SA apat na sulok ng silid na iyon— walang ibang maririnig kundi ang panaghoy at pagtangis ng dalawang Inang labis na nasasaktan para sa kanilang anak. Si Achilles na patuloy sa pag-iyak habang kayakap nina Khiara at Gabriella. "s**t! I can't take this anymore, bullshit!" napapasuntok sa pader sina Fin at Fox. Hindi nila makayang makita ang Ina at kapatid sa ganoong ayos. "Go and find for Daneen!" sigaw ni Brandon sa kanyang mga tauhan. Napapahilamos siya ng kanyang mukha, labis na kahihiyan ang kanyang nadarama dahil sa ginawa ng kanyang anak. "Mommy —Mama I can't afford to lose Daneen." wika ni Achilles habang umiiyak. Sina Kent at Kurt na labis din ang pagkadismaya dahil sa mga nangyari. "Mom, Dad, look at this one." sabi ni Akira ng makita nito ang isang sulat na nakapatong sa isa

