HABANG sila ay nasa himpapawid—samut saring emosyon ang kanyang nadarama. Nandoon na ang takot at kaba sa kanyang dibdib na kanina pa niya pilit na nilalabanan. Mula sa himpapawid tanaw na tanaw na niya ang matayog na gusaling iyon na pagmamay-ari ng mga Cervantes. "Dito ba tayo bababa Francis?" naguguluhang tanong niya kay Francis na noon ay nakaupo sa harapan katabi ng piloto. Sa pagkakaalam niya—somewhere na may open grounds sila bababa, hindi niya ito inaasahan. Dahil sa isiping iyon bigla siyang nahintakutan. Paano na lang kung makita siya ng mga Cervantes? Hindi kaya masyado pang maaga para makita nila ito? Ang gusto sana niya ang Daddy niya at Mama Alexa niya muna ang unang makakakita sa kanya. "Don't worry Daneen, I prepared for this day." naguguluhan na siya sa kung anong gust

