KINAUMAGAHAN nagkakagulo ang lahat ng makita nilang wala si Daneen sa kanyang kwarto. Pati ang kanyang mga kaibigan na sina Ruby at Macey na natulog sa isa sa kanilang mga guest rooms, hindi din nila alam kung nasaan si Daneen. "Tita—Tito, kasama po niya si Akihiro kagabi," wika naman ni Macey. "Hindi kaya nagtanan ang dalawa honey?" naghihisterikal na sabi ni Alexa kay Brandon. "No! Daneen won't do that, kilala ko ang anak ko—hindi niya iyon gagawin." umiiling iling na sabi ni Mayor Brandon. "Kung ganoon nasaan ang anak natin? My God Daneen—nasaan kaba?" nag-aalalang sambit ni Alexa. "Lahat ba ng kwarto dito sa bahay pinuntahan niyo na?" tanong muli ni Brandon sa kanila. "Yes honey— lahat ng kwarto dito sa itaas napuntahan na namin. Except the room's downstairs," ang tinutukoy ni A

