"Bakit niyo nagawa sa amin ito mga anak?" humahagulgol na wika ni Gabby sa kanilang dalawa. Mag-asawang sampal ang muling dumapo sa pisngi ni Achilles. Malakas iyon—napahawak siya ng kanyang pisngi. Tila namamanhid na ang mukha nito dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ng Ina. "Your just eighteen Daneen—Achilles ano ba anak?" patuloy parin ang paghihisterikal ni Gabriella. Walang patid ang pagtulo ng mga luha ni Daneen. Hindi niya malaman kung ano'ng isasagot dahil wala talaga siyang matandaan sa mga nangyari. Ang tanging naaalala niya, eighteenth birthday niya kagabi. Nagkakasiyahan ang lahat, maraming bisita at isa na doon si Akihiro na ngayon ay kasintahan na niya. Napatutop siya ng kanyang bibig ng maalala niyang may boyfriend na siya. Lalo siyang napahagulgol dahil sa isiping

