HINDI LANG silang dalawa ni Dingdong ang masaya na nagkabalikan sila. Maging ang mga kaibigan nila. Nang malaman ng mga ito ang magandang balita ay inulan sila ng tukso. Ngayon nga ay naroon sila sa bakuran ni Olay at nagse-celebrate. Kumpleto silang lahat doon maliban kay Victor na ilang buwan na ring wala sa bansa.
"Oh? Sabi na sa inyo eh, pagkatapos ng piyesta magkakabalikan ang dalawang 'to eh." Pagmamalaki ni Ken.
"Oo na nga."
"Dapat pala nakipag-pustahan ako." Dagdag pa ng una.
"Sus, milyonaryo makikipag-pustahan pa." pang-aasar ni Panyang.
"Weh? Nagsalita ang hindi." Ani Olay.
"Teka nga, ang gugulo n'yo. Ang pag-usapan natin itong couple na back in each other's arms." Singit ni Madi.
"Siya nga naman," sang-ayon ni Justin.
"Ano nang plano n'yong dalawa?" seryosong tanong ni Leo.
Nagkibit-balikat si Chacha sabay baling ng tingin kay Dingdong na kanina pa hawak ang kamay niya at hindi binibitawan.
"Sasabihin ko agad kay Lolo ang good news. He's been waiting for this moment. Actually, matagal na niya akong inuudyukan na balikan itong si Charease." Paliwanag nito.
"Hay naku, I'm sure magpapa-piyesta ulit si Lolo. Alam mo naman na presidente 'yon ng fans club ng love team n'yo." komento ni Panyang. "Baka
nga mag-give away na naman 'yon ng pera niya. You know naman my Grandpa. Walang magawa sa milyones niya." Sabay tawa na parang bruha.
Natawa sila sa sinabing iyon ng bestfriend niya. Kahit kailan talaga pati ang Lolo nito ay hindi nakaligtas sa kapilyahan nito. Pero saksi siya kung gaano kamahal ng mag-pinsan ang Lolo nila.
"Loka! Kahit kailan ka talagang babae ka." Si Olay.
"But I'm so glad you're back together again. Bagay na bagay kasi kayong dalawa." Dagdag pa ng huli.
"Thank you. Hindi lang ninyo alam kung gaano din ako kasaya. Ang akala ko mawawala na siya sa akin ng tuluyan." Wika niya.
Hindi na rin alam ni Chacha kung saan pa niya ilalagay ang kaligayahan niya. Happiness is overpowering her whole system. At sa ngayon, wala na siyang mahihiling pa. Dininig na ng Diyos ang mga panalangin niya.
Matapos ang madamdamin nilang pag-uusap kagabi. Dumiretso sila sa isang restaurant kung saan inarkila ng nobyo ang buong establisyimento at nag-set up ng special dinner for two. She felt like a princess the whole night. Pinatunayan ng binata na espesyal siya para dito. Napag-usapan na rin nila ang tungkol kay Laurie. Nilinaw nito na wala talagang namagitan sa kanila. Maliban sa dalawang beses na paglabas ng dalawa. Ayon kay Dingdong, nag-usap na rin daw sila ni Laurie at ipinaliwanag dito na siya ang mahal ng una.
Labis niyang ikanatuwa ang balitang iyon. At least, wala nang manggugulo sa relasyon nila.
"Hindi na mangyayari 'yon." Bulong sa kanya nito. Tapos ay kinintalan siya ng halik sa labi ng mabilis.
"Aw! Ang sweet naman nila, Sweetheart." Kinikilig na wika ni Allie sa nobyo nitong si Darrel.
"Sweetheart, hindi mo kailangan mainggit sa kanila. I'm here." Anito.
Nagkamot na ulo si Ken. "Anak ng... puro lovers itong kasama natin. Bakit ba hindi tayo maghanap ng ka-date?" reklamo nito.
"Tse! Inggit ka lang. Bakit ba kasi wala kang girlfriend?" usisa ni Madi.
"Oh teka, bakit biglang ako ang topic? Hindi ba't celebration nitong dalawa," protesta nito sabay turo sa kanila ni Dingdong. "Huwag n'yo akong isali diyan."
"Para nagtatanong lang eh." Si Madi.
"Ayaw kong ma-in love. Ang hirap kaya. Saksi ako kung paano nag-mukhang engot ang mga kaibigan ko bago n'yo sinagot." Dagdag ni Ken.
"Ah ganon!" ani Panyang saka biglang inipit nito sa kilikili ang ulo ni Ken tsaka pinektusan ng ilang beses ito.
"Aray naman!" sigaw nito.
Nagtawanan sila dahil inulan ng reklamo ito galing sa mga kaibigan niyang babae. Habang binubugbog ng mga kababaihan si Ken. Dumating si Abby kasama ang bagong kakilala nila at saleslady niya sa boutique na si Myca. Ito ang babaeng bumili at nagtanong sa kanila ng trabaho. Matapos busisiin ni Olay ang resume at background nito. Tinanggap din nito ang dalaga.
"Abby! Myca!" tawag niya sa dalawa. "Halika!"
Lumapit sa kanila ang mga bagong dating. "Guys! I'd like you to meet,
Myca. Myca, meet my friends." Pagpapakilala niya.
Ang mga babaeng binubugbog si Ken ay pansamantalang tumigil at kinamayan si Myca. Ang ibang Tanangco Boys naman na single at available pa ay nag-unahan sa paglapit. Hindi niya masisisi ang mga kalalakihang ito. Dahil talagang maganda ang babae. O mas dapat gamitin na salita ay 'cute' ito. Halos kasingtangkad lang ito ni Panyang at maputi ang balat nito.
Nagulat sila ng biglang hawiin ni Ken ang mga kaibigan at titig na titig na lumapit kay Myca. At dahil nirambol nila Madi ito. Nagulo ang buhok nito at nawala sa ayos ang suot nitong t-shirt. Pero hindi na nag-abala pa itong ayusin ang sarili. Bigla na lang itong ngumiti ng pagkalaki-laki na kita ang mga ngipin nito sabay lahad ng isang palad sa bagong dating.
"Hi! Ang cute mo naman. Ikaw ba si Barbie? Ako kasi si Ken." Pagpapakilala nito habang hindi pa rin ito inaalis ang mga tingin sa dalaga.
"Yuck Pare! Ang baduy mo!" pang-aasar ni Jared.
Nagtago si Myca sa likod ni Abby. "Ano ba 'yan, Abby? Hindi ba nakatakas sa mental 'yan?" anito.
Natawa silang lahat. "Kita mo na? Tinakot mo si Myca."
"Myca? Ang ganda naman ng name mo. Kasing-ganda mo. Ay hindi, cute ka pala. Kasing-cute mo." Ani ulit ni Ken.
"Ay sus! Nabaliw na!" napailing na komento ni Panyang.
"I think I'm in love!" tila hibang sa sabi ni Ken.
Hindi pa sila nakakabawi sa biglaang kabaliwan ni Ken ng may dumating na hindi inaasahan. Si Victor.
"Hi Guys! Did you miss me?" wika nito pagpasok nito sa gate.
"Victor Pare!" biglang sigaw ng barkada nito. Patakbong lumapit ang mga ito sa bagong dating at dinaluhong ng yakap ang kaibigan.
"Hoy, bakit tulala ka diyan?" tanong ni Madi kay Abby. Nang makita kasi ng huli si Victor ay natulala na lang ito at nanatiling nakatitig sa 'bestfriend' nito.
"Lapitan mo na kasi," udyok ni Panyang.
"Oo nga, 'di ba sabi mo? Pare mo 'yon?" Ani Olay.
Mayamaya ay lumapit na kay Abby si Victor.
"Pare!" tuwang-tuwa na bati ng huli sa kaibigan. Saka niyakap ito ng mahigpit.
"Na-miss kita." Halos pabulong wika ni Abby. Ngunit nakarating pa rin iyon sa pandinig nila.
"May pasalubong ako sa inyo, ibibigay ko na lang sa inyong lahat mamaya." sa halip ay sagot ni Victor saka hinarap ang mga barkada.
"Yon!"
"Anyway, aalis na muna kami." Ani Dingdong.
"O? Saan kayo pupunta? Kakauwi ko lang eh. Hindi ko pa kayo nako-congratulate. Nagkabalikan na pala kayo." Ani Victor.
"Paano mo nalaman agad? Kakarating mo lang, 'di ba?" tanong niya.
"Chacha, siyempre may source ako dito." Sagot nito. Sabay baling kay Humphrey. "Right, dude?"
"Right." Sagot naman ng isa.
"Hay naku, kahit kailan talaga ang mga lalaki tsismoso." Komento ni Olay.
"Hoy, lalaki ka rin." Sabi ni Jared.
"Ay sorry. Girl aketch. At katutubo lang ng aking matris." Sagot naman ng bading.
Nagtawanan ang lahat sa sinabing iyon ni Olay. At habang nagkakasiyahan sila. Saglit na silang tumalilis ng alis at naglakad pauwi sa bahay nila Dingdong. Haharap sila sa Lolo nito ayon na rin sa kahilingan ng abuelo ng nobyo.
Habang naglalakad ay magka-holding hands sila. Hinalikan pa nito ang likod ng kanyang palad.
"I love you," bulong nito.
"I love you too," sagot niya.
"Salamat at bumalik ka sa akin. Akala ko tuluyan na kitang hindi makakasama."
Ngumiti siya. Saglit silang tumigil sa paglalakad at hinarap siya nito.
"Archie, hindi na ako mawawala pa sa'yo. Pangako, kahit na muling humadlang ang mga magulang ko. This time, I would never give you up." Sagot niya.
Ngumiti ito. Ngiting umabot sa mga mata nito.
"Ipaglalaban kita. Hindi na ako papayag na ilayo ka nila sa akin."
Niyakap siya nito. "Let's go. Baka naghihintay na ang Lolo mo." Aniya.
"GOOD MORNING!" bati niya kay Myca pagpasok niya sa loob ng boutique.
"Hi Miss Chacha!" ganting bati sa kanya nito.
"Kumusta dito?" tanong niya.
"Ayos lang po. Araw-araw ay tumataas ang sales natin. Dinadayo na nga tayo ng mga taga-ibang lugar." Sagot nito.
"That's good." Nakangiting wika niya. "Ikaw? Kumusta ang stay mo dito? Hindi ka ba nabo-bored?"
"Hindi naman. Lagi nakatambay dito si Panyang pati sila Madi. Pero madalas kong kasama dito si Abby."
"Okay. Mabuti kung ganoon."
"Kaya lang, ang kulit nitong si Ken." Reklamo nito.
Natawa siya. Simula nang makilala nito si Myca dalawang linggo mahigit na ang nakakaraan ay hindi na tinigilan ni Ken ang huli sa kakasunod. Niligawan nito ang dalaga. At patuloy pa rin ito sa pagsuyo hanggang sa mga sandaling iyon.
"Hayaan mo na 'yon. Mukhang na love at first sa'yo eh." Sabi niya.
Mayamaya ay dumating si Panyang na may dalang isang bouquet ng assorted flowers. "Delivery!" anito.
"Wow! Ang ganda naman! Ang sweet talaga ng boyfriend mo." Puri ni Myca na ang tinutukoy ay si Dingdong.
"Well, I'm so sorry my dear. But you are highly mistaken. These beautiful flowers are not for Chacha. Para sa'yo ito. Bigay ng iniirog mong si Doctor Ken Charles Pederico." Paliwanag ni Panyang.
Bigla ay sumimangot si Myca. "Kita mo na, ang kulit talaga."
"Weh? Pretending oh?" tukso ni Panyang dito. "Samantalang kasasabi mo lang na maganda."
Ilang sandali pa ang nakakaraan ay nag-ring ang cellphone nito. "Hello," bungad nito. Ilang saglit itong natigilan. "Hoy! Paano mo nalaman ang number ko?... Ewan! Tantanan mo na ako!" sigaw nito sabay off ng cellphone.
"Ang ibig bang sabihin ng sinabi mo ay 'thank you'?" maang na tanong ni Panyang.
Natawa siya. "Hmm... if I know, kinikilig ka." Tukso din niya dito.
"At ikaw naman my dear bestfriend. Saan ang lakad mo?" baling sa kanya ni bulilit green eyes.
"Kay Archie, dadalhan ko siya ng pagkain." Aniya.
"Ah... kaya pala ang pinsan kong iyon ay hindi nag-breakfast. Hmm... baka mamaya ikaw ang..."
Agad niyang nakuha ang ibig nitong sabihin. "Hey! Shut up!" saway niya. Bumulanghit ito ng tawa. "Ikaw talagang babae ka!"
"Joke lang!"
"Myca, ikaw nang bahala dito. Aalis na ako." Aniya.
Sakay ng kotse niya. Magaan ang pakiramdam niya habang nagmamaneho papuntang Makati kung saan naroon ang opisina nito. Sa bawat umaga na gumigising siya ay lagi siyang excited na makita ang nobyo.
Kung mahal niya ito noon. Mas mahal niya ito ngayon. Sa buong mahigit dalawang linggo simula nang magkabalikan sila ay mas lalo nitong pinapakita ang pagmamahal nito para sa kanya. So far, wala pa naman silang pinag-aawayan pa. Hindi na rin nanggugulo pa si Laurie. Nakahinga na rin siya ng maluwag sa issue na 'yon. Sinulyapan niya ang nilutong almusal. Ang totoo'y nag-request ang nobyo na doon siya mag-breakfast nang tumawag ito pagkagising nito. Siyempre, pinagbigyan niya ito.
Tapsilog, fresh ripe mangoes at ang paborito nitong cream puff ang dala niya. Sigurado siyang magugustuhan nito ang hinanda niya.
Pagdating niya sa opisina nito ay inabutan niya itong may kausap sa telepono. Bahagya siyang napakunot-noo nang mapansin ang bakas ng galit sa mukha nito.
"Babe, are you okay?" tanong agad niya. Nilapag niya ang dalang paper bag ng pagkain saka nilapitan si Dingdong.
"Damn!" nanggigigil na wika nito sabay bagsak ng telepono.
"What's happening?" tanong ulit niya.
Huminga muna ito ng malalim saka umiling. "It's nothing. It's just an investor. Ang akala ko'y may usapan na kami. But they backed out on the last minute." Sagot nito.
Mula sa likod ay niyakap niya ito sa leeg. "Hayaan mo na sila. I'm sure may mahahanap ka pang ibang investor." Paglalambing niya dito.
Tumayo ito saka humarap sa kanya. Bigla ay niyapos siya nito ng mahigpit. "Mahal kita. Mahal na mahal kita." Bulong nito.
Napangiti siya. Ito ang isa sa mga na-miss niya ng husto dito. Ang tuwina'y paglalambing nito. "Mahal na mahal din kita." Sagot niya.
Ilang sandali pa ay bumitaw na ito. "Anong dala mong breakfast?" tanong nito.
"Tapsilog, mangoes and cream puff." Sagot niya sabay upo sa swivel chair nito.
Hinimas nito ang tiyan. "Wow! Nagutom tuloy ako lalo. Tara! Kain na tayo." Anito sabay dampot ng paper bag.
"Sige, susunod na ako." Aniya.
Dinala na nito ang pagkain sa pantry samantalang siya ay ninamnam pa ng ilang minuto niyang pagkakaupo sa swivel chair. Pinaikot niya iyon ng isang beses. Hanggang sa makuha ang atensiyon niya ng drawer na bahagyang nakabukas. Binuksan niya iyon ng tuluyan. Napakunot-noo siya nang mapansin ang isang maliit at kulay itim niyang velvet box.
Bago niya damputin iyon ay bahagya pa niyang sinilip si Dingdong dahil baka makita siyang nakikialam ng gamit nito. Nang buksan niya ang box ay nanlaki ang mata niya. Isang diamond ring ang laman niyon. Bigla ay umahon ang kasiyahan sa dibdib niya.
My God! Magpo-propose na yata siya sa akin!
Walang pagsidlan ng saya ang kanyang puso. Magpo-propose na sa kanya ang nobyo. Bigla ay na-excite siya.
Baka naghahanda pa kung paano niya ako isu-surprise?
"Babe! Let's eat!" narinig niyang sigaw nito mula sa pantry.
Mabilis niyang sinarado ang box saka binalik iyon sa loob ng drawer.
"Nandiyan na," sagot niya saka tumayo at pumunta sa pantry.
Habang kumakain sila ay hindi maitago ni Chacha ang kasiyahan. Hindi na rin niya sinabi sa nobyo na nakita ang sorpresa nito para sa kanya.
Saka na lamang niya sasabihin iyon kapag nag-propose na ito sa kanya.
At dahil marami pang naghihintay na trabaho sa nobyo ay minabuti na rin niyang umuwi agad. Pinigilan pa siya nito nang palabas na siya ng opisina. Sinandal siya nito sa pinto saka siya hinalikan. Gumanti siya ng halik. Nang medyo nagtatagal na ay siya na mismo ang lumayo at bahagya itong tinulak palayo. Napapansin niyang nagiging mainit na ang halik nito.
"I have to go," bulong niya. Hinaplos pa niya ang mukha nito.
"Stay," usal nito. She saw the desire in his eyes. Napalunok siya ng laway. Alam na niya ang ibig sabihin nito. Pero hindi pa siya handa sa ganoong bagay. Not unless, she's married to him.
"I can't. May kukunin pa akong items kay Miss Victoria." Aniya na ang tinutukoy ay ang kinukuhanan niya ng mga paninda para sa boutique niya.
"Please," pakiusap nito.
"Archie, I know what you mean. Alam mong hindi pa ako ready sa ganyan." Paliwanag niya. "Gusto kong ikasal muna tayo."
Pumikit ito saka huminga ng malalim. "I'm sorry." Hinging-paumanhin nito.
