Kulang na lang ay ipaglatag siya ng red carpet nang pumasok siya sa klase nila. Nabalitaan kasi ng mga ito na successful ang ginawa niyang exhibit. Hindi pa siya naifi-feature sa Weekly Art Magazine, ganito na ang reception ng mga ito sa kanya. Sa isang araw ang usapan nila ni Ulric na magkikita upang magawa ang pictorial. Ang pamilya niya ay bumalik na ng Pilipinas. Hindi pumayag si Nathan na umalis siya ng bahay dahil ito naman daw ang bumili nun para may matirahan sila. Wala daw kontribusyon dun kahit asin ang parents nila kaya hindi pwedeng magreklamo ang mga ito kung mag-stay siya doon. Tatanggihan sana niya ngunit sinabihan siya ng kapatid na magtatampo ito kapag hindi niya ito tinanggap. Pero ang laking pasalamat niya sa kapatid na hindi siya binibitawan kahit na bumitaw n

