"Mam, may tawag po kayo sa line one," sabi sa kanya ng kanyang sekretaryang si Natalie. Nakita niya ang pag-aalangan sa mukha nito. "Si Elmy Sanchez," napapikit siya nang madiin nang marinig niya ang pangalan ng bayaw. Asawa ito ng ate ni Randolf na si Riza. Ayaw ni Randolf sa lalaki dahil sakit ito ng ulo kahit noon pa. Hindi rin ito nakatapos ng pag-aaral dahil nabuntis ang kapatid ng asawa kaya naman umasa na ang mga ito sa pera mula sa ama na noon ay nakaratay na sa kama ng karamdaman. Ang isang kapatid din ni Randolf na si Marie ay ganoon din. Katulad din ni Elmy na tamad maghanap ng trabaho. Akala niya ay mapapagkatiwalaan niya si Marie nang banggitin niya dito na may naiwang insurance si Randolf. Iyon pala ay makikipagsabwatan ito sa panganay na kapatid, kasama ang mga a

