Bukang-Liwayway Part 2

3363 Words
Dumaan pa ang ibang mga subject na hindi namamalayan ni Queenie. Ang kaniyang damdamin at ulirat ay nandoon lang sa bawat kilos ni Michael. Dumaloy lang ang oras ng hindi niya napapansin. Ayaw pa niyang tumayo sa kaniyang upuan. Gusto lang niya magkadikit silang dalawa. Hindi pa kasi nakakabili ng libro si Michael kaya sa lahat ng subjects magkadikit sila ng upuan. Parating nakikitingin sa kaniyang libro, para tuloy silang magkadikit sa tadyang. Pinag-uusapan siya ng kaniyang mga kaklase na hindi din niya napapansin. Bukod sa hindi naman na niya pinapansin ang mga ganoon ay iba talaga nakabaling ang kaniyang pansin. Gusto niyang halikan si Michael pero nahihiya siya at baka mailang ito sa kaniya. Bago din silang magkakilala at baka layuan siya ng lalake pag ginawa niya iyon. Pinipigilan niya ang kaniyang nararamdaman. Pinipilit niyang hindi ngumiti at baka masyadong mapansin ng kaniyang katabi. Pinipigilan niyang hindi mapatawa ng malakas dahil sa kiliti na nararamdaman niya sa tiyan. Sinisisid niya ang langit, patuloy siyang tumataas ng tumataas hanggang marating outer space. Ang ligaya niya walang mapaglagyan pero kahit ganoon ay pinilit niyang pagkasiyahin sa isang maliit na box para hindi mapansin ng iba. Sa kaniyang ligaya ay nakalimutan na niya ang mga sarili niyang pangangailangan. Biglang naramdaman niya na kailangan niyang umihi, buti na lang at wala pa ang kanilang next subject. Dumeretso siya sa mga CR. Tinignan muna niya kung may tao sa boys CR. Sinilip niya ang mga cubicles at urinals kung walang tao. Ayaw niyang mabukayo habang jumijingle siya. Binilisan na lang niya sa loob ng cubicle at bumalik na sa klase. Pagbalik niya wala na si Michael sa kaniyang upuan. Nalungkot si Queenie parang bumagsak ang langit sa kaniyang ulo. Gusto niyang umiyak pero kinontrol niya ang sarili niya. Hindi namin gumana ang pagkokontrol niya dahil kitang-kita ng kaniyang mga kaklase ang kilos ng kaniyang katawan. Natatawa sila sa kaniya pero ang sa kaniyang kalooban hindi iyon biro. "Umayos ka diyan. Nandoon lang nakikipagkilala sa mga boys sa likod." sabi ni Luisa. "Anong sabi mo? Nasaan?" tanong naman ni Queenie. Si Queenie kasi ay lutang na lutang sa kaniyang damdamin kaya hindi gaanong gumagana ang tenga at mata. Tinignan naman niya ang itinuro ni Luisa. Bahagyang nakampante ang kaniyang kalooban pero naisip din niya na baka sinisiraan siya ng mga boys kay Michael. Napahawak siya sa braso ni Luisa. Kinabahan siya bigla sa kung anong sinasabi ng mga boys tungkol sa kaniya. "Kalma ka lang. Kung umasta ka parang mag-jowa na kayo. Hindi naman." paalala ni Luisa. "Huwag kang ganiyan. Baka in the future maging mag-jowa kami." Hinampas ni Luisa ang ulo ni Queenie. Hindi naman gaanong kalakas para magdugo pero may pwersa din ng unti para maalog. "Lokaret ka talaga." nagkunwaring masakit ang ulo ni Queenie sa pagkakahampas ni Luisa pero matagal na silang magkaklase. Alam na niya ang ugali nito. Dumating na ang kanilang teacher para sa kasalukuyang subject. Umayos na rin si Queenie ng pagkakaupo. Ang teacher ay si Sister Ruth. Kilala na ito ng mga estudyante dahil siya ang nagtuturo ng CLE sa lahat ng levels ng high school. Umayos ang tindig ni Queenie. Hindi pwedeng ipakita kay sister na bakla siya. Mapapagalitan siya nito. Bumalik na rin si Michael sa kaniyang upuan. Nakita ni Sister Ruth si Michael. Mababakas ang kaguluhan sa kaniyang mukha. Hindi niya kasi ito kakilala. Hindi yata nasabi sa kaniya na may bagong estudyante sa section na ito. "What's your name, hijo?" tanong ni Sister Ruth. Tumayo si Michael galing sa kaniyang upuan. "My name is Michael Buenavista and I'm a new student here in St. Therese of Avila." Pinaupo na niya si Michael at nagsimula nang ipamigay ang mga syllabus ng taong ito. Ibinigay na ng nasa harapan sa likod ang mga natitirang papel. Walang nasa harapan ni Michael kaya inabot niya ang nasa harapan ni Queenie. Ganoon din ang ginawa ni Queenie kaya nagkadikit ang kanilang mga daliri. May dumaloy na kuryente sa daliri hanggang sa dibdib ni Queenie kaya napabitaw siya kaagad. Nagtaka naman si Michael dahil balewala naman sa kaniya. Napansin ni Luisa ang reaksyon ni Queenie kaya kinurot niya ng bahagya ang tagiliran ni Queenie na nagpapitlag sa kaniya. Naagaw ang atensiyon ng buong klase pati na rin ni Sister Ruth. "Do you guys want to share what is happening there?" pagpapaalala ni Sister Ruth. "Nothing sister. I just accidentally hit myself with my own pencil." sagot naman ni Queenie. Tumawa ang kaniyang mga kaklase. "Okay be careful next time. Class, please be silent. We will start to discuss." pagpapanimula ni Sister Ruth. Bakas na bakas sa mukha ni Queenie ang kaniyang pagkakapahiya. Napangiti na lang din si Michael sa nangyari. Hindi naman siya dense para hindi mapansin. Matagal na rin siyang nakalagpas ng puberty. Alam na niya ang ganoong mga reaksyon. Hindi naman siya naiinis o nadidiri. May mga ibang bading na kaklase siya sa dati niyang school na nagkakagusto rin sa kaniya. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit nagkakagusto sa kaniya. Wala naman siyang ginagawa. Sa tingin niya may mga mas guwapo pa sa kaniya. Katulad lang ng kakikilala niya kanina na si Troy. Basketball varsity at captain pa. Ang mga ganoong klase ng lalake ang kadalasang nagugustuhan ng mga bading at babae. Hindi niya malaman bakit tipong-tipo siya ng mga bading. Pagkatapos ng discussion ng syllabus ay nagsimula na din ng first lesson si sister. Ganoon uli ang kanilang setup. Nakadikit siya kay Queenie habang binabasa nila ang textbook. Hindi din naman siya bulag dahil kita din niya ang epekto niya kay Queenie. Kahit ganoon ay kampante siyang dumikit kay Queenie dahil napapansin naman niya na hindi ito bastos na kung saan-saan napupunta ang kamay. Minsan pa nga ay nacucute-an siya dito dahil kitang-kita din niya na kinokontrol nito ang emosyon nito pero hindi sapat. Natutuwa na lang siya sa loob niya. Natapos ang kanilang discussion at tumunog na ang bell para sa lunch break. Tumayo na si Queenie at kinuha ang kaniyang baunan. Naalala ni Queenie na baka walang kasama sa lunch si Michael kaya nilapita niya ito bago makalabas ng classroom. "Michael, gusto mo sumama sa akin sa lunch. I mean hindi lang tayong dalawa. Kasama ko iyong isang friend ko na taga-kabilang section." anyaya ni Queenie. Napaisip si Michael dahil wala naman pa siyang ka-close masyado sa bagong school na ito. Hindi naman din siya makikupo sa kanila Troy dahil sa tingin naman niya hindi siya nababagay doon. "Sige sabay na lang ako sainyo." "Naku, hindi ka mababagot doon sa kaibigan ko. Madaldal iyon at matalino din." Lumabas na sila ng classroom at sinenyasan niya si Michael na manatili muna sa kinatatayuan nito habang susunduin ni Queenie si Angie. Pumunta si Queenie sa tapat ng pintuan ng kabilang section. Naglalabasan na rin ang mga tao pero nakita ni Queenie na si Angie ay nasa upuan pa nito. Noong nakalabas na ang mga tao, pumasok siya at lumapit kay Angie. Sinundot niya ang tagiliran nito. "Hoy, halika na. Lunch break na. Kain na tayo." "Ayoko, dito na lang ako sa classroom. Marami pang aaralin." sagot ni Angie. "Hoy, huwag kang ganiyan. Alam kong wala ka na namang pera. Halika pahihramin na lang kita." "Huwag na. Ang dami mo nang pinahiram sa akin. Nakakahiya na." "Ito talaga. Ngayon ka pa nahihiya. Ganito na lang bayaran mo na lang lahat ng utang mo pag nagkatrabaho ka na." "Ang tagal pa nun. Nakakahiya na sa iyo." "Tama na ang arte mo diyan. May ipapakilala ako sa iyo." Napukaw ang interes ni Angie sa sinabi ni Queenie. "Sino naman iyan?" "Please go out. Nobody is aloud in the classroom during breaks." sabi ng adviser nila Angie na papunta na rin sa canteen. "Ayan sabi na ni Ma'am. Labas na tayo. Hindi mo iyon makikilala kung hindi ka lalabas." Sinunod na ni Angie si Queenie at lumabas na sa kuwarto. Kinabahan ng unti si Queenie kasi baka hindi na kinayang maghintay ni Michael sa kanilang dalawa. Baka bumaba na sa canteen para kumain. Pagkalabas nila ng kuwarto ay nakita niya nandoon pa rin si Michael sa may tapat ng kanilang classroom naghihintay. Kinilig si Queenie dahil naisip niya na maaasahan at masasandalan itong si Michael. Boyfriend material, ika nga ng iba. Nakita ni Angie ang lalaking nakatayong mag-isa sa harap ng kabilang classroom. Tumakbo na ang pagiging synikal niya. Ayaw niyang masaktan ang kaniyang kaibigan. Mabait ito at matulungin sa kapwa. Mabilis maloko katulad ng last year na nangyari pero hindi na muna niya iyon inisip. Sumama tuloy ang kaniyang timpla. Ayaw na niyang kilalanin ang lalake. Siguro lolokohin lang nito ang kaniyang kaibigan. Kaso lang hinila siya papalapit kay Michael ni Queenie. "Angie, this is Michael. Ang bago nating ka-batchmate." pakilala ni Queenie. "Nice to meet you." mahinang sagot ni Angie. Sinadyang hindi ngumiti para ipakita na hindi niya gusto ang lalake. Si Michael naman ay napansin ang ganoong asal ni Angie pero akala niya may masakit lang na ngipin. "Please go down now. Don't waste your allotted time for lunch." paalala uli ng adviser nila Angie sa kanilang tatlo. Hinihintay pala silang bumaba. "Halika na tayo. Kain na tayo ng lunch." aya ni Queenie sa dalawa. Naglakad na sila papuntang hagdanan nang biglang akmang babalik si Angie. Pinigilan siya ni Queenie. "Nakalimutan ko iyong wallet ko." sagot ni Angie. Nagtaka si Queenie kay Angie. "Nakalimutan mo ba?" tinignan ni Queenie si Angie ng makahulugan. Naalala na ni Angie na ililibre siya ni Queenie kaya dumeretso na sila sa hagdanan. Hindi masyadong nagsalita si Angie habang papunta na sila sa canteen. Si Queenie naman ay panay ang kuwento kay Michael ng mga experiences nilang dalawa bilang magkaibigan. Naiirita naman si Angie dahil kung anu-ano na ang kinukwento kay Michael hindi pa naman sila matagal na magkakilala. Sa kaka kuwento ni Queenie ay hindi niya naayos ang tapak sa isang hakbang. Matutumba siya paharap at mahuhulog sa hagdanan. Buti na lang ay nasalo siya sa tagiliran ni Angie at nahila ni Michael ang manggas. Hindi siya tumuloy sa pagkakahulog. "Tumingin ka sa dinadaanan mo. Baka mahulog ka." pagalit na sinabi ni Angie. Hindi na nakapagsalita si Michael dahil gulat na gulat din siya sa nangyari. Buti na lang nakakilos din siya kaagad. Buti na lang din nasa huling hagdanan na sila kaya malapit na. Pagdating nila sa canteen halos patapos na ang mga taong kumain ng tanghalian. Pumunta sila sa kanilang kadalasang kinakainan. May nakaupo na doon pero patapos na naman kaya hihintayin na lang nila. "Gusto mo? Bumili na ikaw ng kakainin para handa na pagkaupo na natin." suggestion ni Michael. "Oo nga. Ako na lang bibili Angie. Tutal hiyang-hiya ka na sa akin. Lubos-lubusin na natin iyan." sagot ni Queenie. "Huwag na." pagtutol ni Angie pero umuna na si Queenie at wala na siyang nagawa. Hinintay na lang nila Michael ang mga nakaupo sa gusto nilang puwesto. Hindi sila nag-usap dahil hindi naman parehas nag-try makipag-usap. Sa wakas ay umalis na din ang mga nakaupo. Sinunggaban na kaagad nila ang puwesto. Nilinis ni Angie ang ibabaw ng mesa gamit ng kaniyang palda. Tumawa ng malakas si Michael. Hindi niya inaasahan ang ganoong asal ni Angie. Naghanap din siya ng pangatlong upuan para kay Queenie. Pagkatapos maglinis ay tinignan ni Michael ang kaniyang relo. Sampung minuto na lang ang natitira sa kanilang lunch break. Buti na lang at dumating na si Queenie. Nilapag na ni Queenie ang pagkain ni Angie at nagmadali na silang kumain. Hindi na nag-usap at baka mabulunan pa. Tumunog na ang bell. Buti na lang ay huling subo na ni Queenie. Tumakbo na sila papunta sa 3rd floor pero nasalubong nila ang isang madre na pinatigil sila sa pagtakbo. "No running in the hallways!" sabi ng madre. Tumigil tuloy sila sa pagtakbo at mabagal na umakyat sa hagdanan. Pagdating nila sa kanilang mga classroom ay nagsisimula nang pumila ang kanilang mga kaklase sa labas ng classroom. Sila naman ay nagmadali na ibalik ang kanilang mga gamit sa loob. Pagkatapos ay pumila na uli sa labas. Ang sunod na mga subjects ay ganoon pa rin para kay Queenie. Kinikilig pa rin siya tuwing dumidikit ang silya ni Michael sa kaniya. Iniiwasan naman ni Michael na mapadikit ang kaniyang tuhod o braso kay Queenie dahil ayaw niyang bigyan iyon ng motibo. Alam niya ang mangyayari pag nabigyan ng motibo ang mga bading. Alam na alam niya. Dumaan uli ang mga oras na wala masyadong nangyari dahil ang mga sumunod na subject pagkatapos ng lunch break ay hindi nagsimula ng lesson. Si Queenie naman ay ginawa ang lahat ng makakaya niya para ma-entertain si Michael. Nagkuwento siya ng kung anu-ano para hindi mabagot si Michael. Kita din naman iyon ni Michael at doon napabilib ni Queenie si Michael dahil napaka-maalahanin nito. Pero siyempre hindi lahat ng oras ay pwedeng gugulin lang sa iisang tao. Napagod din si Michael sa kakapakinig sa mga kuwento ni Queenie. "Iikot lang ako sa classroom ah. Parang tinatawag yata ako ng adviser natin." Tumayo si Michael at pumunta sa kabilang dulo ng kuwarto. Si Queenie naman ay hinabol siya ng tingin. Inaasahan na babalik ito sa kaniyang tabi. Kinurot na naman siya ni Luisa. "Aray, ang sakit naman nun ah." sabi ni Queenie. "Ikaw talaga. Buti na lang mabait iyong tao. Pinagpapasensyahan ka." pagalit ni Luisa. "Bakit ano bang mali sa ginagawa ko?" "Masyado mong sinasarili iyong tao. Hindi naman pwedeng ikaw lang ang kaibigan dito sa buong classroom." "Anong masama doon?" "Maraming