bc

Starting Now

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
bisexual
lighthearted
highschool
betrayal
cheating
friendship
school
naive
like
intro-logo
Blurb

Isang bakla at babae ang magkaibigan at parehas na pinakamatalino sa kanilang eskwelahan. Parehas silang naglalaban para maging valedictorian pero kahit ganito ay hindi sila nagkakaaway. Hanggang sa may dumating na lalake na bagong estudyante. Hindi nila maiwasang maging curious sa kaniya. Patuloy kaya silang maging magkaibigan o mawawasak ang matagal nang pinagsamahan

chap-preview
Free preview
Bukang-Liwayway
Simula na ng pasukan sa St.Therese of Avila Montessori School SY 2005-2006 at ang laki ng tuwa ni Queenie. Gumising siya ng may malaking ngiti sa kaniyang mga labi. Hanggang pagligo at pagsabon sa kaniyang balat ay may haplos ng tuwa at lambing. Sabik na sabik siya na pumasok at magsimula sa bagong taon ng pag-aaral. Isinuot na niya ang pantalon at polo na uniporme. Sabik siyang ipakita ang bago niyang pagkatao. Bumaba na siya para kumain ng agahan. Nandoon na ang kaniyang Papa na nagbabasa na ng Opinion Section ng diyaryo. Ang nanay naman niya ay tapos na magluto. Binabasa naman niya ang Business Section. Nang naabot na niya ang mesa, parehas na ibinaba ng kaniyang mga magulang ang diyaryong binabasa. "Good morning, anak!" pagbati sa kaniya ng mga magulang niya. "Good morning!" sagot ni Queenie. "Iba ang ngiti mo ngayon ah?" tanong ng kaniyang Papa. "Alam mo na, Papa. Siyempre bagong school year, bagong lessons. New things to learn. Ganern!" "Parehas ba kayo ng section ni Angie?" tanong naman ng kaniyang Mama. "Hindi, pinaghihiwalay yata kami." sagot ni Queenie. "Bakit naman. You're friends right?" sabi ng kaniyang ina. "Oo naman friends naman kami pero iyong school kasi dinisdistribute yata kami para medyo pantay kada section." "Basta ang importante, you have fun ha. Ayoko lang basta valedictorian ka. You need to enjoy your life with your friends." pagpaalala ng kaniyang Papa. "Yes, Pa." Nagpatuloy sila sa pagkain at nagkuwentuhan sa mga pwedeng matutuhan ni Queenie ngayong 3rd year high school na siya. Maaga pa naman; alas-singko imedia pa lang ng umaga kaya hindi sila nag-mamadaling kumain. Tutal malapit lang din ang school sa bahay nila. Pagkatapos kumain ay nagsitayuan na sila. Kinuha ni Manang Mona ang mga pinagkainan at sinimulan nang hugasan. Tumayo na silang mag-anak. Inihatid siya ng kaniyang tatay sa eskwela gamit ang kanilang family car. Nakarating sa school si Queenie ng matiwasay at mabilis. Habang naglalakad sa hallway papunta sa kaniyang classroom, pinagtitinginan siya ng mga kapwa estudyante. Noong nasa lockers siya, ang mga kapwa year level niya ay nakatingin din. "Yan na ba iyong bakla?" bulong ng isang babae sa kaniyang katabi. "Oo, parang mas ladlad na siya." bulong naman ng mga katabi. "Bakla, akala ko ibang school ka na?" sigaw naman ng isang lalaking estudyante. Hindi iyon pinansin ni Queenie. Sanay na siya sa mga ganoong pagtrato sa kaniya. Ang importante sa kaniya ay maabot ang kaniyang mga pangarap. Naniniwala siya na edukasyon ang magbibigay sa kaniya ng halaga para hindi ipagsawalang-bahala ng lipunan. -------------------------------------------------------------------------- Si Angie naman ay gumising ng maaga. Pagkatayo niya ay dahan-dahang humakbang para hindi niya maapakan ang kaniyang mga kapatid. Malapit na siya sa may labasan ng kwarto. Namali ang kaniyang tapak at naapakan niya ang paa ng tatay niya. Natumba siya sa may labasan ng kwarto. Napaungol sa sakit ang kaniyang tatay pero pinilit na lang matulog uli. Tumayo na uli si Angie at nagluto ng itlog. Ang luto niya ay sunny side up. Isa lang ang niluto niya dahil wala na siyang oras para ipagluto ang kaniyang pamilya. Naligo na siya at nagbihis tapos ay lumabas na siya ng bahay. "Angie, gising na ba ang nanay mo?" tanong ni Aling Ising. Tawag sa kaniya galing sa bintana ng bahay. Isang kahoy na pader lang ang namamagitan sa bahay ni Aling Ising. "Hindi pa po." sigaw ni Angie. Hindi tumigil si Angie sa paglalakad. Nilakad niya ang masikip na daanan na papunta sa labasan. Gigilid siya ng bahagya pag may kasalubong na dadaan. Minsan ang kaniyang puting uniporme ay napapadikit sa mga semento. Hindi na niya iyon iniisip. Ang importante ay nasa hindi siya mahuli sa klase. Pagdating sa labasan ay sumakay siya ng dyip para makarating sa bungad ng subdivision. Pagdating sa bungad ng subdivision, sasakay siya ng traysikel papunta sa eskwelahan. Tinignan niya ang oras sa kaniyang cellphone, 6:45 na. Malapit na siyang ma-late kung hindi bibilisan ng traysikel. "Kuyang Driver, pwede pakibilisan? Ma-lalate na kasi ako eh." pakiusap ni Angie. Tumulin naman ng bahagya ang traysikel kaso lang pagdating sa humps ay parang tatalsik si Angie sa kaniyang upuan. "Ingat naman kuya." pakiusap uli ni Angie. Parang nainis ang driver at mas lalong tumulin ang traysikel. Pagdating sa harap ng school. Nagbayad si Angie sa driver. "Mag-ingat ka naman kuya sa susunod." sabi ni Angie. "Sabi mo bilisan eh." sagot ng driver. "Oo, sabi ko bilisan pero hindi naman iyong ikamamatay ko." Padabog na inabot ng driver ang kaniyang sukli. Hindi na siya tinitigan at umalis na ang driver. Tumingin si Angie sa kaniyang cellphone, 6:55 na. Tumakbo na si Angie papunta sa gate hanggang sa classroom niya sa second floor. Pumasok siya sa classroom at naupo. Hinahabol niya ang kaniyang hininga habang hinuhubad ang kaniyang bag. Buti na lang umabot siya at hindi na-late sa klase. Huminga siya ng malalim at nilabas na ang kaniyang mga gamit galing sa bag. Inayos niya ang kaniyang buhok; sinuklay ng kaunti dahil naging buhagbuhag na ito sa biyahe. Pinagtinginan siya ng kaniyang mga kaklase. Sanay na sila sa kaniyang anyo dahil naging magkaklase na sila simula pa noong first year. Dumating na ang kaniyang teacher at nagsitayuan na sila para batiin ang kanilang teacher. Ang una niyang klase ay Algebra. Si Angie ay isang scholar sa St. Therese of Avila Montessori School (STAMS). Dati siyang nanggaling sa public school noong elementary. Pagkagraduate sa elementary nag-apply siya sa scholarship ng STAMS. Gusto niyang makapag-aral sa STAMS dahil kilala ang STAMS sa dekalidad na edukasyon. Maganda naman at tinanggap siya sa scholarship. Dalawang taon na siyang scholar. Sa school ang pinakapaborito niyang subject ay Algebra. Mahilig talaga siya sa mathematics. Natutuwa nga ang kaniyang Sir Reyes dahil siya lang ang babaeng estudyante nila na mahilig sa mathematics. Kaya ngayon para siyang kinikilig habang binabasa ang syllabus para sa taong ito. ------------------------------------------------------------- Filipino naman ang first subject ni Queenie. Hindi niya gaanong paborito ang subject na ito dahil maraming malalim na salita ang hindi naiintindihan at puro American TV series na ang kaniyang pinapanood. Kahit ganoon ay espesyal ang taong ito dahil aaralin nila ang Noli Me Tangere. Sa lahat ng literaturang Pilipino, ito ang pinakasabik siyang aralin dahil sa makasaysayang halaga ng nobela. Sabik din niyang mabasa ang pagmamahalan ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Naiisip tuloy niya kung kailan niya makikilala ang kaniyang Ibarra. "Mr. Navarro, nakikinig ka ba?" pagtawag sa kaniya ng teacher. Sumabay na rin ang pagtawa ng mga kaklase niya. Hindi naman siya kadalasan lipad ang utak pero sa mga unang araw kasi ng klase puro syllabus lang naman ang dinidiscuss ng teacher. Minsan pagkatapos ng syllabus ay class dismiss na kaagad. Hindi naman siya interesado malaman pa ang mga learning objectives at kung ano pa. "Opo, Ma'am. Nakikinig po ako at saka ang pangalan ko po ay Queenie." ngisian ni ang kaniyang teacher. Si Ma'am Legarda ang nagtuturo ngayon ng 3rd year Filipino. May pagkastrikta na nabalitaan niya from last year. Tumawa din ang kaniyang mga kaklase. Agad na pinatahimik ni Ma'am Legarda ang mga estudyante. "Siguraduhin mo, Mr. Navarro." pagalit sa kaniya. Parang may karayom na tumusok sa kaniyang dibdib dahil ang tawag pa rin sa kaniya ay Mr. Navarro pero wala siyang magagawa. Matanda na ang teacher at matigas na ang mga paniniwala. "Opo, sisiguraduhin ko po." Nagpatuloy ang guro sa pag-discuss ng syllabus. Hindi na hinayaan ni Queenie na lumipad ang kaniyang isipan, baka mahuli siya ulit at pagalitan. Ayaw niyang ma-bad shot sa teacher na ito dahil narinig din niya na may favoritism din ito. Mabilis na dumaloy ang oras. Pagkatapos ng Filipino ay PE. Mas lalong favorite subject niya ito. Makakakita siya ng katawan ng lalake. Kinikilig na siya mula ulo hanggang paa pero first day lang naman kaya wala pang outdoor activities. Lugmok na naman siya sa kaniyang arm chair. English ang next subject at Anglo-American Literature ang aaralin for this year. Gusto na rin niya magbasa ng Romeo and Juliet. "Class remember, Shakespeare is not just about Romeo and Juliet, This year you will discover the whole collection of plays by Shakespeare. That's why don't confine yourselves to just one idea." sabi ng kaniyang teacher na dating call center agent, si Ma'am Regalado. "Okay class, dismiss. But don't go out yet. Wait for the recess bell." Habang naghihintay ng recess, nilabas na lang ni Queenie ang binabasang libro. Ang libro ay Nicholas Sparks. Ito ang sikat ngayong libro sa kaniyang mga kaklase. Kaya noong ibinababa niya ang libro para magpahinga, tinatanong siya ng kaniyang katabi na si Luisa. "Kamusta? Maganda ba iyong libro?" Hindi kaagad nakasagot si Queenie. Ninanamnam niya ang huling pangyayari sa istorya na nabasa niya. Kilig na kilig siya pero hindi siya pwedeng mag-ingay at baka pagalitan siya ng kaniyang teacher. "Sobrang nakakakilig!!" mahinang sagot ni Queenie. "Talaga? Paano nakakakilig?" Pinakita ni Queenie ang eksena sa libro. Binasa ng unti ni Luisa. Nagkatinginan sila pagkatapos ay kinilig. Mahina silang umungol. "Pagkatapos mo pahiram ah?" paalam ni Luisa. "Oh sige." Tumunog na ang bell. Nagsitayuan na ang mga estudyante para mag-recess. Inayos na ni Queenie ang kaniyang mga gamit. Dinala ang mga kailangan at iniwan naman sa classroom ang hindi. Pagkalabas ng kuwarto ay sinipat ang kabilang classroom kung naglabasan na rin. May ilan-ilan nang lumabas pero parang wala pa naman si Angie. Hinintay ni Queenie na may lumabas na maton sa classroom at hindi siya nabigo. "Queenie, kamusta ka?" sigaw ni Angie sa kaniya. "Okay naman. Bakit parang natagalan kayo ng labas?" "Si Sir Jose kasi nagklase na, pagkatapos mag-discuss ng syllabus." "Talaga? Kamusta naman siya?" "Okay naman. Mukha namang mabait kaso lang magkakaroon daw kami ng mga suprise quiz. Doon ako kinakabahan lalo na kung Araling Panlipunan. Hindi naman ako magaling magkabisa." "Kaya mo yan. Guwapo ba?" "Gaga, matanda na. Ikaw talaga di mo makontrol sarili mo." "Sorry ha. Hindi ko kasi siya nakikita last year kaya akala ko bata pa." Tumawa ng malakas si Queenie at napatingin ang lahat ng mga kasabay nila sa hallway. Tinikom niya bigla ang kaniyang bibig dahil dumadaan na sila sa mga classroom ng elementary. Nagkaklase ang mga elementary, iba kasi ang oras ng kanilang recess. Nakarating na sila sa canteen ng school. Si Queenie ay may sariling baon pero hinintay niya na makabili ng kakainin si Angie. Bumili si Angie ng Nagaraya. "Hindi ka ba magkakaroon ng urinary stones niyan? Ang alat-alat niyan." pagpapaalala ni Queenie. "Hindi naman ako parating kumakain nito. Ang mahal lang kasi ng meryenda ngayon. Wow ha! May urinary stones ka pang nalalaman." Umupo na silang dalawa sa kanilang kadalasan na inuupuan sa may tabi ng akasya. Parehas na matalino sina Angie at Queenie pero dahil hindi parehas silang kapintas-pintas sa lipunan ay hindi sila sinasamahan ng mga kaklase nila. Si Angie ay mahirap at brusko kung gumalaw at si Queenie naman ay bakla. Kaya sila naging malapit na magkaibigan dahil parehas na mataas ang kanilang pangarap pero parehas silang tinutukso. "Oo, kaya. Hindi pinapakain ng mga ganiyang ng nanay ko kahit iyong mga nabibili sa karinderya kasi nga pwedeng magkaroon ng urinary stones." "Wow sa amin sakit sa bato lang iyon pero salamat sa pag-alala." "Ok lang iyon. Pwede mo bang ipahiram sa akin yong cellphone mo?" "Hindi pwede kasi iniwan ko sa office ang cellphone ko. Alam mo naman baka unang araw ay maghulihan na sila kaagad. Katulad last year na ginawa sa mga 3rd year." "Ikaw talaga. Bakit mo i-susurender doon. Siyempre kung marunong ka namang magtago. Hindi ka mahuhulihan." "Gaga, paano kung nahuli? Paano kung makaepekto sa honors ko?" "Hindi iyon? Kasama ba ang conduct sa pag-compute ng grades?" "Gaga, oo." "Ah sige. Kailangan pala maging maganda ang paningin ng mga teachers sa akin." "Bakit hindi ka na lang magpabili ng cellphone sa parents mo?" "Ayaw pa ni Papa, magka-cellphone ako. Sabi niya baka magka-boyfriend daw ako." "Ay, di makabasag-pinggan. Ganun ba gusto nila sa iyo?" "Ganoon yata ang gusto nila sa akin." Tumawa ng malakas na parang walang bukas si Angie. Natatawa siya dahil mabuti naman na tinanggap siya ng kaniyang mga magulang pero masyado naman siyang ginagawang babae. Binuksan na ni Queenie ang kaniyang baunan. Inihanda niya ang espesyal na toyo at wasabi paste. Sinimulan na kainin ni Queenie ang sushi na kagabi pa inihanda ng kaniyang nanay. "Saan naman daw ikaw makakahanap ng boyfriend? Puro gago dito sa school." "Akala nila siguro para akong bulaklak na mahalimuyak." sabay tawa silang dalawa. Mabilis nila uli itinikom ang kanilang bibig dahil tinititigan na sila ng isang teacher sa elementary. Hininaan din nila mga boses nila kasi baka marinig din silang nagsasalita ng bad words. "Ano iyan?" tanong ni Angie. "Sushi, gusto mo bang tikman?" "Wow, haponesa ba nanay mo?" "Gaga, siyempre hindi. Mahilig lang siya gumawa ng iba't-ibang international dishes." "Wow, sige kukuha ako ah. Sa TV ko lang ito nakikita dati eh." "Kuha ka lang." Pumulot ng isang sushi si Angie at isinawsaw doon sa toyong may wasabi. Isinubo niya ang sushi. Bumuka ang bibig ni Angie at umaaktong parang napapaso ang kaniyang bibig. "Ano iyong maanghang? Ang sakit sa bunganga." "Wasabi" sabay na inabot ni Queenie ang water jug. Kinuha naman ito ni Angie at lumagok ng maraming tubig. Tila na napawi na ang sakit at ibinalik niya na kay Queenie ang water jug. Sinilip ni Queenie ang water jug at unti na lang ang natirang tubig. "Dahil ikaw nakaubos, ikaw maglagay ng tubig mamaya." "Sige ba." sabay kuha sa water jug at pumunta sa water fountain para punuin uli ang water jug. Mag-isa lang na kumakain si Queenie nang may biglang dumaan sa kaniyang harapan. Itinutour ng principal ang isang mestisuhing lalake. Agad napansin ni Queenie ang estudyante dahil maputi ito at matangos ang ilong. Nalahian siguro dahil ang kaniyang mata ay itim na itim. Napatigil si Queenie at sinundan na lang ito ng tingin habang papalayo papunta sa mga canteen ang principal at lalake. Nakabalik na si Angie galing sa water fountain. Tinignan niya nsi Queenie at hindi mawari ang kaniyang sasabihin. "Binisita ako ng anghel, Angie." "Gaga, lalake na naman niyan eh noh?" "Oo" "Huwag mong sabihin na si Troy iyan. Kahit guwapo iyon, gago din iyon." paalala ni Angie. "Hindi iyong demonyong iyon. Iba, isang apparition ang nagpakita." "Ano ba sinasabi mo?" "May bagong estudyante yata dito sa school natin. Sana sa section ko mapunta." "Paano mo masisigurado na sa section mo? Baka sa elementary iyon." "Gaga, matangkad at tsaka parang kasing-idad natin." "Asan na ba iyon?" "Pagkatapos kasi i-tour ni Mr. Jimenez ay umakyat na." "Sayang di ko nakita. Nakatalikod kasi ako eh" "Di bale na baka makita natin mamaya. Gusto mo pa ba ng sushi. 15 pieces kasi ito. Baka masayang lang. Hindi ko kayang ubusin." "Sige ba pero hindi ko na isasawsaw dun sa toyo. Ang anghang kasi." "Ok lang. Ay nga pala! Wag mong kakalimutan iyong sleepover natin ah next week." "Gaga, hindi naman iyon magiging sleepover. Hindi yata ako papayagan na sumama sa iyo. Ang tingin pa rin ng magulang ko sa iyo ay lalake." "Kahit manood na lang tayo. Ito naman hindi marunong magrason sa magulang." "Sige na nga. Natatakot lang kasi ako kay tatay." "O sige. Kainin mo pa itong natira." Isa na lang ang natira at agad itong sinunggab ni Angie. Tumunog na ng malakas ang bell. Hudyat na iyon na tapos na ang recess. Nagsimula nang umakyat ang mga estudyante. Pagdating sa kanilang mga classroom ay naghiwalay na silang dalawa. Pagkatapos ibalik sa mga bag ang mga baunan ay lumabas uli sila para pumila. Nagulat si Queenie dahil ang lalaking nakita niya kanina ay kasama sa pila. Kilig na kilig na naman siya. Mukhang magiging masaya ang kaniyang school year ngayon. Noong naayos na nila ang pila ay pinapasok na sila ng teacher nila. Nandoon din sa classroom ang kanilang adviser. Kinausap muna ng kanilang adviser ang subject teacher. Pumayag naman ang subject teacher. Binati ng teacher ang mga estudyante at sunod ay binati naman ng mga estudyante ang kanilang subject teacher. Nagsiupuan na sila. Humarap ang kanilang adviser sa lahat. "Class, you have a new classmate." sinenyasan ng teacher na tumayo ang bagong estudyante na nakaupo sa may pintuan. Pagkapunta sa harapan ng estudyante ay sinabihan ng teacher na magpakilala. "Hi everyone! My name is Michael Buenavista. I came from St. Peter Catholic School. I hope that I can get along with all of you." "What are your hobbies and interests?" tanong ng kanilang subject teacher. "My hobbies are driving, swimming and dancing." Kinilig si Queenie sa kaniyang narinig. Gusto niya ng athletic na lalake. Ang mga babae sa klase ay kinilig pero hindi pwedeng mag-ingay dahil pagagalitan ng kanilang adviser kung ganoon. Naalala ni Queenie na may libreng upuan sa kaniyang kanan. Mas lalo siyang kinilig dahil malaki ang posibilidad na sa tabi niya uupo ang lalake. "That's enough you can find your seat." sabi ng kanilang subject teacher. Inikot ni Michael ang kaniyang paningin para maghanap ng upuan. Dalawa ang bakanteng upuan. Ang isa ay nasa 3rd row. Ang babaeng katabi doon ay nagsenyas kay Michael na doon siya maupo pero inikot niya uli ang tingin. Sa 2nd row ay ang bakanteng upuan sa tabi ni Queenie. Si Queenie naman ay nagpanggap na parang hindi niya gustong maupo doon si Michael. Nagpanggap siya na seryosong nakikinig sa teacher nila. Doon sa 2nd row siya pumunta. Ibinaba ni Michael ang kaniyang mga gamit sa sahig. Mabilis na diniscuss ni Sir Jose ang syllabus at nagsimula na ng lesson. Pinalabas ni Sir Jose ang kanilang textbook para sa Araling Panlipunan. "Pwede bang makibasa with you?" tanong ni Michael kay Queenie. "Ay wala ka bang libro?" sagot ni Queenie. "I just came from Spain. Patawad ah. Hindi pa kami nakakabili ng mga school supplies." "O sige." Idinikit ni Michael ang kaniyang upuan sa upuan ni Queenie. Napansin ng mga kaklase ang ginawa ni Michael. Ang mga malisyoso ay napaisip na lumalandi na ang mga bakla. Habang ang mga mababait naman ay kita nila na walang libro si Michael. "Pakilagay sa pahina 10. Mr. Buenavista, pakibasa ang unang talata." utos ni Sir Jose. "Yes sir." Binasa na ni Michael ang unang talata tungkol sa mga unang sibilisasyon. Maayos ang pagtatagalog ni Michael pero may maririnig kang unting accent. Habang nagsasalita si Michael ay inaamoy ni Queenie ang kaniyang hininga lalo na malapit lang naman ang kanilang mga ulo. Maiihi na yata siya sa kilig. "Very good, Mr. Buenavista." Nagpatuloy ang lesson ng ganoon ang ayos nilang dalawa. Magkadikit at halos magbabanggaan na ang ulo. Ayaw na ni Queenie na matapos ang sandaling ito. Nararamdaman niya na parang matutunaw siya pero kinontrol niya ang kaniyang sarili at baka maasiwa si Michael sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

NINONG III

read
416.8K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook