ACHILLES POV : I endured not seeing Daneen for several days. That is what Daddy and Mama want me to do. Kahit sa hospital nagpigil ako na huwag puntahan ito, palagi akong pinipigilan ng aking mga magulang. Even though I really wanted to see Daneen, I persevered because I knew what I have done was really wrong. Pero sadyang matigas ang ulo ko, gusto ko parin itong makita kahit pinagbawalan na nila ako. Palihim ko itong pinupuntahan sa kanyang kwarto. Kapag wala akong bantay sa hospital, patago akong pumupuslit makita lamang ang babaeng pinakamamahal ko. Mula pagkabata malaki na ang paghanga ko sa kanya. At habang lumalaki kami, hindi na lang basta paghanga ang aking nararamdaman para kay Daneen— kundi gusto ko na siya. Mahal ko na siya, at siya lang ang gusto kong babae wala ng iba. *