masama doon." "Katulad ng ano?" "Sa future pag maging mag-jowa kayo. Masasakal mo siya." Natuwa si Queenie doon sa magiging mag-jowa sila pero nagulat siya sinabi nitong masasakal niya si Michael. Para sa kaniya kasi ang pagmamahal ay parating nandoon ka para sa minamahal mo. Parati kayong nag-uusap at parati inaalam ang nangyayari sa buhay ng isa't-isa. Ibinubuhos ang atensiyon sa isa't-isa. Ganoon kasi ang nakikita niya sa kaniyang mga magulang. "Mali ba ang ginagawa ko?" tanong ni Queenie kay Luisa. "Mali, kasi lahat ng atensyon mo nasa kaniya. Na-pepressure din siya na gawin din iyon." sagot ni Luisa. "Mali ba iyon?" Nagtaka si Luisa sa tanong nito. "Bakit ganiyan ka magtanong? Bakit seryoso na kaagad?" "Hindi ko rin alam. Ikaw kasi eh. Sinabi mo masama kaya napaisip tuloy ako." "Kita ko naman kasi na sinasarili mo iyong tao. Mga dalawang oras mo nang ipinipilit na magkuwento." "Ganun ba?" "Oo" May sasabihin pa sana si Queenie kay Luisa pero dumating na ang kanilang next subject. Bumalik na rin sa upuan si Michael. Nagbago na ang disposisyon ni Queenie dahil sa sinabi ni Luisa. Hindi niya alam ang kaniyang nararamdaman. Ito ba ay guilt o conscience. Basta biglang nalungkot siya. Hindi din niya maintindihan kung mali ba ang ginagawa niya kanina. Napansin din ni Michael ang pagbago ng ugali ni Queenie. Hindi na siya pino kung gumalaw. Hindi na rin ngumingiti katulad ng kanina. Mas lalo niya iyong napansin noong idinikit niya uli ang kaniyang upuan. Hindi na ito kinikilig katulad kaninang umaga at after lunch. May kaguluhan na makikita sa mga mata nito. Ito naman ay masasabing nakikinig dahil pag tinawag siya ng teacher ay nakakasagot naman siya. Nag-iba lang talaga ang disposisyon. Iniisip tuloy niya kung may nagawa ba siyang masama kay Queenie. Nagui-guilty na tuloy siya, parang gusto niyang aluin si Queenie. Napansin din ni Luisa ang pagbabago kay Queenie. Nagtaka din siya dahil first time lang naman magkakilala nila Queenie at Michael. Ano iyon mahal na ba niya kaagad ang lalake? Imposible naman baka crush lang pero ang lala naman ng epekto kay Queenie. Bakit seryoso kaagad? Na-imagine ba ni Queenie na si Michael na ang kaniyang Mr. Right? Tinanggal na lang ni Luisa sa kaniyang isip si Queenie. Makikinig na lang muna siya. Si Queenie naman ay nagtataka sa kaniyang sarili. Bakit ganito ang kaniyang nararamdaman? Bakit siya naguguluhan? Nagtataka siya sa sinabi ni Luisa. Nakasakit ba siya ng tao? Nasaktan ba niya si Michael? Ayaw na ba sa kaniya ni Michael? Habang iniisip niya ang ganitong mga bagay ay nakikinig naman siya sa kaniyang teacher pero nakalutang lang sa kaniyang utak ang mga tanong. Nagtuloy ang ganitong disposisyon ni Queenie hanggang tumunog ang bell para sa panghapong recess. "Pwedeng makisabay uli sa inyong kumain?" tanong ni Michael kay Queenie. Hindi kaagad nakasagot si Queenie. Lipad ang kaniyang utak pagkatapos marinig ang bell. Mga ilang segundo bago siya nakasagot. Si Michael naman ay magsasalita na at handa nang makarinig ng masakit. "Okay lang naman. Sige makisabay ka ulit sa amin." sagot ni Queenie na may maliit na ngiti pero ang mata ay may lungkot. Hindi katulad kanina ay si Angie na ang naghihintay sa labas ng kuwarto nila Queenie. Nagulat ang dalawa dahil ang aga ni Angie lumabas. "Iyong subject kasi namin bago itong recess ay maagang natapos kaya bago mag-bell ready