Chapter Eight

2135 Words
"NAKU kung alam ko lang na nandoon ang babaeng bahaw na 'yon. Sinamahan na sana kita. Eh di na-jombag ko ang dalahirang 'yon!" nanggigigil na sabi ni Panyang. Matapos siyang komprontahin ni Laurie sa lobby ng building na pag-aari ni Dingdong. Hindi nga siya iniwanan nito. Sinamahan pa siya nitong mamili ng mga paninda niya para sa boutique. Noong una ay ayaw na nga niyang magpasama dito dahil may trabaho rin naman ito. Pero nagpumilit pa rin ito. Ayon dito at pati na rin sa ibang Tanangco Boys na nakakakilala kay Laurie. Malakas daw talaga ang kabaliwan ng babaeng 'yon. Lalo na't ginusto nito ang isang lalaki. Pagkatapos mamili ay umuwi sila. Naikuwento niya sa mga kaibigan ang nangyari. Kaya nga heto ang isang maliit na babae at galit na galit. "Hay naku, pabayaan mo na." saway niya sa kaibigan. "Anong hayaan? Hindi puwedeng hayaan ko 'yon! Ininsulto ka, best." Sabi nito. "Best, relax. Nagtanda na 'yon. Pinalayas nga ng pinsan mo." "Basta, sabihin mo lang kapag inaway ka ulit n'on." Ani ni Olay. "At nang maresbakan. Kakalbuhin ko talaga ang mahaderang 'yon." "Oo na po. Salamat sa concern." Mayamaya ay dumating si Madi galing sa loob ng kitchen. Dala nito ang isang Iced coffee para sa kanya, apple juice para kay Panyang at orange juice naman kay Olay. "Eto na po ang pampalamig. Para sa mga ulong malapit nang magliyab." Naroon sila ngayon sa Rio's at nagre-relax. Kahit na pilit niyang nililibang ang sarili kasama ang mga kaibigan. Hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang banta ni Laurie. Natatakot siya sa kung anong maaaring gawin nito. Mahal na mahal niya si Dingdong at hindi niya kakayanin na mawala pa itong muli. "Babe, are you okay?" Napakurap siya. Bumungad sa harap niya ang mukha ng nobyo. "Ha? Ah... yeah, I'm fine." Sagot niya. "Are you still thinking about what happened this morning?" nag-aalalang tanong nito. "No. No. Hindi naman. Napagod lang siguro ako sa pamimili." Pagdadahilan niya. "Are you sure?" paninigurado nito. "Yes." "Ang mas mabuti pa, magpahinga ka na." anito. "Mamaya na. Dito na muna tayo." Aniya. "Kung gusto mo ng umuwi. Just let me know. Para maihatid na kita." Tumango siya saka ngumiti. Pilit niyang ikinubli ang takot na nararamdaman. Hinamig niya ang sarili. Bakit ba naman kasi siya nagpapadala sa mga pananakot at banta ng Laurie na 'yon? Hindi dapat siya magpa-apekto dito. Hindi na dapat siya panghinaan ng loob. Kagaya ng ginawa niya kanina. Lumaban siya. At lalaban siya kapag may humadlang sa pag-iibigan nila. ISA-ISA silang tumitingin sa mga designs na nasa wedding catalogue. Naroon silang mga babae sa mansiyon ni Don Manuel Santos. Kinakailangan kasing kuhanin ang sukat ng mga katawan nila para sa pagpapatahi ng mga isusuot nila sa nalalapit na kasal ni Panyang. Si Janet Lee, isang sikat na fashion designer ang napili ng kaibigan niya na mag-disenyo ng wedding gown nito. At dahil sila ay mga dakilang abay sa kasal. Kaya naroon din sila. "Mabuti pa ang aking si Pamela ay lalagay na sa tahimik. Si Archie kaya?" anang Lolo nito. "Charease, hindi pa ba ninyo napapag-usapan ang pagpapakasal?" baling nito sa kanya. "HO? Hindi pa po eh." Sagot niya. Lihim siyang napangiti nang maalala niya ang nakita niyang diamond ring sa drawer ng opisina ni Dingdong. Bakit nga kaya hindi pa rin nito ibinibigay iyon? "Hayaan n'yo na muna ang dalawang 'yan, Lo. Ako muna ang lalagay sa tahimik." Singit ni Panyang. "Sus! Lalagay sa tahimik? Ikaw lalagay ka sa tahimik. Si Roy ang hindi matatahimik kapag kasal na kayo. Naku, eh, siguradong makukunsume iyon sa kakulitan mong bata ka." Anang Lolo nito. Natawa sila. May pinagmanahan nga ang mag-pinsan. Makulit din pala ang abuelo ng dalawa. Napalingon sila ng bumaba mula grand staircase ng mansion ang nobyo niya. Agad siya nitong nilapitan saka kinintalan ng halik sa pisngi. "Good Morning," bati nito. "Good Morning," usal niya. Dahil Linggo, wala itong pasok sa opisina. Pero mukhang may pasok naman ito sa basketball court. Dahil nakasuot ito ng jersey at naka-rubber shoes din ito. "Kanina ka pa dito?" tanong nito. "Hindi naman." Usal niya. "Samahan mo ako sa kitchen." Anito. Pagkatapos ay hinila siya papunta sa kusina. "By the way babe, I'm leaving tomorrow afternoon." "Saan ka naman pupunta?" tanong niya. "Singapore. Launching ng bagong model ng cellphone doon. My presence is really important." Sagot nito. Nakaramdam siya ng lungkot. Simula ng magkabalikan sila ay ngayon lang ulit sila malalayo sa isa't isa. Nahalata yata nito na nalungkot siya. Humarap ito sa kanya at bahagyang itinaas ng isang daliri nito ang mukha niya. "Hey, huwag kang malungkot. Three days lang ako doon." "Matagal pa rin 'yon." Mahinang sabi niya. "I'll call you from time to time. Para ano pa't naging cellphone ang negosyo ko kung hindi rin lang kita matatawagan." "Okay. Sabi mo eh." Aniya. "Don't be sad. I'll be back as soon as matapos ang launching. And magli-leave of absence ako for one week after the launching." "Really?" "Yeah. Masyado akong naging busy. And gusto kong mag-bakasyon kahit paano kasama ka." Yumakap siya dito. Masayang-masaya siya sa balitang iyon. At ngayon pa lang ay excited na siya. Na-miss na niya ang pagbabakasyon nilang dalawa. "Basta, mag-iingat ka doon, ha?" bilin niya dito. "I will. Promise." Aniya. "ONE THOUSAND ONE, One thousand two..." bilang ni Madi. Hindi niya iniintindi iyon. Miss na miss na niya si Dingdong. Ikalawang araw nang nasa Singapore ito. At tanghali na'y hindi pa rin ito tumatawag sa kanya. Kahapon ay umaga pa lang ay tumawag na ito. Halos tatlumpong minuto din silang nag-usap. Maging sa tanghali at sa gabi bago matulog ay tumatawag ito. Kaya hindi niya maiwasan ang mag-alala. Kanina pa ngang umaga ay bigla siyang kinabahan. Agad siyang nag-text sa nobyo. Pero hindi rin sumagot ito sa text niya. Hanggang sa mga oras na iyon. At para malibang kahit paano ay pumunta siya sa bahay ni Olay at tumulong sa paggagawa ng mga souvenir items para sa kasal ni Panyang. "Hay naku naman...second day na niya 'to. Bukas uuwi na rin 'yon. Kaya huwag ka nang malungkot diyan." Ani Allie. "Oo, nami-miss ko nga siya. Kaso lang, hindi talaga ako mapakali. Parang gusto kong kabahan. Hindi ko nga maintindihan eh." "Hay naku 'day. Masama na 'yan. Baka sa mental ka na pulutin. Huwag ka nang makisiksik doon at hindi na kasya. Marami ng pasyente doon." Ani Panyang. "Kaya nga tingnan mo, nag-outpatient siya. Paano ayaw na siyang tanggapin doon, hindi na daw kaya ng doctor doon ang tama nito sa utak. Himala na yata ang kailangan nitong kaibigan mo." Dugtong ni Olay. Naghagalpakan ng tawa ang mga kasama niya. Samantalang siya, hindi talaga makuhang tumawa. Hindi talaga siya mapapakali hangga't hindi niya nakakausap ang nobyo at nasisigurong nasa maayos itong kalagayan. "Girl, mag-relax ka nga. I'm sure he's fine. Baka busy lang 'yon kaya hindi nakatawag kanina." Pag-aalo sa kanya ni Allie. "Oo nga. Hintayin mo lang. Tatawag sa'yo 'yon. Hindi makakatiis si pinsan." Dagdag pa ni Panyang. Ilang saglit nga ay nag-ring ang phone niya. Agad siyang napangiti nang makitang si Dingdong ang tumatawag. "See? I told you." Sinagot niya agad 'yon. "Hello," bungad niya. "Hi Babe, how are you?" tanong agad nito. "I'm okay. How about you?" "I'm... ah... I'm okay." Nagkandautal na sagot nito. Napakunot-noo siya. Tila ba may kakaiba dito ngayon. "Bakit hindi ka tumawag kaninang umaga? I'm so worried about you." aniya. "I'm... busy. Pasensiya ka na." "It's okay." "Babe," usal nito. "Yes?" Hindi ito agad sumagot. Isang mahabang katahimikan ang naghari sa kabilang linya. Panay buntong-hininga ang naririnig niya. Ramdam ni Charease ang pagka-balisa nito. Alam niyang may nangyayaring hindi maganda dito. "Babe, hello... are you still there?" nag-aalalang tanong niya. "Ha? Ah... yeah... yes." Kandautal na naman na sagot nito. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa parang balisa?" "Yes. Actually, I'm not okay. Masama ang pakiramdam ko. Umaatake ang migraine ko." Bigla ay umahon ang labis na pag-aalala sa kanya. Kaya siguro hindi siya mapakali kanina pa. "Umuwi ka na lang kaya." Sagot niya. Kung bakit ba naman kasi kung kailan malayo ito saka naman ito sinamaan ng pakiramdam. "I can't. May isa pang conference mamaya eh." Anito. "Don't worry, I'll be fine. Uminom na ako ng gamot." "Are you sure?" "Yes. I have to go. Mag-uumpisa na ang meeting ko." Anito. Hindi na nito hinintay pang makapagsalita siya. Basta na lang nag-busy ang kabilang linya. "Bye," bulong niya. Bahagya siyang nalungkot sa ginawing iyon ng nobyo. Hindi man lamang ito nagpaalam o nag-I love you man lang. "O? Anong sabi?" usisa ni Panyang. "Wala, busy daw siya tapos masama ang pakiramdam." Sagot niya. Napakunot-noo sina Olay at Madi. "Ano daw? Ang gulo ha! Busy na masama ang pakiramdam? Uso na pala 'yon?" ani Olay. "Hindi ka man lang nag-I love you." sabi pa ni Allie. "Eh binaba agad eh. Hindi nga nagba-bye man lang. Basta na lang binaba." Malungkot na sabi niya. "Hmm... ang weird ni pinsan ngayon." Komento ni Panyang. "Hay naku, huwag mo ng masyadong isipin si Dingdong. Baka nga busy talaga 'yon tapos biglang sumama ang pakiramdam." Ani naman ni Madi. "Yeah, itong mga souvenirs ng kasal ni Panyang ang intindihin natin." Wika ni Olay. Ito kasi ang in-charge sa souvenirs para sa darating na kasal ni Panyang. Pilit niyang binaling ang atensiyon sa paggugupit ng mga ribbons. Kahit na ang totoo'y masama ang dating sa kanya ng kabang iyon. "GUYS, don't forget ha? 'yung painting exhibit ko. You should come, it's for a good cause. Sa charity mapupunta ang proceeds no'n." paalala ni Jared sa kanila. Binasa ni Chacha ang loob ng invitation. "This is nice, Jared." Puri niya. "Thanks," usal nito. "Hindi ko alam na mapag-kawang gawa ka pala." Singit ni Humphrey. "Siyempre, alam mo naman na mabuti ang puso ko eh." Ani Jared sabay ngisi. "Echosero!" pang-aasar ni Olay. "Dingdong, Pare. Huwag kang mawawala ha?" paalala ulit nito. Pero hindi ito kumibo. Nanatili itong tulala at tila kay lalim ng iniisip. Marahan niya itong tinapik sa balikat. "Archie, hey." Aniya. Napakurap ito at tumitig sa kanya. May kung anong takot siyang nabanaag sa mata nito. "Okay ka lang ba?" tanong niya. Tumango ito ng sunod-sunod. "Yeah, I'm sorry. May iniisip lang ako regarding sa bagong develop na new phone." Sagot nito. "Ano ba ulit 'yong sinasabi mo?" baling nito kay Jared. "Sabi ko, 'yong Painting Exhibit ko. Huwag kang mawawala, kayo ni Chacha." Sagot nito. "Yeah. We'll be there." Sagot nito. Napaisip si Chacha sa kakaibang ikinilos ng nobyo. Dalawang araw na mula nang dumating ito galing sa Singapore. Kagaya ng pangako nito, nag-leave ito sa opisina. Pero hindi natuloy ang bakasyon na sinasabi nito sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Ang sabi lang nito ay napapagod na daw itong mag-biyahe kaya nanatili na lang sila doon sa Tanangco. Dismayado man ay hindi na lang kumibo pa si Chacha. Ayaw niyang masabihan na demanding na girlfriend. Pero ang higit niyang ipinagtataka ay ang sa tuwina'y pagiging balisa nito. At kapag may kausap ito sa cellphone ay palagi na lang itong galit na galit. Kapag itinatanong naman niya ito, lagi na lang tungkol sa opisina ang sinasagot nito. Alam niyang may nangyayari at hindi lamang masabi nito sa kanya. "Can we talk?" bulong niya dito. "About what?" Hindi siya sumagot. Bagkus ay tumayo siya at lumabas ng Rio's kung saan sila nagpapalipas ng oras. "Charease, what's the problem?" tanong nito. "Maybe, I should be the one asking you that. What is the problem? Napapansin kita simula nang dumating ka from Singapore. Lagi kang balisa at tulala. Ano bang nangyari doon?" Hindi agad ito sumagot. Nanatili itong nakatingin sa kung saan. Bago ilang beses na huminga ng malalim. "Archie, I'm waiting..." aniya. Bigla ay niyakap siya nito ng mahigpit. "I love you so much, Charease. Lagi mong tatandaan 'yan." Sa halip ay sagot nito. "Mahal na mahal din kita." Sagot niya. "Look, tell me what's goin' on?" tanong niya. "Pinapakaba mo ako eh." "Wala ito. Gusto lang kitang lambingin." "Sigurado ka, ha?" "Oo." "Archie, kung may problema ka. Alam mong puwede kang magsabi sa akin ng kahit ano. Hindi mo kailangan maglihim." "I know." "Hoy! Mamaya na 'yan. Diyan pa kayo sa tabi ng kalsada naglalambingan!" saway sa kanila ni Vanni. "Inggit ka lang," ganti ni Dingdong. Hindi maipaliwanag ni Chacha, pero tila ba hindi siya kumbinsido sa sagot ni Dingdong. Alam niyang may nangyari kakaiba sa binata sa Singapore. Kaya ganoon na lang itong kabalisa. At kung ano man iyon, aalamin niya. Nasa gitna siya nang pag-iisip ng may isang airport taxi na pumarada sa harap ng Rio's. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita kung sino ang sakay ng taxi na iyon. "Charease Marie!" Napaatras siya at mahigpit na napahawak sa isang kamay ng nobyo. Dumating na ang isa sa kinatatakutan niya. "Mommy?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD