bc

Love Will Never Lie

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
fated
arrogant
independent
twisted
heavy
city
lies
love at the first sight
athlete
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Raine will do anything for her twin sister's legacy. Bata pa lamang sila, alam na niya kung gaano nito kagustong makagawa ng librong tatatak sa puso ng mga tao. Her sister's dream has been granted, but just as it was within reach, nasangkot ito sa isang aksidente sanhi ng pagkamatay nito. Naiwan sa kaniya ang isang nobelang kailangan niyang tapusin at palabasing gawa pa rin ng kapatid. She promised Lauren, iuuwi niya ang librong printado ng hinahangaang publisher.

The problem is, she doesn't have an idea on how to continue the chapters lalo pa't kinakailangangang merong erotic scenes sa kuwento. She was ready to do some experimentations nang muling pumasok sa kaniyang mundo si Atreus Uytingco - that arrogant and perfectionist man na gugulo sa kaniyang mundo. He "volunteered" to be her "mentor" o mas tamang sabihing bin-lackmail siya nito kapalit ng pagtulong nito sa kaniyang aso.

Nagising na lamang siya isang araw na muli, she has fallen on him so hard that it hurts like a million stabs in her heart and soul when she learned he had been fooling her all along. Pati na rin ng sariling pamilya. Will love for the both of them conquer the lies embedded?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Something's tickling her face. Iniiwas niya ang mukha dito at nagtakip ng unan but then, lumipat naman ito sa kaniyang mga paa upang doon mangulit. Mukhang walang balak na tumigil ang kung sino man ang may goal na gisingin siya't patayuin sa kama ng umagang iyon. Hinatak niya paitaas ang mga paa kasabay ng pagtaob sa kama. Her tummy now facing the bed. She liftes her ass at paungol na nagsalita "A-ang sakit ng ulo ko..." mas lalo niya pang ibinaon ang ulo. Grabe talaga. Promise, hindi na siya iinom. Her small grandfather clock chimed for six times kaya alam niyang oras na para bumangon. She use to wake up and start the day at six in the morning. But not today. Sobrang bigat ng kaniyang katawan at hindi pa man siya nagmumulat ng kaniyang mga mata, pakiramdam niya'y parang umiikot na ang kaniyang paligid. Good thing the tickling stopped. Saglit na tumahimik ang kaniyang mundo bago muling nakadama ng pagbunggo sa kaniyang tagiliran. This time, gumawa na ito ng ingay. Sunod-sunod itong tumahol at ang masaklap, mukhang inilapit pa sa kaniyang tenga ang bunganga nito. “Sshhh...Luli, please mamaya na.” her voice is really dry. She suddenly felt the urge to grab a cold water. Bigla siyang nakaramdam ng pagkauhaw. But damn, her head really hurts. She felt like something is drilling her senses. Umungol siya’t nagtangkang bumangon ng nakapikit ang mga mata pero bumagsak siya pabalik sa kama. Maya-maya’y muli siyang nakadama ng mabining pagbunggo ng nguso sa kaniyang pisngi. Pero bakit parang iba ang kaniyang pakiramdam pagkatapos noon? Tumahimik ang paligid niya saka siya nakarinig ng tila pagsara ng pinto. Doon siya unti-unting nagmulat ng kaniyang mga mata.She knew na silang dalawa lang ni Luli ang naroroon sa umaga kaya paanong may nagbukas at nagsara ng pinto ng kaniyang kuwarto? Hindi ugali ng pamilya niya ang mag-invade ng kaniyang privacy lalo’s sa umaga dahil kaniya-kaniyang busy mode ang bawat isa. Kung meron mang papasok sa kaniyang silid, sigurado siyang kakatok muna ang mga iyon. Ah, siguro’y guni-guni lamang niya iyon. Baka nakalimutan lamang niyang isarado ang pinto ng kuwarto kagabi and then the dog just closed it a while ago. "Good morning, Luli." she greeted her four-year old Aspin in a bedroom voice. Dahan-dahan niyang sinakop at inayos ang kulay abong buhok na lampas balikat saka dinampot ang hair clamp. She held her coloured-hair into a bun style bago kinapa ang mukha at iniikot ang tingin sa kabuuan ng kaniyang silid. Naagaw ang kaniyang pansin nang muling tumahol anga aso kasabay ng pagwagayway ng buntot nito. Nasa baba lamang ito ng kama habang nakaupo at nakatingala sa kaniya. Itinaas ng dalaga ang kaliwang kamay at masuyong hinaplos ang uluhan ng aso. Luli is a pure white Aspin dog na may kulay abong mga mata. “Did you just close the door a while ago, baby?” Tumahol naman ito ng isang beses bago hinila ang ibabang bahagi ng kaniyang loose long-sleeves cotton shirt. Iyon ang nakagawian na niyang isuot na pantulog paired with a boyleg underwear. Hinihila siya ng alaga papunta ng kaniyang banyo para maligo. Alam na alam na ng alaga ang kaniyang routine sa umaga. Hindi naman sya nagpatinag. Nanatili lamang siyang nakaupo sa kama. "Five minutes, okay? Mommy's having a bad head ache, Lul." Pagkatapos ay pabagsak na bumalik sa higaan ang katawan ng dalaga. Muli itong napapikit, "Baby, I need more sleep. Ang sakit ng ulo ko talaga." Muling tumahol ang aso and the way she do it with her fur parent, aakalain mong nakikipag-usap talaga ito sa kaniya. Animo'y sinisermonan pa nga nito ang amo. Though she is an Aspin, lumaking matalino at parti ng pamilya ni Raine ang aso. May sarili itong higaan sa isang sulok ng silid ng dalaga kung saan naroroon ang mga laruan nito. She had her own vet doctor with regular check-up na kung ikukumpara mo ang gastos sa pagpapa-check up sa isang family doctor, minsan ay mas mahal pa nga ang mga needs ng aso. Umingos ito na tila ba may gustong sabihin sa kaniya but she chose to ignore her for a while. Kaybigat talaga ng kaniyang mga mata para magmulat sa umagang iyon. Hanggang sa tumahimik na ang alaga at tanging tunog na lamang ng aircon ang kaniyang naririnig. She smiled to herself, matutulog na lang siya ulit. Kung bakit ba naman kasi naisipan niyang maglasing kagabi. Hindi naman siya broken-hearted. For the whole twenty-seven years of her existence, last night was a total wreck for her. Laklakin ba naman niya ng bonggang-bongga ang Jack Daniels? Kahit nga ang mga kasama niya sa lamesang iyon na halos normal na lamang uminom ng alak ay napanganga sa kaniyang ginawa. Her reason? Meron lang siyang gustong malaman at patunayan sana pero mukhang nawala siya sa wisyo nang makita ang isang taong sumira sa kaniyang gabi. Imbes na mag-enjoy ay buong gabi pa yata siyang nainis. It was their college reunion last night. The San Sebastian College held its 50th Golden Anniversary too kaya bongga ang isang linggong selebrasyon na talagang inuwian pa ng mga alumni nan nanggaling sa iba't-ibang sulok ng mundo. Kung hindi lamang siya kabilang noon sa student council ng kanilang batch, hindi talaga siya a-attend. She would rather stay on her balcony with her laptop and do her assignment. "Hayyy, naku naman! Now what? Bakit pa kasi ako uminom? Stupid thinking you had, Raine!" Hinagpis niya habang inis na ginugulo ang buhok. Pinilit na niyang gisinging ng tuluyan ang sarili. Tinampal-tampal niya ang magkabilang pisngi bago muling bumangon. Lumundag-lundag siya ng hanggang sampu pagkatapos mag-stretch ng mga kamay at mga paa. She then turned her attention and called Luli before embracing her. Mas lalong nagkakawag ang buntot nito hanggang sa nagpumiglas ito mula sa kaniyang pagkakayakap. Tumungo ito sa isang single couch at doon nangunot ang kaniyang noo. May kinuha itong isang bagay doon at kagat-kagat na inilapit sa kaniya. What the…“Kaninong levis jeans ito?!” naghuhumindik niyang tanong sa kaharap na aso. Tumagilid ang ulo ng alaga, tila tinatanong din siya kung sino nga ba ang nagmamay-ari noon. Biglang tumambol ang kaniyang dibdib sa matinding kaba habang halos hindi makalulon ng laway na nilapitan ang upuang pinagkunan niyon ni Lulk. Napatakip sa kaniyang bibig ang dalaga. "Oh my gosh..." Kasabay ng pagdama niya sa buong katawan ay siya namang pagbukas ng pinto ng kaniyang banyo. Lo and behold, she is now facing an Adonis personified. Laglag ang pangang na-stagnant ang titig niya sa lalaki, habang ang huli nama’y madramang pinupunasan ang basa nitong buhok gamit ang kaniyang tuwalya! Tuluyang nalaglag ang panga ng dalaga nang makitang puting tuwalya lamang ang nakabalot sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito. Lahat yata ng dugo sa kaniyang katawan ay biglang hinigop ng isang puwersa paitaas hanggang sa napuno ang kaniyang ulo at pumula ang buo niyang mukha. Gigil na tinakpang niya ng kamay ang buong mukha at nanggagalaiting sumigaw. “H-how... P-pa'nong...how dare you to get inside of my room?!" Raine, think! Ano'ng ginawa mo kagabi at bakit nandito ang lalaking iyan?! Pero kung gaano siya ka-high blood, siya namang kalmado ng lalaki. Umangat pa ang isang sulok ng labi nito at ngumisi ng tila nag-aasar. "Good morning, Lorraine." walang pakialam na naglakad ito papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Nang halos isang dangkal na lamang ang layo nito sa kaniya’y mabilis niyang naamoy ang sariling shower gel. Halos mapatalon si Raine dahil sa tensyon na nararamdaman. Yumuko ang binata at inilapit ang bibig sa kaniyang tenga. Napapikit ang dalaga nang tila sinasadya pa nitong ilapit sa kaniyang mukha ang halos perpekto nitong katawan. Naghuhumiyaw ang abs nitong sa mga billboard at televison lamang niya nakikita. May katangkaran siyang babae pero kumpara sa pangahas na lalaki, hanggang baba lamang siya nito. His enigmatic grayish eyes brought chills to her soul pero agad din iyong napalitan ng iritasyon nang makita niya kung paano ito ngumisi. Mabilis niya itong naitulak nang makitang nasa nagmamayabang niyang mga dibdib nakatutok ang mga mata nito. Pero parang pader ang kaniyang tinulak. Ni hind man lang ito natinag. Yumuko pa ito at inilapit sa kaniyang tenga ang mga labi nito. “You better hide that proud n*ples of yours kung ayaw mong dakmain ko ‘yan, babe. You’ve been torturing me for how many hours at baka hindi na ako makapagpigil.” “You…pervert!” Mabilis na hinablot ni Raine ang kumot na nasa kama at ibinalot sa katawan. Halos lumiyab ang kaniyang mukha nang maalala ang kasalukuyang suot. Then a realization hit her. Bakit nandoon si Atreus Uytingco sa kaniyang silid? Sino ang nagpalit sa kaniyang suot kagabi? Mangiyak-ngiyak na nag-lock sa kaniyang banyo ang dalaga. She wanted to punch her hard on his face pero kailangan na muna niyang ayusin ang sarili. Mabuti na lang talaga at naroon sa banyo ang kanyang silky robe. Mabilis siyang naligo at nagsepilyo at nang matapos ay halos liparin na niya ang closet para kumuha ng maisusuot. It took her a great force not to throw anything to him while he’s seriously staring at her nang tawirin niya ang pagitan ng banyo at closet cabinet. Sobrang striking ng dating ng lalaki. Atreus now is wearing a black shirt and that levis jeans she saw earlier habang nakaupo ito at parang haring nakaupo sa kaniyang single couch. Bwisit, Raine. Ano ba kasi't naglasing ka? Deretso ang titig ng lalaking tila nag-aapoy habang nakadikit sa kaniyang katawan. Malaki ang ipinagbago ng binata sa loob ng ilang taong hindi niya ito nakita. Bago pa man makabigkas ng salita ang dalaga’y tumayo na ang lalaki at tinungo ang pintuan. Nanghihinang napakapit sa cabinet si Raine. Kung kanina’y parang binabarena ang ulo niya sa sakit, ngayon nama’t parang mawawasak ang kaniyang dibdib sa sobrang kaba at panginginig ng katawan. Just as she is about turn her back against the door dahil lalayas na rin naman ang hinayupak, narinig niya itong nagsalita. “Next time you want yourself to get drunk, make sure na kaya mo. I don't do drunk women, but I am not a saint, Agatha Lorraine. Baka hindi na ako makapagpigil pa sa susunod.” he smirked pero halata ang inis sa mukha. "Hah! Wala ka pa rin talagang ipinagkaiba. Oh wait, mukhang naging manyak ka na rin pala!" "As what I've said woman, I am not a saint, nor those men that will see you on that state. Kung ayaw mong mabastos, huwag kang haharap ng ganiyan sa kahit sinong lalaki." matalim ang mga matang halos singhalan siya ni Atreus. Halata sa gumagalaw nitong panga ang tensyon. Mabilis nitong ipinilig ang ulo and just before he walk away, bumaling pa ito sa dalaga, "nice ass, by the way." Laglag pangang naiwan sa kaniyang kinatatayuan ang dalaga. Mabuti na lang talaga at nawala na ito sa kaniyang paningin bago niya pa nadampot ang bluetooth speaker para ibato dito. But the hell, what really happened? Bakit niya ito kasama sa pag-uwi at kasama niya pa sa kaniyang silid. Walang dudang doon din ito nagpalipas ng gabi. She was sure na wala pang alas-dose ay nilisan na nila ang SSC. Mabilis niyang ini-rewind sa utak ang nangyari kagabi. Kung bakit umabot sa ganitong senaryo ang kaniyang umaga hanggang sa halos iuntog na niya amg kaniyang ulo sa naalala. "Oh no, sh*t.." tanging nasambit niya nang maalala ang isang nakakahiyang eksena. In her memory, she was tipsy already at ilang beses na siyang pinaalalahanan ni Elroy at Thely na magdahan-dahan sa pag-inom pero hindi siya sumunod sa mga ito. Before she went into their reunion, buo na ang loob niyang i-execute ang planong magpakalasing dahil sa kasalukuyang ginagawang novel. In one of her chapters, the female protagonist got drunk for she wanted to get lost for all the shitty things happening to her. The problem is, nahihirapan siyang gawin amg part na iyon dahil sa wala siyang alam kung papaano ang malasing ng sobra. Huli niyang natandaan ay nang naglakad siya papunta sa gitna ng kanilang alumni hall habang masayang nagsasayawan ang lahat. Nakita niya ang isang former MVP ng SSC upper class, si Denver, habang masayang nakikipagsabayan ng sayaw sa iba nitong former class mates. Lumapit siya dito at masayang makikisali sana sa grupo nang bigla itong humarap sa kaniya at gumiling-giling. But then someone from her back bumped her at kamuntikan pa nga siyang mapasubsob sa dibdib ng kasayawan kung hindi lang siya nito naagawan. "Atreus, man! You're here! Kelan ka pa umuwi?" masayang bati ni Denver na habang nasa likuran niya ang tingin. That name..she wouldn't mind not hearing of it again for the past years pero bakit nandoon ito at mismong nasa likuran niya pa? Flashes of memories, agad iyong bumangon sa kaniyang isipan but then mabilis niya iyong pinigilan. She is about to walk away nang marinig niya ang nag-aalalang boses ni Denver. "You okay, Raine?" At dahil sa matangkad ito, tumingala siya para sana sagutin ito nang bigla niyang naramdaman ang pagbaliktad ng kaniyang sikmura. Nakaramdam siya ng hilo idagdag pa ang patay-sinding mga ilaw na iba't-iba ang kulay. Hinawakan siya ni Denver sa magkabilang pisngi pero wala pa yatang dalawang segundo iyon nang may matipunong bisig ang umakbay sa kaniya. Kinabig siya nito na at saktong pagharap niya dito. She puked. "Holy sh*t." Kasabay ng ilang pagsinghap sa paligid ay narinig pa ni Raine ang malutong na pagmumura ng pangahas na lalaking kumabig sa kaniya. For sure, hindi iyon si Elroy o ang kaniyang Kuya Amos. Hindi rin iyon kung sinong lalaki lang na nagtapos ng San Sebastian Colleges knowing how intimidating she was on their college days. Isang tao lang ang mangangahas na gumawa noon sa kaniya. "Girl, you're really doomed." inis niyang singhal sa sarili nang maalalang sinukahan lang naman niya ang anak ng dating gobernador at ngayo'y isa nang sikat na international football star sa buong mundo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.5K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.0K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook