Chapter 2

653 Words
Kasalukuyan akong naglalakad patungong cafeteria nang may sumabay bigla sa‘kin maglakad. Tinignan ko siya at kumunot ang noo ko no’ng mapagtanto ko kung sino siya. “Oh ano na naman?” Tanong ko. Pasungit-sungit muna tayo ngayon baka mahalata niyang napopogian ako sa kaniya eh. “Just making sure you know where the cafeteria is.” At ngumisi pa ang gago. “Hoy bakit? Akala mo ba hindi ko alam.” Inirapan ko siya. “Nah, just making sure, really.” Nginitian niya ako. At sinasabi ko sa inyo mga pakshet kayo ang pogi niyaaaa! Aaaah! Oo na, ako na ‘to mga teh, sa‘kin na ‘to. “And I want to eat lunch with you.” Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya at wala pa ring pinagbago, nakangiti pa rin siya. “With me? Lunch? Sigurado ka ba?” Tumango siya. “Weh? Libre mo?” Natawa siya ng mahina at saka tumango ulit. Luh, seryoso ba ‘tong taong ‘to? Baka maubos pera niya n‘yan. Hindi mo ako kilala Yael */evil grin. Nung nasa tapat na nga kami ng counter ay tinanong niya ako. “What do you want?” Nag isip-isip muna ako. “Uhmm, fried chicken, burger steak, tapos Ala King? Oo ‘yan nalang. Lahat ‘yan may rice ah. Tapos dalawang tubig kasi bawal ako sa softdrinks. Tapos isang slice ng leche flan para may dessert hehe.” Pumalakpak ako sa saya. “Hanap na ako table, Yael!” Hindi ko na siya pinasalita dahil agad akong umalis. Limang minuto lang naman yung hinintay ko at dumating na nga si Yael dala dala ang isang tray. “Can you hold this? We still have foods left at the counter.” Nung sinabi niya ‘yon ay agad-agad kong inabot ang tray at inayos ang mga pagkain sa table. Kawawa naman si Yael, siya na nga gumastos siya pa nagdala. Asan ang hustisya, Aya? Nang makabalik siya ay inayos ko ulit ang mga pagkain. “So tell me, do you prefer to be called Amaya or do you have nicknames?” Tanong niya habang nakatitig sa‘kin. Makatitig naman ‘to akala niya wala nang bukas. May class pa bukas huy, makikita mo pa ‘tong gorgeous face na itech. “My friends and family call me Aya. Kaya gusto kong gano’n nalang yung tawag sa‘kin kasi sanay na ako.” Saka ko sinubo ang malaking hiwa ng burger steak. “You want to be called like that?” Sumingkit ang mga mata niya, tila sinusuri ata kung totoo ba yung sinasabi ko. Napatango nalang ako dahil sa bibig kong puno ng pagkain. Ang sarap naman kasi ng pagkain kapag libre. Agree ba kayo? “What a pretty name.” Halos nabilaukan ako sa sinabi niya kaya umubo ako at agarang uminom ng tubig. “Hoy, huwag ka ngang mambola, makakapatay ka ng tao eh.” Sinamaan ko siya ng tingin. “What? I'm serious.” Serious daw pero natatawa naman. “Eh ikaw? Yael lang ba talaga tawag sa‘yo?” Pag-iiba ko ng topic. Nag-isip-isip siya bago ngumisi. Inatake na naman ‘to ng kung ano. “Yes, Yael is just fine.” Gagi anong fine? Eh sobrang pogi ng pangalan mo parekoy. Fine fine ka r‘yan. “You said you're not allowed to drink softdrinks. Are you ill?” Natawa ako sa isip ko. Naku, kung alam mo lang. Ilang beses na akong sinugod sa hospital dahil sa UTI ko. “Oo, may UTI ako eh.” Saka ako nagpatuloy sa pagkain. Nakita ko sa Peripheral vision ko na tumango tango siya. “But I'm still wondering. You eat a lot yet you look like you don't.” Napangiti ako. “Kahit kailan hindi naman ako tumaba eh, kahit noong bata pa ako.” “You‘re still pretty though.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD