"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya kay Randolf nang pagbuksan niya ito ng pinto. Kinuha niya mula dito ang dalang bilao. "Ang lakas ng ulan! Then wala akong sasakyan. Iniwan ko sa casa," dahilan nito sa kanya. Basang-basa ito. "May extra ka bang damit?" Umiling ang kaibigan. "Dumeretso ka na ng banyo at maligo. Aabutan kita ng damit." Akmang hahakbang na ito papasok nang ituro niya ang doormat. "Mag-glide ka na yan ang nasa paa mo para hindi ka magkalat ng basa diyan." "Sungit naman," natatawang sabi nito. "Syempre naman! Mahirap kayang mag-linis," isinarado niya ang pintuan. "Dumating na ba si Farah?" Tanong nito bago pa man makapasok ng banyo. "Oo. Humiga lang sandali," sagot niya. "Gigisingin ko na lang pagkatapos mo." Naghanap siya ng damit ni Brix na kak

