NANATILI pa siyang umiiyak habang yakap nito ang kanyang sarili sa loob ng sasakyan. "Mommy please, payakap po ako ng mahigpit.' muli ay wika niya habang patuloy siya sa pag-iyak. Awang-awa naman si Macey na makitang umiiyak ang kaibigan. Ginagap ang kamay nito saka niya ito niyakap ng mahigpit. "Tama na, nandito lang ako Daneen hindi ka nag-iisa." nag-angat siya ng kanyang luhaang mukha. "Salamat Macey, kung wala kayo ni Francis hindi ko na talaga alam kung ano'ng mangyayari sa akin." sabi nito sabay punas nito sa kanyang luhaang mukha. Muli siyang tumingin sa paligid. Nasa harapan na siya ng kanilang bahay, pero ang ipinagtataka ka niya bakit wala siyang makitang mga tao sa paligid. Usually kapag birthday ng Daddy niya, maraming tao. Bilang Ama ng kanilang bayan lahat ay imbitado

