Sabado nang umaga ay naroroon na siya kina Marsh upang tignan ang mga damit nito. Kaliligo pa lang nito at hindi pa nakakasuklay nang dumating siya ngunit nakadamit na ito ng t-shirt at shorts na tingin naman niya ay pang-alis na. "Sayang, na-late ako," biro niya sa kaibigan na napakunot-noo. "Sana nakita pa kitang naka-tapis!" Tumingkayad ito upang pingutin siya. "Manyak ka talagaaaaaa!" Sabay ikot pa sa pagkakahawak ng tenga niya kaya napa-aray siya at atras upang makawala dito. "Grabe! Daig mo pa ang Mama ko! Ni minsan hindi pa ako napingot nun!" Reklamo niya habang hinihimas ang tenga nito. "Hoy, alam mo nang ganyan ako dati pa, ngayon ka lang nagreklamo," humalukipkip ito at naka-ismid. "Kapag ikaw narinig ni Nanay na ganyan ka magsalita sa akin, lagot ka dun! Kung ay

