SHE only feels at that time, she was like a bird flying freely. Over the ocean and under the clouds. Ang saya—ang sarap sa pakiramdam. Magaan ang lahat na tila walang problema. "I love you my future wife, I love you my queen." Achilles shouted again. Doon nanumbalik sa kanya ang reyalidad. Hindi siya ibon na malayang lumilipad kundi isang ibon na nakakulong parin sa isang hawla. At ang hawla na iyon ay si Achilles, at ang kasalang magaganap sa kanilang dalawa. Hindi na siya nagprotesta pa at hinayaan na lang niya ang binata habang nakayakap ito sa kanya. * * * PAGKARATING nila ng Isla—masaya silang sinalubong ng mga staff ng Achilles Paradise. Kumpleto ang buong angkan ng mga Cervantes. Nandito rin ang mga Lolo at Lola ni Achilles na sina Dylan at Lara, mga Tita at Tito ni Achill

