"Kinausap ako ni Randolf tungkol sa feelings niya sa iyo," sabi ni Nathaniel. Noon ay kasalukuyan silang kumakain sa isang Mexican restaurant. Nathan suggested for them to eat Peri-Peri chicken. Yung dapat na isusubo niya ay nabitin sa ere nang marinig iyon. "H-he did what?" Baka lang kasi mali ang pagkakarinig niya. "He told me about his feelings and asked for permission to court you," sabi nito sa kanya. "At first I was thinking why does he have to tell me. Then before I can even ask him, he told me because I am your big brother." Humiwa ito ng karne ng manok. Napangiti siya. Randolf has been patient with her. Ilang buwan na din siya nitong nililigawan ngunit hindi ito yung tipong ihahatid-sundo siya mula sa condo papuntang eskwelahan. Ginagawa lamang nito iyon kapag m