na kami para sa recess." sinagot ni Angie ang mga tanong sa mukha ni Queenie at Michael. Napansin naman ni Angie ang pagbabago kay Queenie. May kagagawan ba itong si Michael? "Let's go na at baka mahuli na naman tayo sa break." sabi ni Queenie kay Angie. Ipinasok ni Angie ang kaniyang kamay sa siko at braso ni Queenie at bumulong habang naglalakad. Tinakpan din niya ng kamay ang kaniyang bibig para hindi makita ni Michael ang kaniyang binubulong. "Bakit ka ganiyan? May ginawa ba itong mokong sa iyo?" "Wala siyang ginawa. May iniisip lang ako kaya ganito ako. Hindi niya kasalanan." sagot ni Queenie na malakas. Narinig tuloy ni Michael ang kaniyang sinabi. "Okay lang naman kung naiinis ka sa akin. Hindi na lang ako sasabay sa inyo." suggestion ni Michael. ''Ano ka ba? Hindi mo kasalanan kaya ako nagkakaganito. Huwag niyo na lang ako papansinin. May malalim lang ako iniisip." malakas na sagot ni Queenie kay Michael. Nagsimula na magkuwento si Queenie kay Michael ng mga iba pang karanasan nila ni Angie pero wala na ang kasiyahan katulad kaninang lunch. Hindi na lang pinansin ni Michael ang pagkakaiba. Ang importante hindi siya pinapaalis ni Queenie. Nakarating na uli sila sa canteen. Wala pang nakaupo sa kanilang puwesto at agad nila itong sinunggaban. Pagkaupo ay nilabas ni Queenie ang kaniyang baon na takoyaki. Shinare niya sa kaniyang mga kasama. Nagkukuwento uli siya para hindi na masama ang ere. Nakinig naman sila Michael at Angie kay Queenie para hindi mabastusan si Queenie. Natapos ang recess at umakyat na uli sila. Hindi na uli naging masaya si Queenie sa mga susunod na subject pagkatapos ng recess. Dadalawang subject lang naman iyon. Hindi na uli pinansin ni Michael ang lungkot sa mga mata ni Queenie. Noong class dismissed na at uwian na. "See you tomorrow. Have a good night." sabi ni Queenie kay Michael. "Ikaw din" sagot naman ni Michael. Mabilis na nag-imis ng gamit si Queenie at diretso nang lumabas ng kuwarto at pumunta sa waiting area. Susunduin kasi siya ng kaniyang tatay. Naabutan siya doon ni Angie na lumabas na rin ng school dahil mag-cocommute siya. "Huwag mong kalimutan mag-ask ng permission." sigaw ni Queenie kay Angie. Tumango na lang si Angie pero hindi niya alam kung paano isasakatuparan ang hiling ni Queenie. Dumeretso na siya sa may sakayan ng jeep na malapit sa school. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na rin ang tatay ni Queenie. Mula sa malayo ay kita na niya ang kotse ng kaniyang tatay kaya lumabas na siya ng gate. Kilala nama siya ng Ate Guard kaya hinayaan siya. Noong nasa tapat na ng gate ang kotse ay tumigil ito at binaba ng kaniyang tatay ang bintana ng passenger seat. "Oh, how are you? How's your first day?" tanong ng kaniyang tatay habang ipinapasok ni Queenie sa likod ang bag niya. Sumakay na sa passenger seat si Queenie. Hindi pa rin niya sinagot ang kaniyang tatay. "Oh how are you?" ulit ng kaniyang tatay. "Pa, I'm okay." Nagtaka ang kaniyang tatay sa sagot niya pero hindi na lang muna nagsalita hanggang nakauwi sila. Sa buong biyahe na maikli lang naman ay inisip uli ni Queenie ang masamang ginawa niya. Tunay ba talagang masama ang ginawa niya. Hindi niya alam. Ang kinakabahan pa siya ay baka na-offend niya si Michael. Iyon ang pinakakinakainis niya. Paano ba talaga asal sa harap ng crush mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD