Chapter 3

2201 Words
Kung hindi pa sila nakarinig ng magkakasunod na katok sa pinto ng kaniyang silid ay hindi pa mapuputol ang hagikhikan ng dalawa. Parang wala lang siya sa paligid kung magkuwentuhan ang dalawang kaibigan lalo na kapag siya ang target nitong asarin dahil nga sa pagiging loveless niya. Madalas siyang asarin ng mga itong martir sa kaniyang TOTGA na noong una'y hindi naman niya alam ang ibig sabihin. "The one that got away- iyan ang ibig sabihin ng TOTGA, bhe. Ang taong minahal mo at inakala mong kayo na pero hindi pala kayo ang itinadhana. Nasa iyo na pero nakawala pa, ganern." she could remember Thely explained it to her. At iisang lalaki lamang ang tinutukoy ng mga ito. "Eh ano'ng ganap lang ba sa inyo ni fafa Atreus pagkatapos kang ihatid dito sa kuwarto mo? Wala bang nagising na natutulog na damdamin?" ayan na naman at mukhang walang planong bitawan ni Elroy ang usapin sa lalaking iyon. Kung ilang beses siyang napabuga ng malakas sa hangin ay hindi niya na mabilang. Kung hindi niya pa ito binigyan ng warning stares kung saan alam nang napipikon na siya, hindi pa talaga ito tatahimik. Sumasakit na ang ulo niya sa stress dahil sa ginagawang libro, dadagdag pa ang ingay ng kaniyang mga kasama. Kung magagawa nga lang sana niyang itaboy ang mga ito, kanina niya pa ginawa. Kaso, 'wa epek talaga sa dalawang ito ang singhal na ginagawa niya. Alam din kasi ng mga itong hindi naman siya talaga nagagalit sa mga ito and that she truly appreciate their presence kapag naroroon ang mga ito. Suwerte na ring magkita sila ng tatlong beses sa isang buwan dahil sa kaniya-kaniya ding busy sa mga trabaho. Alam na nila ang ugali ng bawat isa. “Hello, Tito Francis!” si Thely ang nagbukas ng pinto kasabay ng malapad na ngiting pagbati nito sa ama ni Raine. Mabilis na naunang nakapasok ng silid si Luli habang kumakawag ang buntot. Dumiretso ito kay Elroy na agad namang nakipagharutan sa aso. Kilalang-kilala na nito ang dalawa lalo pa’t minsan din ay nag-oovernight ang mga ito sa tahanan ng mga Sta. Romana. “O, nandito pala kayo ni Elian.” tumango ang medyo istriktong mukha ng ama ni Raine pero ganoon lang naman iyon. Mabait si Prof. Francis Sta. Romana na madalas ay nami-miss judge ng mga taong hindi nakakakilala dito dahil sa laging seryoso ang mukha nito. Kumpara sa asawang si Dolores Sta. Romana na isang master teacher naman sa comprehensive high school sa kanilang lugar. Masayahin ang awra ng ginang. Pumasok ang ama sa silid pero nanatiling nakatayo lamang ito sa bandang pintuan. Gustong mapangiwi ni Elroy sa pangalang narinig mula sa kagalang-galang na prof but then he’s used to it. Kilala nila ang ama ng kaibigan at malapit din ito sa kanila ni Thely. The whole family in fact. Para na silang ampon nga mga Sta. Romana, same to Raine with their families. “Hi, Tito Francis. May dala po akong dragon fruits kanina. Nag-harvest pala sina Papa nakaraan sa farm, talagang itinabi niya po iyon para sa inyo ni Tita Dolor.” “Yeah, I saw it. Thank you, pakisabi sa Papa at Mama mo.” lumiwanag ang mukha ng prof. Masaya itong may magagawa na namang dragon fruit wine. Francis became fond of doing a home-made dragon fruit wine at pinag-iisipan na rin nitong gawing negosyo balang-araw. Bumaling si Francis sa anak pagkatapos. "You have a visitor, Lorraine. Nasa bahay ang anak ni Gov. Uytingco, hinahanap ka.” makahulugang tiningnan siya ng ama. Nakaangat ang dalawa nitong kilay habang nakapameywang. “Siya pala ang nakabili ng rest house ni Dr. Manzano sa tapat ng bahay.” Her foot fingers curved in annoyance lalo pa’t sabay na napatingin sa kaniya sina Elroy at Thely. Hearing that surname…ugh! Bakit ba kailangang mangunsumi siya ngayong linggo? Totoo nga yata ang kasabihang kapag nasimulan ng hindi maganda ang iyong araw, matatapos ang araw mong bad trip ka din. Parang katulad lang iyon sa linggo. Her week started waking up with a great head ache and then followed by the pangungulit of her friends. At ano ang narinig niyang sinabi ng ama? “He is. Kanina ay narinig kong sinabi niya sa mommy mo. In fact, diyan na nga siya natulog kagabi.” kampanteng sagot ng ama kay Raine nang tinanong niya kung tama ang pagkakasabi ng ama na ang suplado at buraot na si Atreus Uytingco ang bago nilang kapit-bahay. “Huwag ka nang magtagal at sumunod ka na rin kaagad, Lorraine. Kanina pa siya sa bahay at nakapag-breakfast na nga kasama namin ng mommy mo. Luli is done for her morning routine.” For everyone’s information, detached sa main house nila ang kaniyang lungga. It’s a bedroom/working room kung saan sa isang bahagi ng silid ay makikita ang nakahanay niyang mga gamit sa pagpipinta pati na rin ang ilang current works na hindi niya matapos tapos pa dahil sa nakabinbing writing commitment. Napahawak na lamang sa kaniyang batok ang dalaga at napapikit sabay buga ng malakas sa hangin. What a day! She’s about to turn her way to bath room nang muli niyang narinig ang sinabi ng ama. “By the way, Luli has been mated by a german shepherd. Did Manang Sylvia mentioned it to you?” kunot-noong tanong ng ama sa dalaga. Sa paraan ng pagkakasabi nito sa anak, mukhang alam na nito ang magiging reaksyon niya. “No, she didn’t, dad.” naaalarma, hulog ang dalawang balikat niyang sagot sa ama. Parang gusto niyang maluha sa nalaman. For heaven’s sake, hindi puwedeng magbuntis si Luli dahil nang minsang nangyari iyon, it almost took her life. Ayon sa vet na umagapay noon sa kaniyang alaga, nagkaroon ng infection ang kaniyang aso ng mamatay ang isang pup sa sinapupunan nito. Iyak ng iyak siya noon nang makitang halos tumitirik na ang mga mata ng alaga. Mahalaga sa kaniya si Luli. Nakita niya ito sa isang waiting shed malapit sa university, basang-basa sa ulan at nanginging sa lamig. Pauwi sila noon ng kakambal. She was so small and almost dying pero dahil sa maayos na pag-aaruga at pagmamahal, lumaki itong malusog at matalino. Hindi niya kakayanin kapag nalagay na naman sa kritikal ang buhay nito sakaling mabuntis ng nakatsambang heated male dog. Napahugot ng malalim na paghinga si Francis. He of course knew what’s her dilemma now. “Bilisan mo na at sumunod ka na sa akin. Hindi magandang pinag-aantay ang bisita, Lorraine. Elroy and Thely, sumabay na kayo sa akin.” She hated the news na nasa tapat lang ng bahay nila ang bagong tirahan ni Atreus Uytingco pero mas kailangan niyang alalahanin ang kondisyon ni Luli. Nagngingitngit ma'y wala na rin siyang magagawa sakaling nakabuo ito. Hindi niya rin masisisi si Manang Sylvia. May edad na rin ito ang knowing her baby Luli, sobrang likot nito kapag nakakawala. Perhaps, nang minsang nakapuslit ito sa leash, doon ntsambahan. Raine chose to wear a vintage printed t-shirt kung saan nakabalandra Pink Floyd band sa harapan. She paired it with a tattered jeans at nagsuot lamang ng flip flops bago lumabas mg lungga niya at tumungo ng main house. Mula sa entrance sa likurang bahagi ng kanilang two-storey modern bungalow house ay dinig na niya ang kantahan ng mga taong nasa living area. Mukhang ang kaibigang si Elroy at ang mommy niya ang nangunguna habang ang daddy niya ang nasa piano at tumutugtog. It's the famous Aladdin theme song A Whole New World. Narinig niya noong isang araw na binanggit na amang magkakaroon ng isang charity event sa provincial capitol sa susunod na buwan. Kabilang ang mga magulang ni Raine sa kilala at nirerespetong haligi sa kanilang lalawigan pagdating sa musika. At mukhang sa umagang iyon, nasa practice session ang mga o Tahimik lamang siyang pumasok at tumungo muna ng dining area para tingnan kung ano ang pwedeng makain. Ang nakabuntot na si Luli ay agad dumiretso sa mga taong nasa sala. She saw Thely moving her head na tila ba hinahanap siya. Sinenyasan siya nitong lumapit sa kanila but she just nodded and mouthed "sige lang". Kumuha ng tasa ang dalaga at nagtimpla ng black coffee. She use to have three to four cups a day, all black without sugar. May nakita siyang red velvet cake na nasa island counter. Umangat ang isa niyang kilay. Mukhang may nagregalo na naman ng cake sa kanilang pamilya. She knew dahil bukod sa hindi sila masyadong mahilig sa cake, umiikot lamang sa tatlong flavours ang kanilang nakasanayag bilhin. Unless kung merong nagreregalo na walang idea na yema, chocolate at carrot cake lamang ang kanilang nakasanayan Nang mapadaan si Manang Sylvia, ang nasa dalawampung-taon na nilang kasambahay, tinanong siya nito kung gusto ipaghahanda siya ng almusal. It's more of a brunch na pero nakisuyo lang siya ng isang slice ng cake. Nang iabot sa kaniya ni Manang Sylvia ang cake, agad itong tumalikod at dinampot ang isang pumpon ng kakaibang bulaklak. Hindi niya iyon agad napansin kanina dahil nasa cake ang kaniyang atensyon. Manang Sylivia is humming habang hawak-hawak iyon. Hindi naiwasan ni Raine ang mangiti na rin sa ganda ng mga ito. "Alstroemerias!" nakilala niya ang makukulay na bulaklak. "Kanino po galing ang mga iyan, Manang Sylvia?" Dumako ang tingin ng kasambahay sa hawak nito. Malapad ang ngiting sumagot, "Aba'y sa anak ni Governor Uytingco, Raine. Kasama nito iyang kinakain mong cake ngayon. Eh nagkita na ba kayo ng anak ni Gob? Ay, kagandang lalaki, iha. Iyon ba'y nanliligaw sa iyo?" She wasn't prepared for that. Kamuntikan nang masamid si Raine sa narinig. Pasimple niyang nilunok ang isinubong cake saka humigop ng kape bago ibinaling ang mga mata sa kausap. "Manang, kung anu-ano ho ang naiisip niyo." Lumakas ang pagkabog ng kaniyang dibdib at sa hindi mawari'y parang pinapayapa ng mga bulaklak ang kaniyang pakiramdam. Mukhang nawalan na yata siya ng gana sa nalaman. Mabilis din kasing rumehistro sa kaniyang isipan iyong gabing ng reunion. Sumakit yata ang ulo niya nang maalalang nagtrending pala iyon sa f******k. May nakakuha ng video footage nang bumaling siya sa lalaki matapos siya nitong kabigin bago siya dumiretso ng... You're so gross, Raine. Sa isip niya lang sinabi nang maalalang nasukahan niya ang lalaki. "O, nandito na pala si Lorraine." ang seryosong boses ng ama ang sumunod niyang narinig. Nang lingunin niya ito'y hindi niya napaghandaan ang taong nakasunod sa likuran nito. "Good morning, Agatha Lorraine." It was Atreus baritone voice. Seryosong nakatutok sa kaniyang mukha ang mga mata nito. Ayun na naman ang mga titig nitong parang apoy na tumutupok sa kaniyang pagkatao. That was a familiar feeling na napagtagumpayan na nga niyang kalimutan pero eto na naman at mukhang magdadala na naman sa kaniya ng kaguluhan. Indeed, it is chaos dahil sa sumunod na sinabi ng ama. "I believe you owe an apology and a thank you to this man. And you must greet back good morning, too. Am I right, Agatha Lorraine?" makahulugang tinitigan siya ng tatay niya at kapag ganoon na ang boses nito, wala na siyang choice kundi ang sumunod dito. Malamang, may alam na ito sa ngtrending na ginawa niya sa social media. Tumikhim ang dalaga at pilit na ngumiti sa bisita. Marahang napahawak sa kaniyang leeg kasabay ng dahan-dahang pagbaba ng hawak na tinidor. She's really on heat, not becuase of a lustful heat but because of a heat that flushes on her face sanhi ng matinding inis. Mukhang hindi magandang pangitain ang nagbabadya dahil sa muling pagkikita nila ng lalaki. Parang gusto niyang sabihin sa ama na kung alam lamang nitong nagisnan niyang nasa loob ng kaniyang kuwarto ang damuhong bisita, baka hindi na ito nakapasok pa sa gate ng kanilang bahay. That night, si Manang Sylvia lamang ang nasa malaking bahay and her parents went to Baguio for a three-days seminar. Ang panganay na kapatid ay may sarili namang bahay na ipinapatayo at minsan'y doon ito natutulog at sa pagkakaalam niya'y naroroon ito nang gabi ding iyon while her younger sister, tulog mantika. Kung papaano'ng nakapasok sila sa kaniyang cottage sa likod ay palaisipan pa rin sa kaniya. Basta't ang alam niya'y "Atreus, maiwan ko na muna kayo ng anak ko. Pag-usapan niyo ng maayos kung paano mapananagutan si Luli ng alaga mong aso." Nanlalaki ang mga mata ng dalaga. Napatuwid ito ng tayo at nanggigigil na binalingan ng tingin ang bisita. "Aso mo ang lumandi kay Luli?!" Tamad siyang tiningnan ng binata, "Parang ikaw pa ang lugi niyan, ha? She's just an aspin, and mine-" "Hah, grabe. Hindi naman pang-iinsulto iyang sinasabi mo, ano? Ano ngayon kung aspin si Luli? You're bragging because of your breed?" "Instead of whining, let's just talk how can we handle this. Malay ko bang magustuhan ng aso ko ang aspin mo?" Napapikit sa inis si Raine. Before she can protest dahil sa kayabangan ng kausap, inabot na ni Atreus ang kaniyang pulupulsuhan at hinila na siya papalabas ng service door sa likod ng bahay. Pumiglas si Raine at matatalim ang mga matang tiningala ang binata. "Hindi mo'ko kailangang hawakan o hilain." nanggigigil na ani sa binata. Atreus just shrug his shoulder and smiled sardonically. He extended his right arm towards the door's direction and said, "Ladies first then."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD