PAGSAPIT ng gabi— masayang pinagmamasdan ni Achilles ang pamilya ni Mang Banoy habang hindi magkamayaw ang tatlo nilang mga anak na maghalungkat sa kanilang mga pinamili. Tuwang-tuwa ang mga ito ng makita nila ang iba't-ibang klase ng mga de-latang pagkain. May mga biscuits din, noodles at marami pang iba na kailangan nila sa kusina. Umuwi si Mang Banoy kanina na may hawak na sobre ng pera at kaagad nitong ipinakita sa kanya. Ayon sa Ginoo ibinigay daw iyon ni Daneen bilang pasasalamat sa kanilang mga trabahante sa Resort bago nito nilisan ang isla. "Salamat naman at kahit papaano may nagawa kang kabutihan sa kapwa mo," bulong ng kanyang isip. Napalunok siya sa isiping iyon kasabay ng pagsilay ng mapait na ngiti sa kanyang mga labi. "Ang bait talaga ni Ma'am Daneen hindi ba? Biruin ni

