DANEEN'S POV:
ONE day I woke up in an unfamiliar place. I looked around , almost everything I could see was white.
"Am I in heaven?"
I closed my eyes, as my tear's fell down. Pilit kong inaalala ang mga nangyari. It was like a video that all played back in my mind.
Achilles was with me in the car. We're arguing — he couldn't accept the fact that I could never love him.
Mabilis ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. Nagpagewang-gewang kami hanggang sa bumangga kami sa isang malaking puno.
Nahintakutan ako sa imaheng iyon na biglang nagflashed sa aking isipan.
"Patay naba ako? No! Ayaw ko pang mamatay, hindi pwede!" umiiyak kong sabi habang hawak ko ang aking ulo. Pero ang isiping iyon ay biglang naglaho ng maramdaman kong may kung anong nakakabit sa ulo ko.
Kinapa kong muli iyon. Tama ba, may benda sa ulo ko? Hinawakan ko itong muli at hindi nga ako nagkakamali, may benda nga sa ulo ko. Tiningnan ko ang aking mga kamay, may nakakabit na kung anong aparato dito.
"Ano ito?" mataman ko itong tinitigan— an IV fluid? Suero nga!
Kung ganoon hindi pa ako patay— at nasa hospital lang ako?
"Diyos ko salamat po at hindi niyo po ako hinayaang mapahamak. Buhay parin ako,"
Bigla kong naalala si Achilles , napayukom ako ng aking kamao. Kasalanan niya ang lahat ng ito, kasalanan niya kung bakit nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ko.
Galit ako sa kanya. Galit na galit ako sa kanya at hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niyang ito.
Napalingon ako sa pintuan ng biglang bumukas iyon. Si Mama Alexa ang pumasok kasama nito si Mommy Gabby.
"Gising kana pala anak," wika nito kaagad sa akin.
"Oh— kumusta na ang pakiramdam mo anak?" tanong ni Mommy Gabby pagkalapit nito sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko saka ginawaran ako ng halik sa aking noo.
Kahit anong galit ko kay Achilles— parang biglang naglaho ang lahat ng makita ko si Mommy Gab.
"Kumusta po si Achilles?" wala sa sariling tanong ko. Wala sa plano kong tanungin iyon pero kusang lumabas na lamang iyon mula sa aking bibig.
"He's fine anak, sobrang nagsisisi siya sa nagawa niya sa'yo. Anak patawarin mo si Achilles," hinging paumanhin ni Mommy Gabby sa akin.
At dito— naikwento nila ang lahat sa akin. Dalawang araw pala akong nakatulog. Mabuti na lang daw at may nakakita sa amin— nailabas kaagad nila kami ni Achilles bago sumabog ang kotseng sinasakyan namin.
I'm still very lucky, that God gave me a second life. All I thought it was the end for me that day.
"Sabi ko naman sa'yo huwag kang masyadong maglalalabas diba? Alam mo bang lapitin talaga sa disgrasya ang mga taong malapit na'ng mag- birthday?" segunda naman ni Mama Alexa sa akin.
Mama Alexa is my second mother. Daddy remarried, because he thinks that I also need a Mother to guide me. But they were not blessed with children, kaya ako lang ang tangi at nag-iisang anak nila.
"Alam mo Alexa, ikaw itong lumaki ng States pero naniniwala ka sa mga ganyang pamahiin. Lumang paniniwala na yan Alexa," nakangiting bigkas ni Mommy Gab.
Nanatili pa ako ng hospital ng dalawang araw. At mula paggising ko hindi ko pa nakikita ang mukha ng Achilles na iyon, na siyang labis kong ipinagpapasalamat.
Siguro natauhan na siya, siguro nakapag isip-isip na siya na hindi pwedeng ipilit ang gusto niya.
* * *
Dumaan pa ang dalawang araw— sa wakas nakalabas narin ako ng hospital. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi malala ang nangyari sa akin. Sa ilang araw ko sa hospital, hindi na talaga nagpakita sa akin si Achilles at umaasa talaga ako na titigilan na niya ang pangungulit niya sa akin.
Malapit narin ang birthday ko, ilang araw na lang ang bibilanginan. Tuluyan naring naghilom ang mga tinamo kong sugat dahil sa nangyaring aksidente sa amin.
* * *
Araw ng lunes— papasok na ako ng school. Sobrang excited ko dahil may isang tao akong gustong- gusto ko ng makita.
Nasa tapat na ako ng gate, bumaba na ako ng kotse saka ako nagpaalam kay Mama Alexa na siyang naghatid sa akin.
"Anak— I'll pick you up later, wait for me." Mama Alexa said before she left. Kumaway pa ako sa kanya bago siya tuluyang nakaalis.
"Kumusta kana Daneen?" biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Napapikit ako at napakagat ng ibabang labi ko.
"Sheesh.." kinikilig ako habang dahan-dahan akong lumingon para harapin ang may-ari ng boses na iyon.
It was Akihiro, at sobrang namiss ko ang taong ito.
"Ahm— Akihiro," todo ang ngiti nito sa akin habang may hawak itong bouquet of flowers. He really knows my favorite. Apart from tulips, sunflowers are my favorite.
"For you Daneen," sabay abot nito sa akin.
"Thank you," kinuha ko iyon at kinuha din niya ang bag na hawak ko saka kami sabay na naglakad papasok sa loob ng campus.
Masaya kaming nag-uusap ni Akihiro, ng bigla na lang may lumitaw sa aming daraanan. Madilim ang mukha nito, salubong ang kilay nito habang titig na titig sa aming dalawa ni Akihiro.
"And what do you think you're doing?" napangiwi ako— akala ko talaga iiwasan na niya ako pero nagkamali pala ako.
Base sa hitsura nito, galit na naman ito. He seems like a dragon that is about to spew fire at any moment. Kulang na lang lumabas ang usok sa ilong nito.
"At ikaw, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Umalis ka sa daraanan namin, Akihiro let's go." lakas loob na sabi ko, akala niya siguro nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin. Ang lakas ng loob niyang magalit samantalang siya na nga itong may nagawang kasalanan sa akin.
"You're not going with him," sabay hawak nito sa kamay ko ng mahigpit. Nahulog pati ang hawak kong bulaklak, at pati ang bag ko na hawak ni Akihiro ay nahulog narin. Tinaasan ko siya ng kilay,
"Sasama ako kahit kanino ko gusto, hindi kita kaanu-ano para pakinggan ko. Kaya pwede ba Achilles Cervantes umalis kana at lubayan mo na ako?!" matapang na birada ko dito.
"Pare excuse me ah, Daneen is with me." sabay hawak din ni Akihiro sa kabilang kamay ko. Hinila niya ako, at hinila din ako ni Achilles.
"Huwag mo siyang pilitin pare, ayaw ka nga niyang makasama diba?" panggigiit pa ni Akihiro dito.
"At sa tingin mo ba papayag akong magsama kayong dalawa?" tiim bagang na sabi nito.
"Tama na pwede?" nasasaktan na talaga ako. Feeling ko matatanggalan na ako ng dalawang braso dahil sa tindi ng pagkakahila nila sa akin. Huminga ako ng malalim, ngayon lang ako muling nakapasok sa school ito pa ang bubungad sa akin?
Wala na ba akong katahimikan? Wala na ba akong kalayaan na pumili ng taong makakasama ko?
"Do you think I've forgotten everything you did Achilles? Akala ko ba malinaw na sa atin ang lahat?" nagreregodon ang kaba sa aking dibdib.
"Baka nakakalimutan mo na handa akong mamatay makasama lang kita. You are mine Daneen, sa akin ka lang at hindi sa lalakeng ito." nag-ingting ang kanyang mga panga habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Wala kang karapatan na turuan ang puso ko. Wake up Achilles, because I will never ever like you nor love you! Always remember that— now stay away from us!" nag-uunahan ang pagtaas baba ng aking dibdib dahil sa sobrang galit ko sa kanya at sobrang pagpapahiya nito sa amin.
Lahat ng atensyon ng estudyante at mga guro ay nakatuon na sa amin. Nakita kong tumayo ito ng tuwid, taas ang noo nitong tumingin kay Akihiro. At ganoon din si Akihiro sa kanya.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya naman kaagad na akong pumagitna sa mga ito.
"Achilles ano ba? Hindi mo naba ako patatahimikin? Sumosobra kana eh, tumigil kana parang-awa mo na." naiiyak kong sabi. Pansin siguro niya ang mga luha na kusang lumandas sa aking pisngi. Huminga siya ng malalim saka unti-unting umatras. Walang anu-anoy umalis ito ng walang imik.
"I'm sorry Akihiro, pati ikaw nadadamay na dahil sa taong iyon." sabi ko sabay punas sa aking pisngi.
"It's okay Daneen, handa akong ipaglaban ka. Hindi ako natatakot sa Cervantes na iyon, tama na." he said as he picked up my bag and the bouquet of flowers that fell down.
"Itapon na natin ito, ibibili na lang kita ng bago." nakatawang sambit ni Akihiro sa akin sa hawak nitong mga bulaklak.
"No— pwede pa ito, ok lang hindi naman nalagas yung mga petals eh. Ilalagay ko ito sa vase pag-uwi ko." sagot ko naman dito, sayang din kung itatapon lang niya. Nagkatinginan kami saka kami nagkatawanan.
Is it really this happy when you are with the person whom you really admired the most? Everything gets lighter, everything gets better.
I don't just feel an admiration for Akihiro now. I think I love him. Is this what they called love? Am I really inlove? That's not unlikely because Akihiro is nice, and he has the qualities I want in a man.