“You know what, sistah? That is a sign already na kailangan mo na talagang magka-jowa. Omigosh, look at you! You are twenty-six and yet wala ka pa ring love life! Kaloka ka talaga, Agatha Lorraine. You are missing half of your life.”
Kumunot ang noo ni Raine sa sinabi ng kaibigang si Elroy bagama’t nanatiling nakatitig ito sa screen ng laptop. She heard what he just said at kung ilang beses na nga ba iyon ay hindi na rin niya mabilang. She doesn’t care anyway. Sanay na siya sa pagbubunganga nitong magkaroon siya ng love life where she believes she doesn’t have to.
Una, wala siyang panahon sa pag-ibig, or must she say sakit lamang iyon ng ulo? Kung ilang beses na niyang nakita ang kaibigang si Thely na lumuha at mag-drama sa tuwing naha-heart broken ito, mae-encourage pa kaya siyang makipagrelasyon?
Pangalawa, wala namang nangangahas sa kaniyang manligaw ng seryoso. Yes, merong nagpapahayag ng interes sa una. Nagpapalipad ng hangin pero kalaunan ay hindi naman natutuloy. Hindi niya alam kung intimidated ba sa kaniya ang mga ito o sadyang hindi lang talaga siya mqgustuhan dahil sa kuntento na siya sa pagsusuot lamang ng jeans and t-shirt. Hindi siya glamoroso at higit sa lahat, hindi siya maarte.
Umangat ang kanang kilay ng bakla. Nakatayo na ito ngayon sa gilid ng macbook ng dalaga, paharap kay Raine, nang bigla na lamang nitong itinakip ang screen ng device.
“What the….Elian Roy Sebastian! I am working, can’t you see?” inis na sininghalan ni Raine ang kaharap pero umirap lamang ito sa kaniya at hindi man lang natinag.
Napapailing na humalukipkip sa kinauupan ang dalaga habang naka-cross legs ito at sinimangutan ang kaibigan.
“Oo, kitang-kita kong nagtatrabaho ka, Raine. Kaya nga nawawalan ka na rin ng oras sa sarili mo, di ba? Subsob ka kasi sa pagsusulat kaya naman hindi mo na namamalayan, malapit ka nang mag-treinta, day, at wala ka pa ring kakilig-kilig sa love life mo.”
“Do I need to? Hindi ko na kailangan iyan dahil sa mga sinusulat ko, no? Besides, hindi hinahanap ang pag-ibig. Kusa itong dumarating. Kaya puwede ba? Lubayan niyo ako’t nang makapagtrabaho na ako ng maayo!”
“O, bakit pati ako kasama? Nananahimik ako dito, eh.”
Matalim na nilingon ni Raine si Thely. Nakaupo ito sa carpeted floor ng kaniyang silid habang nagsi-cell phone at nakasandal sa kaniyang kama. Raine is on her wooden study table malapit sa balkonahe ng kaniyang kuwarto kung saan tanaw ang likurang bahagi ng kanilang bahay.
“Ah, so nananahimik ka nga pala. At sa sobrang pananahimik mo, kung anu-ano na ang pumapasok diyan sa magaling mong utak, Thely Faith Sembrano. Sa pagkakaalala ko’y ikaw lang naman ang nagbigay ng address ko sa ibang tao para iuwi ako noong isang gabi kahit alam niyong lasing ako, tama?”
Napalabi si Thely at makahulugang tumingin kay Elroy. Guilty as charge nga naman ito dahit ito ang may pakana kung papaano’ng ang isang estranghero ay nakapasok sa kaniyang santuaryo and worst, nakitulog pa sa kaniyang kuwarto.
Sa tuwing naaalala iyon ni Raine, pakiramdam niya ay para siyang isang bulkan na sasabog. Kung puwede nga lang sana niyang kutusan ang dalawang culprit na ngayo’y kasama niya at nanggugulo na naman sa kaniyang oras-trabaho.
Umilap din ang mga mata ni Elroy.
“Ito naman. Hindi naman ibang tao si Atreus Uytingco. Anak siya ng dating gobernador ng lalawigan natin and for heaven’s sake, wala naman sa dugo nila ang mamamatay-tao o rapist. Teka, huwag mong sabihing walang nangyari?” histerikal nitong kinurot ang braso ni Raine. Mukhang frustrated itong nagpapapadyak.
“Of course walang nangyari!” inis na singhal ng dalaga sa kaharap saka ito napatayo at hinarap ng maayos ang dalawa. Pinanliitan niya ito ng mga mata sabay pinagtuturo.
“Magsabi nga kayo ng totoo. Kayong dalawa, napaghahalataan ko na kayo ha. Sinadya niyo ba akong lasingin noong isang gabi para lamang maihatid ako ng antipatikong lalaking iyon?"
“What? Hindi, oy! Talaga lang nagmagandang-loob iyong tao kasi nga may sasakyan naman at mahirap nang magmotor ka pa ano? Gosh, hindi kita keri gurl. Kung bakit kasi sa lahat ng klase pa ng motor, iyang enduro pa talaga ang gamit mo?"
Hindi pinansin ni Raine ang pag-ismid ni Elroy habang si Thely nama'y pinukulan niya ng matalim na tingin. Napaiwas ito at napatakip sa bibig, halatang nagpipigil matawa.
"Saka hindi ka naman namin mapipilit kung talagang ayaw mong uminom, di ba? Ewan ko ba sa’yo kung bakit kagabi…” nagdududang ani ni Elroy hanggang sa tila may bombilyang umilaw sa utak nito at may na-realize.
"Were you trying to do that dahil sa sinusulat mo ngayon? Are you experimenting, Lorraine?”
Nag-iwas ang dalaga ng tingin sa kausap. Nang magdako ang mga mata kay Thely ay agad ding sumemplang sa ibang sulok ng silid ang tingin. She can see Thely’s horrifying face na tila ba naniniwala naman sa sinabi ng isa.
“Totoo, ano? Kilala ka namin, Agatha Lorraine. Pini-pressure ka na naman ba ng editor ni Lauren? Is this something na gusto mong ma-experience para malaman ang pakiramdam ng malasing?” Thely tried to corner her.
“Saka kilala ka namin, hindi ka gagawa ng isang bagay kung hindi bukal sa loob mo-”
“Fine! Ok? Yes, I did it dahil kailangan sa istrya kong ginagawa ngayon, happy guys? Sarcasm is evident to her voice. Nagkatinginang ng makahulugan ang dalawa.
“Have you accepted that offer, Raine? Alam naming you can write but if it’s an erotic story then think again. Wala ka ngang love life, wala kang intimate experience sa opposite s*x, tapos gagawa ka ng erotic love story?” lumapit sa kaniya si Thely habang siya’y nakatayo sa wooden guard rail ng kaniyang balkonahe. Halata ang pag-aalala nito sa mukha.
“Do you think you can?”
Humugot ng isang malalim na paghinga si Raine. Alam niyang mahihirapan talaga siya dahil tama ang dalawa. How can she write something with erotic scenes kung sya nga mismo walang karanasan sa ganoong mga bagay. Geez, ni haplos nga ng isang lalaki ay hindi niya naranasan, gumawa pa kaya ng intimate bed scenes sa kaniyang sinusulat na kuwento? Of course, merong mga website ungkol doon, pero alam niyang hindi sapat ang technical research para i-put into writings at madama ng mga mambabasa ang kaniyang kwento. Idagdag pang hindi basta-bastang kuwento ang kailangan niyang isulat dahil nakasalalay doon ang pangalan ng kaniyang kapatid.
“Hey, okay ka lang?” Tumabi na rin sa kaniya si Elroy. Sumandal ito sa hand rail ng balkonahe sa kaniyang gilid kaya magkaharap sila ng bakla. Sumeryoso na ang mukha nito at muli na naman niyang nakita ang nasayang na kaguwapuhan nito. Sayang talaga dahil sa kisig ng katawan at tangkad. A boy-next-door cuteness he possesses na pinanghihinayangan ng mga kababaihan sa tuwing malalamang pusong babae ito.
She’s been friends with Elroy and Thely since grade school kaya alam na alam nilang tatlo ang likaw ng mga bituka ng isa’t-isa. While Elroy is a successful CPA, si Thely Faith naman ay isang freelance wedding organizer.
She on the other hand, is a freelance painter na napilitang iwanan sandali ang sariling mundo para sa kapatid niyang pumanaw a year ago.
“Hindi mo naman kailangang magpanggap, beh.” Thely hugged her from her other side to let her feel comforted.
“Hindi ba’t nagkasundo na ang publishing house ng kakambal mo at saka ang parents mo? We thought na nagkasundo na ang both parties na ipaalam sa public na..wala na si Lauren.” Halata ang pag-iingat sa huling mga salitang binanggit ni Thely. Alam kasi nilang masakit pa rin sa dalaga ang pagkawala ng kakambal nito.
“That should be the plan pero nakiusap si Miss Fionna. The book one of her story was a hit at huli na rin namin nalamang kasama ang In Thy Arms sa napiling ipa-publish ng Zenith Pubishing. Pumirma doon si Lauren and I can’t just turn down her editor’s last wish for this.”
“Zenith Publishing? OMG, isa sa pinaka-sikat na book publishing ng Asya, nakapasok ang kakamabal mo doon?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Elroy.
Raine gently smiled while looking into the indian mango tree. Parang nakikita niya roon ang dalawang batang babae - magkapareho ang damit, ang ayos ng buhok at sabay na tumatawa. It was a vision of her twin sister and herself. Sandaling nanakit ang kaniyang dibdib bago huminga ng malalim at tumingin sa mga kaibigan.
“Yes, she did, El. Mabait naman sila’t nalulungkot din sa nangyari kay Lauren but then, I was the one who made this decision. In Thy Arms ang dahilan kung bakit sumikat ang pseudonym na Alora. I just want to bring honour to Lauren kahit wala na siya dito a mundo. I want to finish the book 2 sa paraang alam kong gugustuhin niya.”
Walang nakasagot sa dalawa niyang kasama. Mukhang alam na rin ng mga ito ang gusto niyang mangyari. Nakakaunawang niyakap siya ng mga ito. She gave the both of them gentle tap to each shoulder bago humiwalay sa kaniya.
“If that’s the case then we will help you, beh. Kailan ba ang submission mo niyan?”
Bumalik sa kaniyang study table si Raine. Naihilamos nito ang dalawang palad sa sariling mukha bago frustrated na sumagot, “I only have two weeks to do this. The story needs to be reviewed and edited bago ipasa sa publishing.”
“Dalawang linggo?! Aba’y nakita ko kanina ang screen ng laptop mo, ni hindi mo pa nga natatapos ang chapter one at mukhang pasan mo na ang daigdig. Beh, I am telling you, kailangan natin ng tulong. As in iyong walang short cut at direct to the point. Ano na ba’ng mga preparations ang ginawa mo? You should read romance books, erotic stories and watch p*rn videos. Dagdag kaalaman.” Mabilis na nagtitipa sa kaniyang cell phone si Elroy pagkatapos ay inilapit sa kaniyang mukha ang device nang makita ang hinahanap.
Agad pinamulahan ng mukha si Raine nang mapagtanto kung ano iyon. Napatili at napahagikhik pa si Thely Faith habang siya nama’y mabilis na iniiwas ang tingin doon. Talagang naeskandalo siya sa mga hubad na katawang nasilayan doon. Napatili rin si Elroy nang kamuntikan pa nitong mabitiwan ang cell phone dahil sa impulse niyang tabigin ito.
“Elroy, you’re so scandalous!” kahit si Thely ay namula sa nakita. Elroy just made a face to her, “Naku, kung maka-scandalous kang babae ka, akala mo eh inosente no? Ang arte, ha. Last time I checked, si Raine lang ang virgin sa ating tatlo dito.” mataray nitong sabi.
Tumahimik si Thely pero masama pa ring nakatingin sa baklang kaibigan. Aminado naman itong tama ang isa dahil almost three years din itong nakipag-live in boyfriend bago nagpasyang putulin na ang relasyon sa playboy nitong ex. Alangan namang sa halos tatlong taon na iyon ay nagtitigan lang sila, di ba?
“I did some research, guys. Aside from not being good as my twin in doing this stuff, I need to do more than just reading and watching this stuff. I need to make this book worthy enough to be my sister’s last legacy.”
“And you are saying…” halos alam na ni Thely ang nais mangyari ng dalaga.
“You want to experience it.” It was a declaration rather than a question.
“As in maghahanap ka talaga ng lalaking gagawa sa’yo?” Eskandalasong tumaas ang boses ni Elroy.
Napapikit sa inis si Raine, “Iyang bunganga mo talaga, El...kapag ikaw narinig ni daddy sa labas, talagang kakatayin kita.” si Thely nama’y sinamaan niya din ng tingin. Natatawa itong hindi makapaniwala sa kaniyang naisip.
But she is serious. Hindi siya magaling na writer katulad ng kaniyang kakambal. Her art department belongs into painting.
Yes, they are a family of art masters pero sa iba’t-ibang aspeto. Their parents are both music teachers habang silang apat na magkakapatid ay may kaniya-kaniya talagang forte. Ang Kuya Amos nila ang sumunod sa yapak ng mga magulang bilang music teacher habang ang bunso naman nilang si Arianna Laurice ay isang architect. Lauren had a degree in Mass Communication habang siya’y tapos naman ng Fine Arts.
Ayaw pa rin siya tinigilan ng dalawa. Gusto na niya talagang mapikon but then she realized, talaga namang creepy ang gusto niyang mangyari.
"Creepy at the same time, exciting. Kaming bahala ni Thely, bhe."
Naiiling na tinalikuran ni Raine si Elroy. Alam na niya ang naglalaro sa utak ng dalawa habang may ngiti sa mga labi. Both agreed to it at halos hindi na magkandatuto sa pagpaplano mga puwede niyang gawin sa loob ng dalawang linggo para ma-meet ang deadline.
Huminga si Raine ng malalim. Naisip niyang magkaiba man sila ng ugali ni Lauren, sila pa rin ang best buddies hanggang sa huli. She misses her twin at muli pa'y bumalik sa kaniyang isipan ang huling alaala niya sa kapatid.
"You are my bestfriend, Raine. I'll be with you kahit nasa malayo pa ako."