglangitngit ng gulong ng sinasakyan naming kotse ang malakas na tunog na pumukaw sa akin habang ako'y nakapikit.
"Ito na ba ang katapusan namin? Diyos ko, patawarin mo po ako sa lahat ng kasalan ko. Kasalanan ko sa kapwa ko at higit sa lahat kasalanan ko sayo."
Taimtim akong nagdarasal. Kung ito man ang nakatakdang mangyari— kung talagang hanggang dito na lang ang buhay ko, gusto kong humingi ng tawad sa Diyos sa huling pagkakataon.
Nagmulat ako ng aking mga mata— nasa bahagi na kami ng daan kung saan puro bundok ang tanging matatanaw at mga nagtataasang mga bangin ang tanging makikita.
"Achilles no, tumigil kana!" umiiyak na ako dahil sa sobrang takot ko.
Tinapunan niya ako ng masamang tingin. Mga mata nitong nanlilisik— mga mata nitong namumula na dahil sa matinding galit.
He was like an angry lion roaring with rage. He seems like a threatening rolling thunder because of anger.
"If you can't love me here on earth— maybe in the next life you will learn to love me." mariing sabi nito. Alam kong hindi siya nagbibiro, nakakatakot na siya.
Hindi na siya ang Achilles na kilala ko— knowing Achilles, mabait, masunurin, magalang sa mga magulang at higit sa lahat may busilak siyang puso kagaya ng kanyang mga magulang.
He has everything, he is handsome, he is rich. And his family is well known in society. But even though he has everything, I can't love him. I don't even understand my self why, I don't like him. There is no spark. I can't feel a thrill like what I feel for Akihiro.
Kita ko ang matinding galit sa kanyang mukha. Hindi niya matanggap ang katotohan na hindi ko siya gusto, at hindi ko siya magugustuhan kahit na kailan.
"Achilles please, makinig ka sa akin parang-awa mo na." sinubukan kong kalmahin ang aking sarili. Hindi ako dapat magpadaig sa aking takot. Susubukan kong muli baka sakaling pakinggan niya ako.
"I won't change my mind— I love you Daneen, and we will be together until death." after saying those words, I heard a familiar sound's it was as if a loud explosion. It's too late. I want to scream but I can't, nothing comes out of my mouth.
The car we we're riding crashed, and hit into a big tree.
That was the last thing I remember before my vision went dark— before I passed out.