"It's okay." Sagot niya. Siya na mismo ang naggawad ng halik sa labi nito. "I have to go."
Tumango ito. "Okay."
"Bye." Aniya.
"Call me when you get home. Okay? Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Bilin pa nito.
"I will." Sagot niya.
Pagdating niya sa lobby ay biglang naningkit ang mga mata niya nang may makasalubong siyang isang hindi kaaya-ayang mukha. Si Laurie. Naka-office attire nga ito pero sadyang nilabas ang cleavage. Habang makapal na makapal ang make-up nito. Puwede na niya itong ipasok na clown sa mga children's party.
Tiningnan siya nito simula ulo hanggang paa. Kahit na naka-skinny jeans siya at simpleng blouse. Dinala niya ang sarili ng maayos at disente.
Nang bahagya na siyang nakalagpas dito ay bigla itong nagsalita.
"Miss, hindi ito palengke. Baka naliligaw ka." Anito.
Automatic na umakyat ang dugo niya sa ulo. "What did you say?" mataray niyang tanong sabay buwelta pabalik. Hinarap niya ito.
Nakataas ang kilay nito habang nakapameywang pa.
"Sa susunod na pumunta ka dito. Ayusin mo ang pananamit mo! Hindi iyong akala mo ay sa palengke ka pupunta!" anitong sadyang nilakasan ang boses para mapahiya siya. Napalingon ang mga tao sa lobby ng building na iyon.
"What is your problem?" pilit pa rin niyang pinahinahon ang boses kahit na ang totoo'y gusto na niyang hambalusin ito ng hawak niyang bag.
"Hindi ko alam kung anong nakita sa'yo ni Dingdong at mas pinili ka niya sa akin. But as far as I am concern. Mas sexy naman ako. While you, look like a naïve virgin to me." Pang-iinsulto nito.
Ngumiti siya. Ngiti ng nangungutya. "I pity you Laurie. You know why? Dahil gagawin mo ang lahat mapansin ka lang ng lalaki. Kahit nagmumukha ka ng cheap. I don't care if I'm a naïve virgin. Because you look like a slut."
Ganti niya.
Nagsalubong ang mga kilay nito at akmang susugod ngunit napigilan nito ng mga guwardiya. "How dare you insult me?! You b***h!" hiyaw nito.
Bigla ay sumulpot si Dingdong at niyakap siya.
"What the hell is happening here?!" galit na tanong nito sa mga guwardiya.
"Iyan! 'yang babaeng yan! Ininsulto niya ako. Wala naman akong ginagawa sa kanya." pagsisinungaling pa nito.
"Sinungaling!" sigaw niya dito. "Bakit hindi natin itanong sa mga tao dito kung sino ang talagang nauna?" hamon niya.
Natameme ito.
"Get out of my building Laurie." Nagpipigil ng galit na wika ni Dingdong.
"But Dingdong, wait..." pagmamakaawa pa nito.
"I said get out!!!" biglang sigaw nito. Maging siya ay nagulat sa lakas at dagundong ng boses nito. "Get her out," utos nito sa mga guwardiya.
Hinila ito palabas. "Walanghiya kang babae ka! Tandaan mo! Sa akin pa rin siya babagsak! Magiging akin pa rin siya!" banta nito.
"Are you okay?" tanong agad ng nobyo sa kanya.
Tumango siya. "Akala ko ba hindi na manggugulo sa atin ang babaeng 'yan?" tanong niya.
"Ang akala ko rin. I didn't know she was this crazy. I'm sorry for this."
"Okay lang."
"Ihahatid na lang kita. Baka kung ano pang gawin niyan sa'yo. Nababaliw na ang babaeng 'yan." Nag-aalalang wika nito.
"Paano na ang mga meetings mo?" tanong niya.
"Ang Presidente na muna ang bahala doon. Mas importante ka. Hindi rin naman ako mapapakali sa meeting kapag hinayaan kitang umalis ng mag-isa. I want to make sure of your safety."
Sagot nito.
"Sige, ikaw ang bahala."
Alam ni Chacha na hindi niya dapat pansinin o intindihin ang mga banta ni Laurie. Pero hindi pa rin siya mapakali. Kinakabahan siya. Hindi siya natatakot sa babae. Mas natatakot siya sa gulong puwede nitong gawin. Pilit niyang pinalis sa isip ang mukha ng babaeng iyon. May tiwala siya kay Dingdong at alam niyang hindi siya nito papabayaan. At hindi ito matutukso. Kahit na ilang Laurie pa ang lumatag sa harapan nito. Alam niyang mas malakas ang pag-iibigan nila kaysa sa kahit na ano pa man.