Chapter 4

710 Words
Nasa jeep kami ngayon ni Mama, papunta kami kay Lola. Doon lang daw muna kami pansamantala habang wala pa kaming nahahanap na apartment na malapit sa school ko. Ayaw kasi ni mama na maging malayo yung mga pinapasukan kong school. Para daw madali lang lakarin at makatipid sa pamasahe. Para sa‘kin okay naman yung gano’n. Exercise din ‘yon noh tsaka nakakatulong ‘yon para mapanatili ko ang sexy body ko na hindi masyadong sexy. Nung makarating na kami sa bahay ni Lola ay binayaran na ni Mama yung driver saka siya kumatok sa pinto ng bahay. “Ma! Si Anna ‘to!” Sigaw ni Mama dahilan kaya kami pinagbuksan agad ng pintuan. “Anna? Aya? Anong ginagawa niyo rito? Akala ko ba sa susunod na Sabado niyo pa ako dadalawin?” Nakakunot ang noo ni Lola nang tanungin kami. Twice a month lang kasi kami nakakabisita kay Lola at every Saturday lang ‘yon dahil masyadong busy si Mama sa trabaho. Hindi siya sinagot ni Mama, sa halip ay nagmano lang siya rito kaya sumunod akong nagmano. Si Mama ang unang pumasok sa bahay at doon siya tumuloy sa dating kwarto niya noong dito pa siya nakatira. “Nag-away na naman po kasi sila ni Papa, ‘La.” Malungkot na saad ko. “Diyos ko, napapadalas na yata ang pag-aaway ng Mama’t Papa mo.” Nag-aalala niyang sabi. Wala akong nasagot kaya inimbita nalang ako ni Lola na kumain at magkape. Para raw mabawas bawasan yung stress ko. Alam na alam niya talaga kung anong nagpaparelax sa‘kin. Inaya ako ni Lola na sa sala raw kami at magkwentuhan. “Ano hija? May crush ka na ba ngayon?” Sabik na sabik na tanong niya. Ewan ko rito kay Lola, mas excited pa siya na magka-love life ako. “Naku, ‘La. Sa tingin ko mayroon na po.” Bungisngis ko. Nanlaki ang mga mata ni Lola at napaawang ang labi niya. “Aba‘y kwentuhan mo ako, dali!” Huminga muna ako ng malalim. “Ganito po kasi ‘yon, yung unang encounter po namin ay medyo hindi maganda tsaka hindi rin romantic kaya nagdadalawang isip ako kung magiging crush ko nga ba siya. Pero dahil lahat ng tungkol sa kaniya ay pogi, i-coconsider ko siya na crush ko.” Ang taray ko naman, parang ako pa napipilitan ah. “Tapos alam mo ba, ‘La? Linibre niya ako ng lunch kahapon tsaka hinatid niya pa ako sa bahay kasi nga umuulan tapos wala akong payong.” Pagpapatuloy ko. “Wow, ang gentleman naman pala.” Komento niya. “Sus, sobra pa, ‘La! Tapos ang dami ko pang inorder na lunch kahapon kasi gutom na gutom ako.” Natawa si Lola sa kwento ko kaya napangiti ako. Kahit papaano ay masaya pa rin si Lola kahit problemado yung anak niya. Ayaw kong madamay siya sa problema namin. Naging tahimik ang pagitan namin dahil nanood muna si Lola ng TV. Nanood nalang din ako saka ko inubos ang kape ko. “‘La, lagay ko lang po sa kusina.” Paalam ko na tinanguan naman niya. Nung nadaanan ko ang mga picture frames na naka-display sa tapat ng dining area ay napatigil ako. Nandoon kasi ang picture ko na kinunan lang last year. Ito yung moving up ceremony namin sa Grade 10. Ang saya ko pa tignan dito, hindi pilit yung ngiti ko. Noong summer lang naman nagsimula yung matinding alitan nila Mama. May narinig ako na tungkol sa selos, mga bayarin, yung pagiging lasinggero ni Papa, at iba pang mga problema na basta-basta nalang nasasali sa away nila. Napailing nalang ako saka ako dumiretso ng kusina. Nang mailagay ko na ang tasa ay binalikan ko si Lola. “Puntahan mo yung Mama mo sa taas, hija. Tanungin mo kung gusto niya bang kumain.” Utos niya na agad kong tinalima. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ay dahan-dahan akong kumatok. Kaso walang sumagot at hindi niya rin ako pinagbuksan ng pintuan. “Ma, pinapatanong ni Lola kung gusto mo raw kumain.” Sakto lang yung boses ko para marinig ng taong nasa loob. Kaso ilang minuto na akong nag-aantay at wala pa ring sumasagot. Baka tulog na dahil sa pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD